Home / Romance / The Tycoon's Pampered Wife / Chapter 5: Argument

Share

Chapter 5: Argument

Author: Watermelon
last update Last Updated: 2024-11-19 22:38:18

Pagkatapos ng kasal, parang lantang gulay na nahiga sa kama si Sunny. Hindi na nito nagawang tanggalin ang kaniyang wedding gown at heels na suot-suot dahil sa sobrang pagod.

Hindi niya akalaing ganito pala nakakapagod ang magpakasal! Hindi lang siya physically exhausted kundi mentally din!

Hindi na namalayan ni Sunny na nakaidlip na pala ito, naalimpungatan lamang nang marinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan niya.

Agad na napabalikwas si Sunny at napatingin sa kung sino mang mapangahas na nagbukas ng pintuan. Nahulog ang kaniyang panga nang makita ang gwapo ngunit malamig na asawa.

"Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Sunny. Tumayo siya nang tuwid at inangat ang mabigat na gown para umurong sa dulo ng kwarto.

"Anong ibig mong sabihing anong ginagawa ko rito? Kwarto ko 'to," sagot ni Rowan.

Natameme si Sunny sa narinig at nilibot ng tingin ang sinasabing kwarto ni Rowan.

Lahat ng nakikita niya ay kulay itim o puti lamang, mapa-gamit o dingding pa man.

"Dito ako tinuro ng kasambahay niyo!"

Umiling lamang si Rowan, para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Malamang, dahil bagong kasal tayo." Hindi na pinansin ni Rowan si Sunny na nakatayo pa rin sa pinakadulong sulok ng silid.

Naglakad ito patungo sa kama at naupo roon. Unti-unting tinanggal nito ang kagamitan sa kaniyang katawan, kagaya ng relo, necktie, at sapatos.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Sunny. Sandali siyang sinulyapan ni Rowan at muling bumalik sa ginagawa; ngayon naman ay ang suot na blazer ang tinatanggal.

"Gusto nila tayong matulog nang magkasama. 'Yan ang ginagawa ng bagong kasal," ani Rowan. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, nilagay ang relo sa bedside table, at ipinatong sa maliit na sofa ang blazer. Pagkatapos noon, unti-unti niyang tinanggal ang mga butones ng suot na button-down shirt.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" kinakabahang tanong ni Sunny. Tinakpan niya ang dibdib at nag-iwas ng tingin, kinakabahan sa maaaring mangyari.

Kung ganoon, tabi silang matutulog ngayong gabi?!

Nanindig ang balahibo ni Sunny sa ideya pa lang. Iniisip niya pa lang na kailangang magkasama sila sa iisang kama ay parang binuhusan na siya ng malamig na tubig. Ang kabog ng kanyang dibdib ay tila ayaw tumigil, lalo na’t hindi niya alam kung paano haharapin ang ganitong sitwasyon.

At nang makita niyang naghuhubad ng damit ang kanyang asawa—sa mismong harap niya pa?! Para na siyang hihimatay sa kaba.

“A-Anong ginagawa mo?!” halos pasigaw na tanong niya, pilit na hindi tumingin sa direksyon ni Rowan.

Bahagyang lumingon si Rowan, halatang nagtataka sa reaksyon niya. "Kailangan ko maligo bago matulog.”

Napasinghap si Sunny. “E bakit hindi ka sa banyo maghubad?!”

“Dahil siguro kwarto ko ’to?” Sarkastikong sagot ni Rowan, kasabay ng malamig na tingin sa kanya.

Napasingkit ng mga mata si Sunny, hindi makapaniwala sa sagot nito. Lumapit siya sa lalaki nang padarag, ang kaba sa kanyang dibdib ay napalitan ng inis.

“Akala mo kung sino ka! Kanina ka pa sa simbahan, ah!” galit na usal niya, halos i*****l ang mukha niya sa likod nito. Ngunit sa halip na sagutin siya, tinalikuran lamang siya ni Rowan, na parang wala siyang sinabi.

Ang kapal ng mukha!

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala mo kung sino ka!” sigaw ni Sunny, halos mawalan na ng kontrol sa kanyang galit. Sa sobrang inis, hinubad niya ang kanyang suot na heels at walang pag-aalinlangang ibinato iyon kay Rowan, na noo’y malapit nang makapasok sa banyo.

Tumama ang sapatos sa likod ni Rowan.

Napahinto ito sa paglalakad, dahan-dahang bumaling ang tingin sa kanya. Kunot-noong tiningnan siya ng lalaki, ang nanlilisik na mga mata nito’y nagdulot ng kakaibang kaba sa dibdib ni Sunny.

“Baliw ka ba?!” sigaw ni Rowan, galit na galit na nagmartsya pabalik sa kanya. Sa bawat hakbang nito’y parang bigat ng mundo ang dinadala ni Sunny. Umatras siya nang bahagya, ngunit hindi siya tinantanan ng lalaki.

Nang tuluyang makalapit, itinuro siya nito gamit ang hintuturo, na parang batang sinermonan ng guro.

“You listen to me!” galit na sabi ni Rowan, nanginginig ang boses nito sa gigil. “I don’t know what tricks you pulled on my father, but it won’t work with me!”

Napasinghap si Sunny, parang sinuntok siya ng hangin sa narinig. Napakapal talaga ng mukha ng lalaking ito! Hindi ba nito naiintindihan na wala rin siyang gusto sa nangyaring kasal?

“Mawalang-galang na!” balik niya, ang boses ay halos nanginginig sa inis. “May hindi ata tayo pagkakaintindihan dito!”

Ngunit tila bingi si Rowan sa sinabi niya. Hinilamos nito ang mga palad sa mukha, halatang stress na stress na rin sa sitwasyon.

“Hindi ako ang may gusto sa kasal na ’to kundi ang tatay mo!” mariing sagot nito, ang boses ay puno ng frustration. “At alam ko rin na hindi mo gusto ang kasal na nangyari, pero wala tayong magagawa dahil iyon ang gusto ng tatay mo! Hindi ko kasalanan ’yon!”

Nagpanting ang tenga ni Sunny. Ano bang iniisip ng lalaking ito? Na gusto niya ang kasal na ito? Kung siya lang ang masusunod, hindi niya ipagpapalit ang buhay niya para lang mapunta sa ganitong sitwasyon!

Sa isip ni Rowan, hindi siya naniniwala sa pinapahayag ni Sunny. Napakaimposible. Sigurado siyang hindi totoo ang mga sinasabi nito. Sino'ng tanga ang aayaw sa mga Morris? They're powerful and big when it comes to business! That's so absurd!

"Wala akong pakialam! Huwag mong aasahan na magiging tahimik at masaya ang buhay mo sa pamilyang 'to, dahil kabaligtaran ang lahat ng 'yan!" wika ni Rowan.

Tatalikod na sana ito nang higitin siya ni Sunny at hinaklit ang singsing sa kaniyang kamay, saka ibinato iyon.

"Wala kang karapatang pagbantaan ako!" sigaw nito, "kung ayaw mo sa akin, puwes, ayaw ko rin sa 'yo! Hindi ko pinilit ang tatay mo na pakasalan ka, sa katunayan ay kabaligtaran pa nga!"

"Sino ang maniniwala sa 'yo?"

"Rowan, sinasabi ko sa 'yo, kung hindi lang kami tinakot ng tatay mo, malamang kahit pa magutom kami ng pamilya ko, hinding-hindi ako ibibigay ng tatay ko sa pamilyang 'to!"

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Rowan.

"Inilagay mo sa akin ang singsing pero tatanggalin mo rin?"

Napatingin si Rowan sa kaniyang daliri, nakitang namumula iyon dahil sa pwersahang pagtanggal ng singsing. Hinawakan niya iyon at napabuntong-hininga, nauubos ang pasensya niya sa babaeng ito.

Hindi niya lubos maunawaan ang Ama; sa dami-daming puwedeng babaeng ipares sa kaniya, siya pa talaga.

Napakaliit na babae pero napakatapang!

"Pagod ako, ayaw ko nang makipagtalo sa 'yo. Kung ayaw mo rito matulog, maghanap ka ng guest room sa labas," mahinang sabi ni Rowan, tila ba napipilitan na lamang kausapin si Sunny.

Inis na nilagpasan na lamang siya ni Sunny at mabilis na lumabas ng kwarto.

Nang mawala si Sunny sa paningin ni Rowan, naglakad na siya papasok ng banyo.

Hindi niya alam kung ilang araw niya matatagalan ang babaeng iyon. Mabuti na lamang at palagi siyang wala sa bahay na ito at laging nasa opisina para magtrabaho.

Sa ganon, kahit na nagulo pansamantala ang buhay niya, magiging tahimik ulit iyon.

Hindi niya alam, doon siya nagkakamali.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 125 : Behind Jail

    Pero hindi nagdalawang-isip si Sunny. Hindi siya titigil. Samantala, ang mga lalaking estudyante ay hindi na makagalaw. Nakatitig lang sila kay Sunny, nanginginig. "Hindi ba siya ang school beauty? Ang mahinhing diyosa? Bakit parang isa siyang halimaw?"Gulo, Laban, at Isang Nakakagulat na RebelasyonItinuro ni Samuel ang mukha ni Sunny at mariing sinabi, "Lolo, matagal ko nang sinabi sa'yo, huwag kang magpapalinlang sa hitsura niya! Mukha lang siyang mahinhin, pero napakatapang niyan!"Agad siyang sinipa ni Sunny, pilit na sinasalba ang mabuting imahe niya sa harap ni Mr. Morris. "Tay, hindi naman talaga ako mainitin ang ulo! Hindi ba't mabait at tahimik ako kapag nasa bahay? Eh kasi naman, sila ang nauna! Siyempre, nagalit ako. Saka—saka sino ba ang hindi nag-iinit ang ulo kapag galit, di ba?" Sa huling bahagi ng sinabi niya, medyo nauutal siya, halatang kinakabahan.Tumango si Mr. Morris na tila iniisip ang sinabi niya, pero bigla ring kumunot ang noo. "Hmm, pero hindi tama. Ka

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 124 : Wrong huh

    Si Samuel mabilis na lumingon at itinuro si Celeste Borja, "Gusto mo talagang mamatay, ha?" Kinuha niya ang tungkod mula sa kamay ng kanyang lolo, lumapit kay Celeste, at walang pag-aalinlangang inihampas iyon sa ulo niya. Punong-puno ng galit si Samuel. Isa siyang lalaki, at doble ang lakas niya kumpara sa isang babae. Buong pwersa niyang inihataw ang tungkod sa ulo ni Celeste. Agad itong nakaramdam ng hilo, parang nawalan ng malay sa sobrang sakit. Binitiwan ni Samuel ang tungkod. Wala siyang pakialam sa sinasabing "hindi nananakit ng babae ang lalaki"—para sa kanya, walang kwenta ang mga ilusyonaryong pananalitang ganun. Walang babala, sinuntok niya si Celeste sa mukha. "Samuel! Ang ate ko si Celeste Borja! Pinatulan mo ako, hindi ka ba natatakot sa tito ko—argh!" Hindi pa natatapos ni Celeste ang sinasabi nang biglang inapakan ni Samuel ang mukha niya.Nagkagulo ang buong paaralan.Nagpatawag agad ng pulis dahil hindi na mahinto ang gulong nang nag-aaway na mga estudyante. Il

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 123 : Crazy

    Pagkatapos niyang sabihin iyon, dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang mamahaling bag sa mesa. Nilakihan niya pa ang kilos para siguradong mapansin ito ng lahat. "Eto, ang bag ko. Sa official website, 180,000 yuan ‘to. O ayan, may bago kayong topic na pwedeng pag-usapan. Huwag niyo nang ubusin ang oras niyo sa mga walang kwentang chismis. Pwede niyo rin pag-usapan itong bracelet ko, na nagkakahalaga ng 30 million yuan. Sige, halukayin niyo pa ang background ko, alamin niyo kung sino talaga ako at bakit ako mayaman." Nagulat ang buong klase. Tahimik silang nakatitig sa bag at bracelet niya. Hindi sila makapaniwala. Isang bag na 180,000 yuan? Isang bracelet na 30 million yuan?! Lalo pang lumawak ang mapanuksong ngiti ni Sunny. Nilibot niya ang tingin sa buong klase, at napansin niyang may isang tao na mas matindi ang galit sa kanya—si Celeste Borja. Habang nakangiti si Sunny, si Celeste naman ay halos bumutas ng mesa sa tindi ng tingin sa kanya. At nang magsalita ito, ramdam ang

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 122 : Can’t Be

    Sa totoo lang, kanina pa siya nagtatampo sa asawa niya. Dahil panay ang pang-aasar nito sa kanya at panay rin ang halik nito, kaya naman nagtago siya sa gilid ng kama at niyakap ang unan. Pero sa kalagitnaan ng gabi, kahit tulog, kusa siyang bumalik sa bisig ng asawa niya. Napabangon si Rowan nang marinig ang nakakairitang tunog ng cellphone. Humarap naman si Sunny sa kanya at umungol, "Husband, woo woo, nakakainis, ikaw na sumagot." Pinulot ni Rowan ang cellphone at tiningnan ang caller. Sinagot niya ito at inilapit sa kanyang tainga. "Hello?" Sa kabilang linya, hindi agad nakapagsalita ang tumawag. Isang lalaking boses ang narinig niya mula sa cellphone ni Sunny. At sa sandaling iyon, kahit gusto niyang ipagtanggol si Sunny, hindi niya napigilan ang sariling magduda sa mga nabasa niya sa forum. Dali-dali niyang ibinaba ang tawag. Napakunot-noo si Rowan habang nakatitig sa cellphone. Dahil sa babala ni Annie, dali-daling bumalik sa sasakyan si Sunny at Samuel. Binuksan nila a

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 121 : Wrong

    Isang Karaniwang Post, Isang Matinding EskandaloSa isang simpleng post, lumobo agad ang komento tungkol sa diumano'y pagiging "sugar baby" ni Sunny. Sa loob lamang ng tatlong oras, umabot na sa mahigit 30,000 ang mga komento sa tatlong nangungunang thread.Dahil sa dami ng taong nakikisali, bumagsak ang forum ng paaralan. Pero hindi iyon naging hadlang—may mga taong gumawa ng mahabang larawan ng buong usapan at ipinalaganap ito sa pribadong mga GC. Sa isang iglap, pumutok ang balita.Pati mga guro mula sa iba’t ibang departamento ay lihim na nagbabasa ng tsismis habang patuloy ang diskusyon ng mga estudyante sa madaling araw.Mas lalo pang lumaki ang iskandalo dahil si Sunny ay kilalang sikat sa kanilang unibersidad. Ang isyu niya ngayon ay natabunan pati ang dating eskandalo ni Celeste Borja.Isang Dilag sa DilimAlas-dos na ng madaling araw, pero gising pa rin si Celeste. Tinititigan niya ang kaniyang "obra maestra"—ang iskandalong siya mismo ang nagpasabog. Isang mapanuksong ngiti

  • The Tycoon's Pampered Wife   Chapter 120 : Baseless Accusations

    Hapon na pala, at tila wala siyang nakita kanina.Matapos maligo, nawala na ang amoy ng snack street kay Mr. Morris. Busog na siya, pero parang may kulang pa rin. Gayunpaman, maganda ang mood niya, kaya naman bihirang pagkakataon na makipagkwentuhan siya sa anak at manugang.“Rowan, anong pangalan ng asawa mo sa phone mo?” tanong ni Mr. Morris.“Pusa.”“Ha? Kakaiba kayo. Karaniwan, ‘Asawa’ o ‘Sweetheart’ ang ginagamit ng iba, pero kayo—‘Pusa’ at ‘Malaking Tigre.’ Ang trendy niyo naman.”Napangiti si Rowan habang tiningnan ang misis niyang nakasiksik sa braso niya. “Ako pala ang Malaking Tigre?”Napakagat-labi si Sunny at nagkikindat na sumagot, “Ikaw kasi ang asawa ko. Sabi nila, ikaw ang hari ng business world. Eh, ang hari ng kagubatan, tigre, diba? Kaya~~ hehe, asawa, gusto mo ba ‘yung tawag ko sa’yo?”Tumaas ang kilay ni Rowan. “Mas gusto ko kapag tinatawag mo akong ‘Asawa.’”“Eh ‘di palitan mo rin ako sa phone mo, gawin mong ‘Asawa’~” lambing ni Sunny habang nakayakap sa braso ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status