Tahip ang paghinga ni Sunny habang pababa siya ng hagdanan. Nasayang lamang ang oras niya sa pakikipag-usap sa walang kwentang asawa!
Pati pagkain niya ay nakaligtaan niya dahil lang sa walang kwentang batas na gusto ng impokritong 'yon! At mukhang may balak pa siyang takutin ng lalaki. As if naman magpapatakot siya dito. Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya si Mr. Morris! "Speaking of the devil," bulong ni Sunny nang makababa ito ng hagdan. Bumaling siya sa kasambahay na tahimik na naglilinis ng mga kagamitan. Sinitsitan niya ito at nilapitan. Yumuko naman ang kasambahay bilang pagbibigay-galang. "Ano pong maitutulong ko sa inyo, Mrs. Morris?" tanong ng kasambahay. Umasim ang mukha ni Sunny sa narinig. Mrs. Morris, huh? Kadiri! "Naku, tawagin mo na lang akong Sunny! Ikaw ba, anong pangalan mo?" "Ako po si Tina, Mrs. Morris," sagot ng kasambahay sa mabait na tono. Ngumiwi na lamang si Sunny, mukhang wala siyang magagawa sa tawag ng kasambahay sa kaniya. "Ah, okay, Tina... Alam mo ba kung nasaan ang opisina ni Mr. Morris?" "Ang asawa niyo po?" inosenteng tanong ni Tina. "Hindi! Si Mr. Morris—yung matandang Morris!" Pagde-describe ni Sunny habang tinuturo ang ulo na para bang sinasabing panot. Tumango-tango naman ang kasambahay at itinuro ang isang kwarto sa pangatlong palapag ng bahay. "Okay, salamat," wika ni Sunny, sabay ngiti nang bahagya. Anong akala ni Rowan? Masisindak niya ang kagaya ni Sunny? Doon siya nagkakamali! Alam niya kung sino ang totoong boss sa pamamahay na 'to! Pag-akyat niya sa ikatlong palapag, kumatok si Sunny sa opisina ni Mr. Morris. "Pasok!" sigaw ng nakatatandang Morris. Binuksan ni Sunny ang pintuan at nagbigay ng malaking ngiti. "Magandang umaga po!" "Naparito ka? Maupo ka!" Hilaw na ngumiti si Sunny kay Mr. Morris at umupo ito sa malaking sofa habang pinipisil ang laylayan ng kanyang damit. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkaasar, ngunit may bakas ng pilyang ngiti sa kanyang labi. "Mr. Morris," sambit niya, nagpapakitang-inosente, "kinausap po ako ni Rowan, hindi ko maintindihan kung bakit sabi niyo ay proprotektahan niyo ang mga Fajardo kapalit ng pag papakasal ko sa anak niyo pero tinatakot naman ako ni Rowan na kung hindi raw ako magpapakaayos bilang asawa niya, may mangyayari sa negosyo naming mga Fajardo." Huminto si Mr. Morris sa pagtingin sa mga dokumento at tumingin kay Sunny. Ang kanyang kilay ay bahagyang kumunot, ngunit ang kanyang tinig ay nanatiling kalmado. "Sinabi ba talaga ni Rowan, 'yan? " "Opo, Mr. Morris," sagot ni Sunny na tila batang nagsusumbong. "Hindi ko naman po iniisip na seryoso siya, pero bilang anak niyo, nakakahiya naman kung totoo iyon dahil may kasunduan tayo, hindi po ba?" Napabuntong-hininga si Mr. Morris. "Ako ang bahala rito. Kakausapin ko si Rowan mamaya." Ngumiti si Sunny, nagtatagumpay sa kanyang munting plano. "Salamat po, Mr. Morris," --- Sa opisina ni Rowan, naroon si Mr. Morris na tahimik ngunit may bigat sa bawat hakbang. Tumayo si Rowan mula sa kanyang desk nang makita ang ama. "Anong problema? " tanong niya sa galit at padabog na nag lalakad na si Mr. Morris. "Tinakot mo ang mga Fajardo?" Tanong ni Mr. Morris sa anak. Napakunot-noo si Rowan. "Anong sinasabi niyo? Wala akong ginagawa sa kanila." "Huwag mo akong lokohin, Rowan. Si Sunny mismo ang nagsabi sa akin. Nangako ako sa asawa mo na proprotektahan ko ang mga Fajardo kapalit ng pag papakasal sa 'yo!" Nagpakawala si Rowan ng mapaklang ngiti. "Hindi ko alam kung saan galing ‘yan, pero hindi totoo ‘yan. Sinisiraan lang ako ni Sunny." "Rowan," singhal ni Mr. Morris, "huwag mo nang dagdagan pa ang problema. Isa lang ang sinasabi ko sa’yo—ayusin mo ang pakikitungo mo kay Sunny. Asawa mo na siya ngayon." "Wala naman akong ginagawang masama? " galit na tugon ni Rowan. "Ano ba ang meron sa kanila at parang mas pinapaboran niyo pa sila kaysa sa akin?" Tumaas ang kilay ni Mr. Morris at ang kaniyang tinig ay lumamig. "Hindi mo na kailangang malaman. Basta tandaan mo, Rowan, protektado ko ang pamilya ng asawa mo. Kung gusto mong magtagumpay ang kasal niyo, tratuhin mo ng tama si Sunny" Hindi makapaniwala si Rowan sa naririnig. "Teka, Dad, kayo ba ang tinatakot ng mga Fajardo? Ano ba talaga ang nangyayari dito?" "Hindi mo na kailangan malaman pa," sagot ni Mr. Morris bago tumalikod. "Ang alalahanin mo, Rowan, ay kung paano magiging maayos ang pagsasama niyo ni Sunny." Samantala, si Sunny ay naglalakad pabalik sa kanilang silid na may ngiting tagumpay sa kanyang mukha. "Tignan natin ngayon, Rowan," bulong niya sa sarili, " ako pa ang tinakot mo ha. " Nakangiti, inikot ni Sunny ang paningin sa buong kwarto ni Rowan. Hindi nito nalibot ang paningin kagabi sa kwartong ito dahil sa antok at galit sa asawa, pero ngayon ay mas na-appreciate na ni Sunny ang itsura ng kwarto. Lumapit si Sunny sa malaking kama at sumampay doon ng makita niya ang isang libro. 'how to not give a fuck' ang title no'n napangisi siya at kinuha iyon saka binuklat upang basahin. Matapos ang mabigat na usapan nila ng kanyang ama, nagmamadaling pumunta si Rowan sa kwarto nilang mag-asawa. Binuksan niya ang pinto nang walang paalam at tumambad sa kanya si Sunny na nakaupo sa gilid ng kama, abala sa pagbabasa ng isang libro. Napatingin ito sa kanya, ngunit agad ding nagbalik sa binabasa na para bang wala siyang nakikitang galit na Rowan. "Ano bang kalokohan ang pinag-sasabi mo sa tatay ko?" bungad ni Rowan, galit na galit. Itinaas ni Sunny ang kilay at tila walang pakialam sa tono nito. "Bakit? Ano na naman ang problema mo?" "Huwag kang mag-maang-maangan!" sigaw ni Rowan, pumasok nang tuluyan at tumayo sa harap niya. "Wala naman akong sinasabing masama," sagot ni Sunny na may halong iritasyon, ngunit hindi pa rin nawawala ang pilyang ngiti sa kanyang labi. Hindi mapigilan ni Rowan ang galit niya. "Hindi ko tinakot ang pamilya mo! Kung iyon ang iniisip mo, mali ka!" Mabilis ang sagot ni Sunny, kalmado ngunit may diin. "Wala naman akong sinabi na tinakot mo ang pamilya ko." Napaismid si Rowan, lalo pang nainis sa tono nito. "Ah, gano'n ha? Aling Tina!" sigaw niya, tinawag ang isang kasambahay na abala sa pag-aayos sa pasilyo. Agad namang lumapit ang kasambahay, kinakabahan. "Opo, Sir Rowan?" "Pakitawagan ang mga Fajardo," madiing utos ni Rowan. Naguluhan si Aling Tina. "Sino po sa mga Fajardo ang tatawagan ko?" "Ang father-in-law ko! Pakitawagan ngayon din!" halos pasigaw na utos ni Rowan. Napailing si Sunny, tumayo mula sa kama at biglang lumapit kay Rowan. "Rowan, you bastard!" sigaw niya, kasabay ng pag-suntok niya sa dibdib ng asawa nang may buong inis. Nagulat si Rowan sa ginawa ni Sunny ngunit hindi siya natinag. Hinablot nito ang braso ng asawa upang pigilan sa ginagawang pag suntok sa kaniya. "Huwag mong pigtasin ang pasensya ko, Sunny. Sinasabi ko sa'yo, huwag mo 'kong sinusubukan! " Ngunit hindi nagpatinag si Sunny. Tumitig siya kay Rowan nang may halong galit. "Ikaw ang huwag ako subukan Rowan. Akala mo lahat ng tao kaya mong takutin. Puwes, hindi ako isa sa mga ‘yon!"Pero hindi nagdalawang-isip si Sunny. Hindi siya titigil. Samantala, ang mga lalaking estudyante ay hindi na makagalaw. Nakatitig lang sila kay Sunny, nanginginig. "Hindi ba siya ang school beauty? Ang mahinhing diyosa? Bakit parang isa siyang halimaw?"Gulo, Laban, at Isang Nakakagulat na RebelasyonItinuro ni Samuel ang mukha ni Sunny at mariing sinabi, "Lolo, matagal ko nang sinabi sa'yo, huwag kang magpapalinlang sa hitsura niya! Mukha lang siyang mahinhin, pero napakatapang niyan!"Agad siyang sinipa ni Sunny, pilit na sinasalba ang mabuting imahe niya sa harap ni Mr. Morris. "Tay, hindi naman talaga ako mainitin ang ulo! Hindi ba't mabait at tahimik ako kapag nasa bahay? Eh kasi naman, sila ang nauna! Siyempre, nagalit ako. Saka—saka sino ba ang hindi nag-iinit ang ulo kapag galit, di ba?" Sa huling bahagi ng sinabi niya, medyo nauutal siya, halatang kinakabahan.Tumango si Mr. Morris na tila iniisip ang sinabi niya, pero bigla ring kumunot ang noo. "Hmm, pero hindi tama. Ka
Si Samuel mabilis na lumingon at itinuro si Celeste Borja, "Gusto mo talagang mamatay, ha?" Kinuha niya ang tungkod mula sa kamay ng kanyang lolo, lumapit kay Celeste, at walang pag-aalinlangang inihampas iyon sa ulo niya. Punong-puno ng galit si Samuel. Isa siyang lalaki, at doble ang lakas niya kumpara sa isang babae. Buong pwersa niyang inihataw ang tungkod sa ulo ni Celeste. Agad itong nakaramdam ng hilo, parang nawalan ng malay sa sobrang sakit. Binitiwan ni Samuel ang tungkod. Wala siyang pakialam sa sinasabing "hindi nananakit ng babae ang lalaki"—para sa kanya, walang kwenta ang mga ilusyonaryong pananalitang ganun. Walang babala, sinuntok niya si Celeste sa mukha. "Samuel! Ang ate ko si Celeste Borja! Pinatulan mo ako, hindi ka ba natatakot sa tito ko—argh!" Hindi pa natatapos ni Celeste ang sinasabi nang biglang inapakan ni Samuel ang mukha niya.Nagkagulo ang buong paaralan.Nagpatawag agad ng pulis dahil hindi na mahinto ang gulong nang nag-aaway na mga estudyante. Il
Pagkatapos niyang sabihin iyon, dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang mamahaling bag sa mesa. Nilakihan niya pa ang kilos para siguradong mapansin ito ng lahat. "Eto, ang bag ko. Sa official website, 180,000 yuan ‘to. O ayan, may bago kayong topic na pwedeng pag-usapan. Huwag niyo nang ubusin ang oras niyo sa mga walang kwentang chismis. Pwede niyo rin pag-usapan itong bracelet ko, na nagkakahalaga ng 30 million yuan. Sige, halukayin niyo pa ang background ko, alamin niyo kung sino talaga ako at bakit ako mayaman." Nagulat ang buong klase. Tahimik silang nakatitig sa bag at bracelet niya. Hindi sila makapaniwala. Isang bag na 180,000 yuan? Isang bracelet na 30 million yuan?! Lalo pang lumawak ang mapanuksong ngiti ni Sunny. Nilibot niya ang tingin sa buong klase, at napansin niyang may isang tao na mas matindi ang galit sa kanya—si Celeste Borja. Habang nakangiti si Sunny, si Celeste naman ay halos bumutas ng mesa sa tindi ng tingin sa kanya. At nang magsalita ito, ramdam ang
Sa totoo lang, kanina pa siya nagtatampo sa asawa niya. Dahil panay ang pang-aasar nito sa kanya at panay rin ang halik nito, kaya naman nagtago siya sa gilid ng kama at niyakap ang unan. Pero sa kalagitnaan ng gabi, kahit tulog, kusa siyang bumalik sa bisig ng asawa niya. Napabangon si Rowan nang marinig ang nakakairitang tunog ng cellphone. Humarap naman si Sunny sa kanya at umungol, "Husband, woo woo, nakakainis, ikaw na sumagot." Pinulot ni Rowan ang cellphone at tiningnan ang caller. Sinagot niya ito at inilapit sa kanyang tainga. "Hello?" Sa kabilang linya, hindi agad nakapagsalita ang tumawag. Isang lalaking boses ang narinig niya mula sa cellphone ni Sunny. At sa sandaling iyon, kahit gusto niyang ipagtanggol si Sunny, hindi niya napigilan ang sariling magduda sa mga nabasa niya sa forum. Dali-dali niyang ibinaba ang tawag. Napakunot-noo si Rowan habang nakatitig sa cellphone. Dahil sa babala ni Annie, dali-daling bumalik sa sasakyan si Sunny at Samuel. Binuksan nila a
Isang Karaniwang Post, Isang Matinding EskandaloSa isang simpleng post, lumobo agad ang komento tungkol sa diumano'y pagiging "sugar baby" ni Sunny. Sa loob lamang ng tatlong oras, umabot na sa mahigit 30,000 ang mga komento sa tatlong nangungunang thread.Dahil sa dami ng taong nakikisali, bumagsak ang forum ng paaralan. Pero hindi iyon naging hadlang—may mga taong gumawa ng mahabang larawan ng buong usapan at ipinalaganap ito sa pribadong mga GC. Sa isang iglap, pumutok ang balita.Pati mga guro mula sa iba’t ibang departamento ay lihim na nagbabasa ng tsismis habang patuloy ang diskusyon ng mga estudyante sa madaling araw.Mas lalo pang lumaki ang iskandalo dahil si Sunny ay kilalang sikat sa kanilang unibersidad. Ang isyu niya ngayon ay natabunan pati ang dating eskandalo ni Celeste Borja.Isang Dilag sa DilimAlas-dos na ng madaling araw, pero gising pa rin si Celeste. Tinititigan niya ang kaniyang "obra maestra"—ang iskandalong siya mismo ang nagpasabog. Isang mapanuksong ngiti
Hapon na pala, at tila wala siyang nakita kanina.Matapos maligo, nawala na ang amoy ng snack street kay Mr. Morris. Busog na siya, pero parang may kulang pa rin. Gayunpaman, maganda ang mood niya, kaya naman bihirang pagkakataon na makipagkwentuhan siya sa anak at manugang.“Rowan, anong pangalan ng asawa mo sa phone mo?” tanong ni Mr. Morris.“Pusa.”“Ha? Kakaiba kayo. Karaniwan, ‘Asawa’ o ‘Sweetheart’ ang ginagamit ng iba, pero kayo—‘Pusa’ at ‘Malaking Tigre.’ Ang trendy niyo naman.”Napangiti si Rowan habang tiningnan ang misis niyang nakasiksik sa braso niya. “Ako pala ang Malaking Tigre?”Napakagat-labi si Sunny at nagkikindat na sumagot, “Ikaw kasi ang asawa ko. Sabi nila, ikaw ang hari ng business world. Eh, ang hari ng kagubatan, tigre, diba? Kaya~~ hehe, asawa, gusto mo ba ‘yung tawag ko sa’yo?”Tumaas ang kilay ni Rowan. “Mas gusto ko kapag tinatawag mo akong ‘Asawa.’”“Eh ‘di palitan mo rin ako sa phone mo, gawin mong ‘Asawa’~” lambing ni Sunny habang nakayakap sa braso ni