Share

The Witch has Fallen - 11

"Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako.

Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya.

Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. 

Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. 

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap.  pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko si Caloy na para bang magkasintahan kami na naghaharutan. 

Natigil sa pagkagat sa buto ng baka si Caloy at nagtatakang napatingin sa akin. Ngumite ako ng peke. "Umayos ka, nandiyan ang mortal na patay na patay sa'yo. Makisabay ka na lang."  halos hindi na bumubuka ang bibig ko habang nagsasalita at pinanatili ang malanding mukha. 

Napalunok naman si Caloy at akmang lilingon na sana sa likod niya pero pinigilan ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso niya. 

"Umayos ka kung ayaw mong maging headline sa mga balita at mapahamak ang lahi niyo." pananakot ko sa kanya. 

Napabuntong hininga siya at nagpatuloy nalang sa pagkain. Pinunasan ko pa ang kanin sa gilid ng labi niya para mas maging kapani-paniwala na magjowa talaga kami at ng lubayan kami ng mortal na iyon. 

Hindi man niya sabihin, alam kong malapit ang loob niya sa mortal na 'yon. Ilang beses ko na 'rin silang nakitang magkasama. Nagtataka man sa inaakto ni Caloy ngayon ay tinulungan ko na lang. Tsaka hindi naman ako lugi dahil nilibre niya ako. 

Hindi talaga maiiwasan na may magkagusto sa amin na mortal kaya naman, pinipilit namin sa abot ng makakaya na hindi masyadong maging malapit sa kanila dahil hindi 'rin naman pwede.

Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may text ba ang Senyorito pero wala. Tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Tinitext niya lang ako kung may gusto ba akong kainin o kung may kakaiba ba akong nararamdaman. Ang sagot ko naman lagi ay wala, dahil wala naman talaga. Kanina nagtext lang siya, nanghihingi ng update, katulad lang 'din ng lagi ang sagot ko. 

Isisilid ko na sana ulit sa tote bag ko ang phone pero inagaw iyon ni Caloy. Matagal niya muna itong tinitigan, nagtataka. "May phone ka na?" tanong niya. Tumango nalang ako, alangan naman sabihin ko na hindi 'yan sa akin dahil pinapahiram lang ng Senyorito, edi nalaman niya ugnayan namin. Mamaya isumbong pa kami kay Impo, sipsip pa naman ang asong 'to. 

"Hanep!, big time ka na?" natutuwa niyang saad, io-open niya sana ito pero may passcode. Umiling ako, hindi ko alam ang passcode. Fingerprint lang ginagamit ko niyan eh. Hindi 'rin sinabi sa akin ni Senyorito. Basta niya na lang kinuha ang daliri ko at iniscan. Sabi niya pagioopen ko daw ang phone, fingerprint ang gamitin ko. Hindi niya daw ibibigay sa akin ang passcode dahil baka kung kani kanino ko daw ipaalam. 

"Ang arte naman!" akala ko ibibigay na niya ang phone ko pabalik sa akin pero nakita kong nagpose siya ng peace sign sa harap ng phone ko, nagwacky pa siya at nagpacute. Aagawin ko na sana pero inilayo niya. Pinaharap niya sa aming dalawa ang camera at inangat ito sa ere. 

"Smile!" nakangiti niyang saad bago iclick ang shutter. Sa unang kuha ay nakanganga pa ako, sa pangalawa ay nakasimangot na at sa pangtatlo at pang-apat ay nakangiti na ako. Aba dapat maganda ako no!. 'Di pwedeng siya lang ang maayos ang mukha. 

Bumalik na kami sa building namin pero ang walanghiya, siya pa ang nagpahatid. Pumayag nalang ako dahil kawawa naman ang aso, paiyak na nang sabihin kong magsolo siya. Akmang lalapitan na sana siya ng mortal nang magpaalam ako eh, buti nalang at naawa pa ako kaya hinatid ko nalang. 

Nang magdismissal ay hindi na ako nagulat nang makita siya sa labas ng room namin at balisang palingon lingon sa paligid. 

"Anong ginagawa ni Carlito dito?" nagtatakang tanong ni Vina nang makita si Caloy sa labas. 

Nagkibit balikat lang 'din ako dahil hindi ko 'rin naman talaga alam kung bakit nandito nanaman siya. Wala naman kaming naging usapan. 

"Tasya,!" pagtawag ni Caloy sa pangalan ko nang makita akong lumabas sa pinto, dali dali itong lumapit sa akin at hinawakan pa ang mga kamay ko, ang higpit ng hawak niya.

"Oh? ano nanaman?" tanong ko, nagtaas ako ng kilay at iwinaksi ang kamay niya. Napapatingin kasi ang mga kablockmates ko sa amin at humahagikgik pa at bumubulong. Napaismid ako, masyadong mai-issue. 

Tsaka sa canteen lang yung pagpapanggap namin no!, hindi na valid 'yung libre dito sa building. Kung gusto niya edi dapat another libre nanaman. O di kaya eh pera nalang, tutal wala akong kita ngayon dahil hanggang ngayon eh hindi pa 'rin nagkakabati ang dalawa. Wala tuloy tumatao sa pwesto ko. 

"Sabay na tayong umuwi." saad niya at hinila ako. Napasinghap naman si Vina, gulat na napatingin sa amin kaya natigil sa paghila sa akin si Caloy at napakamot sa ulo.

"Oh my gosh, you.. you guys... are.. uhm, together?" she trailed off with her last word. She just whispered it, takot na may makarinig. 

Napakunot naman ang noo ko at agad na lumayo. 

"Hindi no!, huwag ka ngang ma-issue Vernadette." pagtanggi ni Caloy. 

"Ow, I thought,.. well, buti naman kung ganoon. You guys know that two different kinds of immortal being is taboo right? Alam niyo namang - " 

"Wala nga kasi Vina." pagputol ko sa gusto niyang sabihin. May mga tao pa naman sa paligid, baka makarinig, kung ano nanaman ang isipin. May balak pa ata siyang pangaralan kami.

"Ano ba kasing gagawin niyo? at bakit gusto mong sumabay kay Tasya ha?" baling ni Vina kay Caloy, napakamot naman sa ulo niya si Caloy. Naiinis na sa dami ng tanong ni Vina.

"Wala!, uwi na nga ako." inis siyang tumalikod habang kumakamot sa ulo niya. Garapata siguro 'yan. Kanina pa 'yan kamot ng kamot eh.

Akala ko aalis na siya ng tuluyan pero humarap ulit siya sa amin. 

"Para walang masabi, sabay nalang tayong tatlo.!" walang ano ano ay hinila niya kaming dalawa ni Vina sa magkabila-ang kamay. Muntik na akong matalisod habang pababa sa hagdan. Para kaming munting bata na inaalalayan ng kuya namin. Nasa unahan namin siya at kami naman ni Vina ay nasa likod lang niya. 

"Seriously Carlito, what are you up to? may kaaaway ka ba?" tanong ni Vina na nagpatianod lang sa hila ni Caloy, nagpahila nalang 'din ako dahil baba 'rin naman ako. Magsasayang lang ako ng lakas kung manlalaban pa ako. 

"Carlo," napatigil sa paglalakad si Caloy kaya napatigil 'din kami. Malapit na kami sa gate. 

"Carlo, usap naman tayo oh." napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. 

Napakurap kurap ako nang makitang ang babaeng mortal ang tumawag kay Caloy. Carlo? Carlo pala ang ginamit niyang palayaw dito sa skwelahan?

Nakahawak ng mahigpit ang babae sa shoulder strap ng bag niya. Parang doon siya humuhugot ng lakas. Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay ngayon ko lang napansin ang hitsura niya, para bang ilang araw siyang pinagkaitan ng tulog. Pagod na pagod na ang hitsura niya. 

Nagtataka tuloy ako kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila. Nagtataka lang pero wala akong balak magtanong dahil problema na nila 'yan. May sarilli 'rin naman akong problema na kailangang problemahin na hanggang ngayon eh hindi ko pa alam kung pa'no susulusyonan. O kung may sulusyon ba.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Caloy kaya nakagawa kong kumawala mula sa pagkakahawak niya. Si Vina naman ay nagtataka 'ring nakatingin sa babae. 

Speaking of problema, naramdamn kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa tote bag ko.

Agad kong sinagot ang tawag ng nag-iisang nakaphone book na number sa phone na 'to. Ang walang iba kun'di si Vinedict, ang Senyorito. Lumayo muna ako sa kanila para sagutin ang tawag ni Vin.

"Yes? hello, this is Annastasya. May I take your order please?" pangggagago kong sagot sa kanya. Pero hindi ata siya natuwa dahil hindi ko siya narinig na tumawa. 

"Where are you? Nasa labas na ako." napakunot ang noo ko sa naging sagot niya. 

"Sa labas ng saan?" naguguluhan kong tanong. 

"Skwelahan mo. Dalian mo, ayaw ko ng pinaghihintay." naiinip na saad niya at binaba na ang tawag. 

Minsan talaga wala sa saktong hulog 'tong si Senyorito. Tinignan ko sila Caloy, Vina at yung babaeng mortal sa di kalayuan. Nag-uusap sila, nakikisabat pa si Vina sa pag-uusap nila. I wonder, ano kaya pinag-uusapan nila? Napailing nalang ako at umalis. Hindi na ako nagpa-alam sa kanila at umalis na. 

Pagkalabas ko ng gate ay nilibot ko ang paningin ko. Wala naman akong nakikitang Vinidect. 

Kinuha ko ang phone ko para sana itext siya pero naunahan na niya ako dahil tumatawag na siya. Ang dami namang load neto.

 Binaba na niya ang tawag pagkatapos niyang sabihin kung nasaan siya banda nakapwesto. Ang sabi niya white SUV daw ang dala niya at nasa harap siya ng maliit na kwek-kwek corner. Alam ko kung saan ang tinutukoy niyang kwek-kwek corner dahil minsan na 'rin akong dinala doon ng mga naging kaklase ko noong first year college nung minsan kaming magkaroon ng group project. 

Triny ko pang kumain ng kwek-kwek pero hindi tinatanggap ng sikmura ko ang dami ng mantika kaya mula noon hindi na ako umulit kumain ng kwek-kwek pero masarap naman ang itlog ng pogo, ayaw ko lang talaga ng mga mamantikang pagkain. Healthy living kasi ako. 

Nang makita ko ang sasakyan ng Senyorito agad akong lumapit dito at mahinang kumatok sa bintana nito. Pumasok na ako pagkabukas ng pinto, sumalubong kaagad sa akin ang malamig na hangin galin sa ac ng kanyang sasakyan. 

Hmm, in fairness mabango at hindi amoy kalawang. 

"Ang tagal, kanina pa ako naghihintay dito." himutok niya pagkaupo ko. Umismid lang ako at hindi na pinansin ang reklamo niya. "Saan tayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala kayong missing part sa katawan diba?" tanong niya sa akin. In-on na niya ang engine ng sasakyan pero hindi pa rin kami umaalis. 

Umiling ako. Tumingin ako sa bintana. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng mga kakilala at mukhang dadaan pa sila sa harap ko. Dali-dali akong yumuko para itago ang mukha ko. 

"Parang isang normal na tao lang 'din naman ang katawqan niyo diba?" tanong nanaman niya. Napalingon ako sa kanya, tinakpan ko ng isang kamay ang bandang kanang pisnge ko para hindi makita sa labas. 

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Oo bakit ba? tsaka umalis na nga tayo! nahihirapan na akong itago pagmumukha ko dito oh." inis kong saad at tinuro pa ang mukha ko. Ngumisi lang siya at napailing-iling. 

"My car is tinted and tintanong ko dahil pupunta tayo sa OB ngayon. I'm just clarifying it. Baka mahimatay ang doctor na magche-check up sa'yo 'pagnalamang hindi na pala tumitibok puso mo." natatawa niyang saad at pinaandar na ang sasakyan. 

Natatawa siya pero ako hindi. 

OB..

As in yung para sa mga buntis?! 

A-anong gagawin namin 'dun? 

Wala sa sarili akong napahawak sa bandang tiyan ko. 

__________________________________________________________________

💛👀🍭

We RISKIES

Hi! :)

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status