This week, SPU does not have its usual chill atmosphere. Ang two-way street pagkapasok sa gate ng SPU na dati’y maluwang para sa mga sasakyan ay napuno ng mga kulay pula at lila na tents. It is now a very busy street.
As students enter the main gate of SPU, a huge hanging tarpulin will greet them with the words:
“Birds of the same feather flock together. So find your flock Peterfolks.
--- Class ‘76”
Students are busy greeting each other, talking with one another, running all over the place, cheering together and making crazy loud
“Oh crap,” mahinang sabi ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas.Nagtama ang aming mga mata. I clenched my jaw at him bago ko iniikot ang paningin ko sa paligid. Una kong nakita sina Hannah at Ate Pia na parehong nakatakip sa bibig ang mga kamay. Unti-unti ring tumigil ang mga tao sa paligid sa mga ginagawa nila at nabaling sa amin ni Enrique ang kanilang mga tingin.“What the—,” rinig kong sabi ng isang lalaking bagong dating sa eksena.He is with three other guys at pare-pareho silang napatingin sa chocolate cake na nasa semento tapos sa damit kong punong-puno ng icing mula sa cake.“Enrique, you are one clumsy idiot.”“Thanks for the back up, Inigo,” Enrique sarcastically retorted without taking his eyes off of me.“You know, we have to stop meeting
After all the chaos that happened last week, nagpapasalamat na lang ako at kahit papaano’y nakapagpahinga ako noong weekend. At least tahimik ang weekend ko matapos bulabugin ni Enrique Sandejas ang buong lingo ko noong nakaraan.“Hi Hannah!”I greeted her with my brightest smile. It’s a new day.“Hi,” Hannah simply greeted with a brief smile.She seems too occupied right now. Ilang segundo lang niya akong binalingan ng tingin tapos bumalik na kaagad siya sa ginagawa niya.Inilapag ko na sa library table ang bag ko before sitting across her. Noon ko lang napansin ang mga libro na nagkalat sa lamesa. Mga libro ng English Literature. Tinambakan raw kasi sila ng teacher nila sa Creative Writing ng sandamakmak na assignments.Kinuha ko na lamang ang isang volume ng SPU Diaries sa lames at binasa iyon. Na-aliw akong magbasa ng mga entries sa SPU Diaries na nakaka-inspire, nakaka-kikilig, nakaka-tuwa at kung ano-ano pang nakaka.Ang saya lang basahin, lalo na iyong mga editions prior to the
“Ayun. Nando’n pa rin tayo. May natural kang galit kay E dahil he reminds you of Lord Voldemort.”“You know… Lord Voldemort. As in ‘he who must not be named’ ‘you know who.’ That damn-blasted, good for nothing, son of a gun, ex-boyfriend of yours. ‘Babe.’”Muli akong napabalikwas sa aking kama noong marinig ko sa aking isipan ‘yong mga sinabi ni Hannah kanina. Marahas kong ipinikit ang aking mga mata para pilitin ang sarili kong matulog ngunit isang alon ng mga alaala ang aking nakita.Isang babaeng nakapulang bestida ang mangiyak-ngiyak na tumalikod noong nakita niya kami ni Enrique na magkayakap.Umiling ako sa alaalang iyon at sinubukan kong bakantehan ang aking isipan para makatulog na. Mas lalo ko pang ipinikit ang nakapikit ko nang mga mata para pigilin ang pagdalaw ng isa nanamang alaala.“Look. It’s not—”“Please don’t say ‘it’s not you, it’s me,’” the girl begged the guy in front of her.“I—I can’t. You see, it really is not you. It is me. Maybe, we should just stay friends.
SummerIsang napakaaliwalas na kalangitan ang sumalubong sa pagdilat ng aking mga mata. Tahimik at payapa pa rin ang buong isla at tanging mga huni ng ibon at ang alon ng tubig sa dagat lamang ang musikang kumikiliti sa aking pandinig. Nakakamangha talaga ang tanawin sa aking harapan. Ang dagat ay kulay asul. Mabikas na humahampas sa pampang ang mga alon na para bang inaangkin nito ang mga pino at puting buhangin.Tumayo ako at saka huminga ng malalim. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang sariwang simoy ng hangin. Binuksan ko ang aking mga kamay bilang paanyaya sa halik at yakap ng kalikasan.“Good morning.”Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Enrico na naglalakad papalapit sa akin at may dala-dalang dalawang bao ng niyog.Inilapag niya ang mga iyon sa hindi kalayuan. Noon ko na lang napansin na mayroon na palang mga wild berries, cherries at saging na nakalatag sa malaking dahon ng saging.“I hope a fruit platter breakfast is not too shabby for you,” he
Kasalukuyan akong nakatingin sa dalawang armchairs sa harap ko. May ilang scrap wood panels din. Nandito kami sa workshop ng SPU.Noong unang pasok ko rito, naalala ko iyong mga warehouse sa mga action movies, isang malawak na single storey building na may mataas na ceiling. Mayroong mga kahoy at metal na maayos na nakasalansan sa gilid kasama ng mga pintura. Samantala ang mga malalaking makina na ginagamit sa wood and metal works ay nakahilera sa pinakaloob na bahagi ng workshop.Ang class namin ay pinapwesto sa isang open space malapit sa entrance. Sa isang major subject namin, pinagagawa kami ng furniture gamit ang mga lumang armchairs at iba pang scrap materials. May ideya na ako kung anong gagawin ko kaso wala naman akong masyadong alam sa carpentry.Dumoble ang number ng class namin. Karamihan kasi ng mga classmates ko, may mga plus-one na galing sa Engineering and Architecture Department. Pwede kasing magsama ng isang assistant ang bawat student para tumulong sa labor works. Na
“Zane,” I mumbled.“Huh?”Enrique’s eyebrows met, then he looked around.“Ano ‘yon?” muli niyang tanong sa akin.I shook my head, closed my eyes and took a deep breath. Nang buksan ko ang mga mata ko, isang concerned na Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas ang nakita ko.“Are you okay?” he asked.I briefly smiled and nodded at him. Tumalikod ako kaagad sa kanya. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang pilit na pinakakalma ang sarili.What just happened?Natahimik ang lahat sa loob ng classroom noong pumasok na si Prof. Amore Castillo para i-check ang mga output namin. Umayos kaming lahat at inihanda na ang mga finished products for checking.To be honest, confident ako sa kinalabasan ng ginawa namin ni Enriqu
“Good morning, Peterfolks! It’s your man, DJ Rob Kane once again. I hope you guys are having a great day, ‘cause I tell ‘ya, I am! I just got a message from now a regular patron, the Heartbreak Prince. I bet y’all can guess to whom this goes out to. Yes, yes, yes, it is for you, Miss Anonymous.”“The Heartbreak Prince says: I know that you still have bad blood for me. Nevertheless, I enjoyed hanging out with you the last time— if we really can call it hanging out. I still don’t get what you are so mad about, thou. You are undeniably pissed at me but still, I was nice meeting you.”There I was again tonightForcing laughter, faking smilesSame old tired, lonely placeWalls of insincerity, shifting eyes and vacancyVanished when I saw your faceAll I can say is, it was enchanting to meet youNatigilan ako sa paglalakad ko sa kalagitnaan ng cobblestone walkway sa tapat ng main building noong narinig ko ang mensahe ni Heartbreak Prince para kay Miss Anonymous sa SPU campus radio.Nanlalak
Umaalingaw-ngaw ang buong gymnasium ng SPU habang nag-pe-perform ang SPU Kings cheering squad sa gitna ng basketball court. Mayroong practice match ang basketball team at habang naghihintay na magsimula ang game, ang cheering squad muna ang nagpakitang gilas. Punong-puno ang napakalaking gym ng mga manonood.Ang kanang bahagi ng gym ay napuno ng Peterfolks. Ngunit humakot din ng supporters ang kabilang team. Nagkayayaan kami ng mga classmates ko na manood muna. Dalawang oras pa kasi bago ang susunod na klase namin at wala naman kaming gagawin.Ang hirap pumasok sa gym kasi kahit sa entrance ay may mga nakatayong manonood. Ramdam na ramdam ko ang school spirit ng dalawang eskwelahan. Hindi ko nga lang sigurado kung anong team ang kalaban. Hindi ko makita ang banner nila kasi nahaharangan ng manonood.“All hail to the K to the I to the N, G, S,” masiglang sigaw ng mga cheerleaders sa gitna ng court.“KINGS!” sabay-sabay na sagot ng mga Peterfolks kasabay ng pagtaas ng kanang kamao sa e