Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na natapos na ang unang semester ko sa SPU. I can’t deny that my first semester in SPU was really fun and I am looking forward to my second.Two weeks ago, I took my final exams. Kahit na burntout kami sa dami ng mga last minute requirements, masaya pa rin ang experience. Sobrang thankful rin ako kay Enrique dahil tinulungan talaga niya ako sa ilan sa mga projects ko, lalong-lalo na sa Math. I don’t know how he did it but he made me a master of functions and derivatives in like two hours!I got a text from our class representative this morning. Ngayong araw ilalabas ang official grades namin. We can check it online but I opt to go to school and get my grade card. Ewan ko ba, basta gusto kong ma-experience iyong feeling ng pumila sa window ng Record’s Section para kumuha ng grade. Hindi naman hassel iyon kasi wala masyadong pila sa SPU at wala rin naman akong gagawin. I can’t hang-out with Hannah Banana kasi nasa Tagaytay sila ng fami
“Lorryce, I’m breaking up with you.”Muntik ko nang maibuga ang beer na iniinom ko sa sinabi ni Enrique. Hindi ko ma-iwasa ang bumaling sa kanya. He was staring at me dead serious.“Let’s break up,” ulit niya.Pinilit kong itulak ang beer na nasa bibig ko papasok sa aking katawan.“Huh?” was all that I can say. Bakit feeling ko disappointed ako na matatapos na itong pagpapanggap namin?Well, guess what, reality check is real, Lorryce Cologne Manansala Rivera.“Mildred knows. All this time, she knows.”Kung gano’n, wala palang kwenta iyong mga pagpapakasweet namin ni Enrique sa isa’t isa sa harapan ni Mildred. Alam naman na pala niya.“I-I’m sorry, E. Mukhang nagsayang tayo ng effort. Kung alam pala ni Mildred baka—”“No. Nag-usap kami. Sabi niya, naiintindihan na niya at tanggap na niya. We succeeded on my part of the deal. Gusto kong marinig mula sa’yo kung ako ba, nagtagumpay na tulungan kang makalimot sa ex mo?”Saglit akong natigilan sa tanong ni Enrique. Talaga bang seryoso siya
Pag-ibigLumapag na ang isang private charter plane sa runway ng NAIA.“Ah! It’s so good to be back home,” maligayang bulalas ng isang magandang babae habang inaalis ang aviator sunglasses mula sa kanyang mata. Liningon ng babae ang lalaking bumababa sa hagdanan ng sinakyan nilang private plane.“Hey Enrico! Lunch muna tayo sa Polo Club.”Ngumiti at tumango na lamang si Enrico bilang pagsang-ayon. Sinalubong ang dalawa ng kailang mga assistants nila na kumuha ng kanilang mga gamit. Hindi nagtagal, isang asul na Rolls Royce ang sumundo kina Enrico sa mismong runway ng paliparan.“Welcome home, Sir Enrico. Miss Margaux,” nakangiting bati ng chauffer.“Thank you, Billy. I’ll take it from here.”Tumango lamang ang chauffer na si Billy at ibinigay kay Enrico ang susi ng sasakyan. Inilagay na rin ng assistants sa trunk ng sasakyan ang maleta ng dalawa. Pumasok na sa driver side ng Rolls Royce si Enrico at binuksan naman ni Billy ang pintuan ng passenger side para kay Margaux.“Kailan ka sus
Inilahad ni Enrico sa harapan ni Enrique ang dalawang bags ng Nike. Nang suriin ni Enrique, isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10 and laman ng mga bag.“Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin ‘yan. Ma-una ka nang pumili,” anunsyo ng nakatatandang si Enrico.Hindi napigilan ni Enrique ang mapangisi. “Hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?”Umiling si Enrico. “Huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay.”Ang totoo, parehong gusto nina Enrico at Enrique iyong Air Jordan. Iyon nga lang, alam rin nilang pareho nilang gusto iyon kaya nag-aalangan sila sa pag-pili.“Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it’s our size… Pero papaano ba ‘yan, gusto ko rin.” Isang makahulogang tingin ang ipinukol ni Enrique sa kapatid pero hindi iyon pinatulan ni Enrico..“Eh, ‘di sa’yo na. Wala namang problema sa akin ‘yon. 'Yong Lebron na lang ang sa akin. Pero pahiram naman ako paminsan-minsan,” nakangitin
Ang Saint Peter University ay isang sikat na unibersidad sa bansa. Kilala ito sa paghubog ng mga mahuhusay at pinakamahuhusay na propesyonal sa iba’t ibang larangan at industriya. Maging sa ibang mga bansa ay namamayagpag ang prestihyosong paaralan sa mga patimpalak sa ano mang larangan- mapa sining, palakasan, komersyo o akademiko. Ang reputasyon ng SPU ay maaring ihalintulad sa mga kilalang unibersidad na nabibilang sa Ivy League sa Estados Unidos. De calibre. Nabansagan ring eskwelahan ng mga elitista ang SPU dahil karamihan ng mga estudyante rito ay nabibilang sa alta sociedad. Ang mga buildings ng school campus ay naka-pattern sa mga palasyo sa Europa na inspired by Victorian Architecture. Ang mga matatandang istraktura ang nagsisilbing main attraction ng eskwelahan. Isang siglo man ang tanda ng mga istraktura sa paaralan, matatag pa rin itong nakatayo sa lupa dahil sa masusing pag-aalaga sa mga ito. Isa pang signature ng SPU ang mala-fashion week na dating ng hangin sa buong
Lorryce I could not contain my smile as I wait for my luggage to come out from the airport’s baggage carousel. I got myself into a twenty hour flight! Nakakaburyong iyon, lalo pa’t wala akong maka-usap sa eroplano. I am tapping my feet impatiently on the hard-tiled floor of the airport like a little child who cannot wait to get her hands on that mouth-watering triple chocolate ice crème with sprinkles and mallows on top. “Ang tagal naman,” naiinip kong bulong sa aking sarili. The last two years I’ve spent in Boston was the longest two years of my life. It felt like I was out of the country for ten years. Sabik na sabik na ang mga paa ko na tumapak sa lupain ng aking bayang sinilangan. Nakakatawa ngang isipin, eh. Iyong mga bagay na kinaiinisan ko noon, miss na miss ko na ngayon—‘yong ma-ingay na kalsada, ‘yong walang katapusang traffic kahit saan ka magpunta, ‘yong nakaka-suffocate na init, pati na ‘yong mga mag-jowa na hanep makapag-PDA sa kung saan-saan. Halos mapatalon ako sa
I am home for a month now. Masasabi kong sulit na sulit na ang bakasyon ko bago ako magsunog ng kilay sa eskwela. This year’s summer vacation is by far the best summer vacation I have had.Nagpunta kami ni Hannah sa isang private island resort para mag-relax bago ang pasukan and we really enjoyed ourselves, lalong lalo na ang best friend kong si Hannah Banana dahil feeling niya na-meet na niya noong summer ang ‘The One’ ng buhay niya.I was scanning photos taken at the Villa Sandejas, iyong private island resort na pinuntahan namin. I could not help but smile when I was able to scroll at a photo of the beautiful blue water of the sea. That photo reminded me of a one heck of an experience. **************SummerNakahiga ako sa duyan na nilililiman ng mga puno ng niyog. Relax na relax ako habang in-e-enjoy ang sariwang simoy ng hangin at pinapanood ang napakaganda at payapang dagat sa harapan ko. Malinaw ang tubig ng kulay asul na dagat at nakakaaliw ang pinong-pino at kulay puting buh
I’m an incoming freshman at the Saint Peter’s University, home of the Victorious Kings. Actually, second year na dapat ako kaso na-late ako sa pagpasok kasi nag-punta pa ako sa Boston para lang magmove-on sa heartbreak. Kainis, ano? Medyo mababaw ako sa part na iyon pero I was young and naïve, at saka masakit, eh! Interior Design ang course na kinuha ko kasi I love Chemistry. … … Joke! Bata pa lang ako, mahilig na akong maglipat-lipat ng mga furniture sa dati naming bahay. Na-inspire rin ako sa mga napapanood kong home makeover shows sa paborito kong lifestyle channel. Pagdating ko sa dining area, naabutan ko si Mommy na inihahanda ang hapag kainan. Daddy already took his place at the head of the table. Kuya Red sat at Daddy’s left side while Mommy sat at Daddy’s righ. I was about to take my seat next to Kuya Red when I noticed the plate opposite mine. “Nini, coffee please,” tugon ng isang boses sa aming kasambahay. I was surprised to hear that calm but authoritative voice