Unveiling the Depths of Desire

Unveiling the Depths of Desire

last updateLast Updated : 2023-07-10
By:  SORINOngoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
17Chapters
957views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Zara is a driven and dedicated office worker who falls deeply in love with her charming and charismatic boss, Isaac. Despite the initial professional boundaries between them, their relationship quickly blossoms into something more. However, as time goes by, Zara can't shake the feeling that Isaac is holding something back from her about his late wife. As her frustrations grow, she begins to distance herself from him, unsure of where their relationship is headed. The trustworthy and reliable Aidan, Isaac's closest friend, was recently introduced to Zara. Zara finds solace in Aidan's companionship, and as time goes on, she discovers how deeply she cares for him. Zara's allegiance and affection are divided between two men, and she must make a choice. Does she desire the peace of mind that comes with being in Aidan's company, or does she want the adventure that comes with being with the enigmatic and fascinating Isaac?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Hawak-hawak ko ang brown envelope sa dibdib habang nakatingala sa napakataas na gusali ng Navarro Industries. Parang ang hirap paniwalaan na nandito na ako. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na nandito na talaga ako. Ilang beses kong pinangarap ‘to—makapasok sa isang matatag at prestihiyosong kumpanya na kagaya nito. At ngayon, hindi na lang siya isang panaginip. Totoo na ‘to. Totoo na talaga ang lahat.

Pumintig ang dibdib ko dahil sa kaba at ramdam ang lamig ng mga kamay.

“Breathe, Lorraine,” bulong ko sa sarili ko, pero parang ayaw pa rin akong pakinggan ng mga binti kong kanina pa nanginginig sa kaba.

Ito na ang unang araw ko bilang executive assistant ng CEO. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano ko nakuha ang posisyong ‘to. Ilang beses akong nagduda noong tinawagan ako ng HR. Tiningnan ko pa nga ang caller ID ulit, baka scam lang. Pero hindi. Totoo nga. Ako ang pinili nila.

Ako, na lumaki sa isang maliit na barangay sa Nueva Ecija. Ako, na pinagkakasya ang baon sa isang kaha ng milo tuwing college. Ako, na ilang beses nang tinanggihan sa mga interviews dahil sa kakulangan ng karanasan.

Pero ngayon, narito na ako. Sa harap ng gusaling nilalakihan ko lang sa mga brochure. Lumingon ako sa paligid—lahat ng taong dumadaan ay naka-formal attire, magagara ang bihis, tila sanay na sa fast-paced na mundo ng siyudad. Ako lang yata ang bago, ang may kinikimkim na kaba sa dibdib.

Pagpasok ko pa lang sa lobby, ramdam ko na agad ang laki ng kaibahan ng mundo ko noon sa mundong papasukin ko ngayon. Marbled floors, glass walls, isang receptionist na parang model, at security na mas mukhang bodyguard ng mga artista. I swallowed hard. Lorraine, kaya mo ‘to.

Makaraan ang ilang sandali ay may lumapit na HR assistant sa akin at ngumiti.

“Ms. Sarmiento?” tanong nito.

“Yes po, I’m Lorraine Sarmiento,” may kaba sa tono ko pang sagot sa kan’ya.

Tumango siya at ngumiti. “Alright, I’ll bring you to the 35th floor,” sabi niya, habang naglalakad kami papunta sa elevator.

Tumango lamang ako at hindi makapagsalita. Para akong bata na unang araw sa malaking paaralan. I held on tighter to my envelope, kahit wala naman akong dapat ikatakot. I was hired fair and square…’di ba?

Pagdating namin sa 35th floor, lumabas kami sa isang tahimik at eleganteng hallway. Tahimik pero may presensiyang nagpapabigat ng hangin. May signage doon sa gilid: Office of the CEO.

Nagbuntong-hininga ako at binasa ang pang-ibabang labi.

This is it, sabi ko sa isip ko.

Binuksan ng assistant ang isang glass door. Tumango siya sa akin at sinabing, “good luck, Ms. Sarmiento,” aniya at pinauna akong pumasok bago siya.

Pagpasok ko sa opisina, una kong napansin ang katahimikan. Tahimik, malamig, at malawak. Ang buong espasyo ay may minimalistong disenyo, pero halatang lahat ay mamahalin—mula sa carpet hanggang sa lampshade.

At sa dulo ng silid, malapit sa floor-to-ceiling window, may isang lalaking nakatalikod. Nakasuot siya ng itim na suit, malinis ang gupit, at may tindig na parang sanay na sanay makipaglaban sa buong mundo.

Siya ang boss ko. Si Alessandro Navarro.

“Sir, this is your new executive assistant, Ms. Lorraine Sarmiento,” sabi ng secretary na nasa likuran ko.

Dahan-dahang humarap ang lalaki sa amin. At sa mismong sandaling tumingin siya sa akin, tila ay tumigil ang oras.

Nanlamig ang mga kamay ko at parang hindi makahinga sa sobrang kaba.

Hindi agad nagsalita si Mr. Navarro, nakatitig lamang ito sa akin, dahilan kaya mas lalong pumapantig sa kaba ang dibdib ko.

Nanigas ang panga ni Mr. Navarro at kumunot ang noo. Nabitawan niya ang hawak niyang ballpen. Tiningnan niya lang ako nang maigi—diretso, matalim, at tila…puno ng alaala.

Ako naman, hindi makagalaw. Bakit kung makatingin siya ay parang kilala niya ako?

Imposible namang magkakilala kami. Wala akong maalalang may karelasyon akong Alessandro. Lalo na isang Alessandor Navarro. Ni hindi ko siya nakita nang personal—ngayon lang.

Pero bakit gano’n siya kung tumingin sa akin?

Hindi ako makatingin ng direkta sa kan’ya, pero ramdam kong nakatitig pa rin siya sa’kin. Para bang may kinukumpirma siya sa sarili niya. 

“Ms. Sarmiento,” sa wakas ay nagsalita na ito. Ngunit malalim at mababa ang boses niya—halos paos. “You may take your seat.”

Kinuha ko ang lakas ng loob kong makalapit. Umupo ako sa upuang inialok sa harap ng desk niya. Pinilit kong iayos ang sarili ko at ang ekspresyon ng mukha.

Don’t panic. Baka ganito lang talaga siya tumingin sa lahat.

Pero habang binubuklat niya ang file ko, pasulyap-sulyap pa rin siya sa akin. Bakit ba parang kilala niya ako kung makatingin siya sa akin? Hindi ko na talaga maiwasang magtaka. At bakit parang…may sakit na dumadaan sa mga mata niya habang nakatingin sa’kin?

Nilingon ko ang paligid, nagkukunwaring interesado sa interior ng opisina. Pero ang totoo, hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin. Para akong pinipigil huminga.

Tahimik siya habang tinitingnan ang papel sa harap niya. Tahimik lang din ako. Pero ang utak ko, parang may fireworks. Wala pang sampung minuto ang lumipas mula nang pumasok ako, pero pakiramdam ko'y may bagyong paparating.

Sa wakas, nagsalita na siya. “How long have you been in the city, Ms. Sarmiento?”

Napakunot ako ng noo ng bahagya. Hindi iyon tanong na karaniwang tinatanong ng isang CEO sa unang araw ng assistant niya.

“Ah…kaka-graduate ko lang po this year, sir. I moved here three months ago,” sagot ko, maingat ang tono.

Tumango siya, pero hindi nagtanong muli. Kinuha lang niya ulit ang ballpen niya—yung binitawan niya kanina. Napansin ko ang bahagyang panginginig sa kamay niya bago siya muling nagsulat.

Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo siya at tinapunan ako ng tingin.

“You may go now. My secretary will orient you.”

Tumango ako at agad akong tumayo. Ngpaalam ako sa kan’ya at lumabas ng opisina.

Pagkalabas ko, saka lang ako huminga nang malalim at napatingin sa nakasarang pinto ng office niya.

Ano ‘yon? Parang may hindi siya sinasabi.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status