Share

Chapter 12- Kasunduan sa pagitan ng magkapatid

"MASAYA ka na ba?" nang-uuyam na tanong ni Janice sa kapatid at nagawa pa nitong tumawa habang nakikinig sa pagtatalo ng mga magulang nila. 

"Superb!" Abot hanggang taenga ang ngiting sagot ni Nica sa kapatid.

"Magsaya ka ngayon, pero sa akin pa rin ang huling halakhak tulad sa nangyari sa buhay ng iyong ina!" Matapang na banta ni Janice kay Nica.

Biglang napalis ang ngiti sa mga labi ni Nica at naglapat ang mga ngipin habang masama ang mga tinging ipinukol sa kapatid.

"Naniniwala pa rin akong pumapanig ang langit sa mga taong hindi mapagkunwari," napangisi si Nica nang mapipilan ang kapatid. "Hindi magtatagal, sa basurahan ko ipapatapon ang iyong ina at kasama ka!"

"Huwag kang pakakasigurong makukuha mo ng buo si Chrismith dahil alam kong gagawin niya lamang ito upang sundin ang kaniyang ama na may sakit." Hindi papatalo sa pakipagbatohan ng maanghang na salita si Janice ka

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status