WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED

WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED

last updateLast Updated : 2022-02-04
By:  Yeiron JeeCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
23 ratings. 23 reviews
54Chapters
26.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

WHEN I SAY I LOVE YOU BUT I LIED By: Yeiron Jee Teaser Nica Joy Rodriguez- she doesn't want an affection and to be cared. Kilala siya ng lahat na masama ang ugali at walang malasakit kahit sa sariling Ama. "Who cares?" her motto in life. Chrismith Yuchan- his passion in life are playing guitar and singing. Pero kailangan niya itong bitiwan para sa pamilya. Higit sa lahat ay ang turuan ng leksiyon ang isang taong mataas ang tingin sa sarili. But everything was change when he saw her face personally. Magtatagumpay kaya ang binata na paamuhin ang isang dalagang maihalintulad niya sa isang wild animals? Kaya bang palambutin ng isang awitin ang pusong puno ng galit at takot mahalin o magmahal?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"ANO na naman itong ginawa mo?!" Ibinagsak ni Don Alfonso ang hawak na report papers sa lamesang nasa harapan ng bunsong anak. Hindi nito sinipot ang meeting ng gustong mag-invest sa kanilang kompanya. Malaki ang mawawala sa kanila kapag tuloyang mawala ang prospect nila.

"Kailangan ko pa bang sagutin iyan?" emotionless niyang sagot sa ama habang tinititigan ang papel na nasa harapan.

"This is not a school paper na maari mong punitin para hindi ko makita ang iyong grades!" bulyaw ng ginoo sa anak na puro kapalpakan ang ginawa noon pa man. "Fix this or else.."

"Or else, what?" Nakataas ang kaliwang kilay at nanghahamon ang tinig niyang sagot sa ama. Hindi siya lumayo kahit alam na niya ang sunod nitong gagawin.

"You little brat!" 

"Dad!"

Natigil sa ere ang palad ng ginoo nang dumating ang panganay niyang anak.

"Oh here you are, my Angel in disguise." Nakakainsultong bati ni Nica sa kapatid na si Janice. Matanda lamang sa kaniya ito ng tatlong buwan.

"Nasa kompanya tayo, Dad, so please calm down." Hinagod ni Janice ang likod ng ama upang pakalmahin ito. Malungkot na binalingan ng tingin ang kapatid.

Inirapan ni Nica ang kapatid na kung ituring ay mortal enemy. Tama, kaaway ang turing niya dito mula nang magtagpo ang kanilang landas. Ito at ang ina nito ang kaniyang sinisisi kung bakit maagang nawala ang ina niya. Kahit pa na alam niya ang totoo bago namatay ang ina ay matinding galit pa rin ang kaniyang nadarama para sa mga ito.

"Nica please huwag mong idamay ang kompanya sa galit mo sa akin." Pagsusumamo ni Janice dito habang pinapakalma ang kanilang ama. Nine years na rin silang nagsasama sa iisang bubong ngunit hindi pa rin siya matanggap ng kapatid. Hindi niya ito masisi dahil nagmukhang kabet ang kaniyang ina ng ama gayong napikot lang ng ina nito ang ama nila noon. Ipinagbubuntis na siya ng kaniyang ina noon nang mapikot ang ama nila. Dahil mas mapera at ma-influence ang pamilya ng mga ito ay napilitan ang ama na ito ang pakasalan.

Inismiran lang ni Nica si Janice kahit nakatingin sa kaniya ang ama. Ipinapakita niya dito sa kung ano ang pagkaalam nito sa kaniyang ugali. Lumaki siyang tanging ang ina ang kasama madalas. Ang akala niya noon ay totoong laging out of town ang ama dahil sa business. Naniwala siya sa pinagtagping kwento ng ina na lihim nagdurusa. Sobrang mahal nito ang ama niya at nagawa pa nitong tanggapin sa sarili nito na may iba itong kinakasamang pamilya. Napabayaan nito ang kalusugan at namatay dahil sa sakit sa puso.

"Let's go, Dad, sa bahay na po natin pag-uusapan ang pobrlemang ito." Inakay ni Janice palabas ng opisina ni Nica ang ama.

Unti-unting nabura ang nang-iinsultong ngiti sa mga labi ni Nica at napalitan iyon ng mapait na ngiti. Tama ang ama, bunga siya ng isang pagkakamali at ayaw na niyang mag-effort para gustohin siya ng lahat. Maldita at masama ang ugali, iyan ang tingin sa kaniya ng lahat. Masisi ba siya ng ama kung bakit lumaki siyang ganito? Sa tanang-buhay niya ay walang nagmamahal sa kaniya kundi ang ina lang na namatay pa ng maaga. Kinuyumos niya ang isang papel na nasa harapan kasabay ng mariin na pagpikit ng mga mata. Muling nanariwa ang nakaraan na dala niya hanggang sa kaniyang pagdalaga.

At age of thirteen ay naulila siya sa ina. Wala na rin siyang matawag na lolo at lola sa mother side dahil bata pa siya nang mamatay ang mga ito. Lalo siyang nagrebelde nang wala pang isang taon namatay ang ina ay inuwi ng kaniyang ama ang ikalawang pamilya nito sa kanilang bahay. Nagdusa siya ng husto at walang nakakaalam. Bumagsak ang grades niya sa school at laging pinatatatawag ang ama sa guidance office. Ang akala niya ay makuha na niya ang atensyon ng ama sa ganoong paraan. Pero nagkamali siya, puro sermon ang naririnig niya at kinu-compared siya kay Janice. May oras na naisip niyang sumunod na sa ina sa kabilang buhay ngunit takot siyang magpakamatay. Pakiramdam niya ay napakahina niya hanggang sa natuto siya kung paano tumayo sa sariling mga paa. Isang taon na lang ay ga-graduate na siya ng koloheyo nang marinig ang pag-uusap ng kanilang abogado at ng ama.

"Ilang buwan na lang ay kaarawan na ng iyong bunsong anak, Mr Rondriquez." Paalala ng abogado sa ama niya.

"Nasa habilin niya na pagtuntong sa tamang edad ng anak ninyo ay siya ang hahawak sa inyong kompanya." Tukoy ng abogado sa kaniyang ina.

Naikuyom ni Alfonso ang isang kamao habang hinihilot naman ng isang kamay ang sintido. Hindi siya against sa huling habilin ng namayapa ng asawa. Pero dumoble ang sakit ng kaniyang ulo sa isiping ang bunsong anak ang hahawak sa kanilang kompanya. Wala itong alam kundi ang mag-happy go lucky at makipag laro sa lahat ng bagay. Pag-aari ng asawa ang naturang kompanya ngunit siya ang nagpakahirap upang ito ay mapalago.

"Maaari bang huwag mo munang ipaalam sa kaniya ang bagay na ito?" tukoy ni Alfonso sa bunsong anak.

"Alam mo kung gaano katigas ang ulo ng bunso kong anak at ayaw kong dalhin niya iyon hanggang sa trabaho. Kailangan ko muna siyang sanayin at turuan ng tama sa pamamalakad ng kompanya."

Nang marinig ni Nica na sumang-ayon ang abogado sa ama ay mabilis siyang umalis sa pinagkublihan. Kilala nga siya ng abogado dahil minsan ay ito ang umaayos sa gulo na kaniyang kinasangkutan. Nang makasalubong ang kapatid at ina nito sa hallway ay may bagong pasyang nabuo sa kaniyang isipan. Hindi siya papayag na maging sa kompanya ng ina ay ang bastarda ang maging bida.

 

LUMIPAS pa ang mga araw at unti-unti na niyang nagagamay ang kaniyang trabaho bilang Manager ng kompanya. Pareho sila ng posisyon ng kapatid ngunit magkaibang department dahil nahati sa dalawa ang departamento.

"Ma'm, inutos po ng iyong ama na ipaalala ko sa iyo ang dinner family ninyo mamaya." Tinignan lang ni Nica ang kaniyang secretary na halatang nangingilag sa kaniyang presensya. Limang buwan pa lang siya sa kaniyang pwesto ngunit ramdam niyang takot sa kaniya ang lahat. Hindi niya ipinilit ang gustong posisyon dahil alam niyang hindi ganoon kadali ang lahat. Pero hindi siya pumayag na wala siyang authority sa kompanya nila. Lihim pa siyang nagwala noon nang malaman na matagal na palang pumapasok na empleyada ang kapatid doon kahit nag-aaral palang. Halatang inihahanda ng kanilang ama ito para maging magaling sa larangan ng negosyo.

"Rose," tawag niya sa pangalan ng kaniyang secretary. Kita niya sa mukha nito ang gulat. Bakit nga ba hindi? Ngayon niya lang ito tinawag sa pangalan nito at sa mahinahong tinig pa.

"Pwede mo ba akong samahang kumain sa labas?" Napakamot siya sa kaniyang noo nang rumihistro sa mukha ng secretary ang gulat at pagkalito. Magaan ang loob niya kay Rose at may edad na ito. Noon pa niya gustong maging kaibigan ito ngunit lagi itong naglalagay ng distansya sa kaniya. Mukhang kilala na siyang maldita bago pa man siya umapak sa naturang kompanya.

"Ma'm?" nalilitong tanong ni Rose sa dalagang amo.

"Ah, forget it." Nakangiti niyang tugon dito at pinaalis na ito. Nasa mukha pa rin nito ang pagkalito at gusto pa sanang magsalita ngunit mas piniling huwag na ibuka pa ang bibig. Alam niyang itatanong nito kung bakit kakain siya kasama ito gayong may family dinner sila. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nica bago isinandal ang likod sa kina-upoan. Isa sa dahilan kung bakit niya binasura ang proposal ng isa sa kleyente nakaraang linggo ay dahil may kaugnayan ito sa kaniyang kapatid. Napag-alaman niyang ito ang ama ng manliligaw ni Janice. Inaamin niyang naging immature siya sa naging desisyon at bawas point na namam iyon sa ama.

"Wala pa ba ang magaling mong anak?" tanong ni Margaret kay Alfonso nang makaupo na ito sa harap ng lamesa.

"Mo'm," mahina at malambing ang tinig na sita ni Janice sa ina. "Not now ,'Ma. Matapos sawayin ang ina ay matipid na ngiti ang pinakawalan ni Janice sa binatang bisita.

Nagkakilala sila minsan nang imbitahan ng ama nito ang kanilang pamilya na mag-dinner sa bahay ng mga ito. As usual, hindi kasama ang kapatid at alam niyang kakain ito sa labas kasama ang mga kaibigan. Nakakalungkot mang-isipin ngunit hindi sila binibigyan ng pagkakataon ng kapatid na mapalapit sa puso nito.

Nahihiyang humingi ng paumanhin si Alfonso sa mga bisita dahil sa hindi pagsipot ng bunsong anak sa family dinner. Hindi rin nagtagal ang mga ito dahil paalis ng bansa ang bagong kaibigan kinabukasan.

 

INAASAHAN ko na sa pagbabalik ko ay nakuha mo na ang malaking proyekto, Iho."

"Stop worrying about our company, Dad," inakabyan ni Chrismith sa balikat ang ama. "Enjoy your vacation with Mom and get well soon, okay?"

"Huwag mo rin pababayaan ang iyong sarili, Anak." Mahigpit na niyakap ng ginang ang nag-iisang anak. Kailangan nilang umalis mag-asawa upang ipagpatuloy nito ang pagpapagamot sa ibang bansa. Nagkaroon ng kumplikasyon sa puso ito at sobra silang nag-alala ng anak kahit hindi naman ganoon kalala.

"C'mon, Mom! Matanda na ako kaya huwag niyo na akong alalahanin." Gumanti siya ng yakap sa ina habang nakangiti.

"Tama, matanda ka na kaya inaasahan ko na sa pagbabalik namin galing bakasyon ay may maging manugang na rin kami." Birong totoo ni Philip sa anak.

Napapalatak na lamang si Chrismith sa mga gustong mangyari ng mga magulang. Hindi siya nangako pero napatango siya sa nais ng ama upang maging masaya na ito. Ayaw niyang pasamain pa ang loob nito tulad sa nangyari sa nakaraang linggo. Napatiim-bagang siya pagkaalala sa unang trabaho na kailangang gawin. First time na reject ang ama sa isang project na iknalungkot nito ng husto. Nagawan naman ng paraan ng mismong may-ari ng kompanya ngunit ang pinaka ayaw ng ama ay pumasa dahil sa tawag ng utang na loob. Napilitan siyang saluhin ang responsibilidad sa kanilang kompanya at iwan ang nasimulang hilig sa pagkanta.

Iniwan niya ang grupong binuo at isinisisi niya ang lahat ng ito sa isang babaeng immature mag-isip. She know her already by name at kung ano ang ugali ayon na rin sa kwento ng sariling pamilya nito. "You'll pay for this!" kausap ni Chrismith sa larawan ng isang babaeng maganda ngunit nasa mukha ang pagiging maldita.

Lumaki si Chrismith sa ibang bansa at hindi pa niya gaanong na enjoy ang buhay pagkabinata sa Pilipinas kaya ganoon na lang ang pagkadisgusto sa ugali ng kapatid ni Janice. Marami siyang gustong gawin ngunit lahat ay naudlot dahil sa pagiging selfish ng hindi pa nakakaharap personaly na babae.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
91%(21)
9
9%(2)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
9.9 / 10.0
23 ratings · 23 reviews
Write a review
user avatar
Karis Magna
...️...️...️...️...️...️...️...️
2024-08-21 09:41:33
0
user avatar
Meashell Timson Femangco
nakaka inlove yung boses dito ni chrismith ayyyiiie ahhaha
2023-09-16 21:19:31
2
user avatar
Ana Liza
once you start reading,you wont want to stop until the finale.........
2023-02-15 14:21:24
3
user avatar
April Ruga
tapos na po ba ito
2022-02-03 11:25:22
3
user avatar
Ychin Remaxia
so beautiful story nice one
2021-10-20 00:28:36
3
user avatar
Levie Caldoza
Ang ganda ..Sana mka gawa ulit Ng panibagong aklat Yun writer.
2021-10-03 02:27:42
1
user avatar
Rina Magat
napakanda ng istorya...️...️...️...️... galing ng sumulat
2021-10-02 13:00:44
0
user avatar
Legna Emixam Gnilo
wow ganda talaga ...nakaka inlove ......
2021-09-03 00:26:31
0
user avatar
Legna Emixam Gnilo
wow ganda n man talaga nakaka inlove
2021-09-03 00:26:02
0
user avatar
N.E
nadadala ako sa mga eksena, sana chris ikaw na ang tao na sasalo kay nica , maging karamay niya di mo lang alam king gaano kabigat ang nasa puso niya..laban lang nica god has plan for you...
2021-08-26 02:17:55
0
user avatar
Meriam Tiongco
sis sau pala to congrats
2021-08-23 14:33:59
1
user avatar
Tiramuko
ay bet ko ito.. ang ganda .. dito natin malalaman kung paano paamuin ang pusong bato ng tunay na pag ibig.
2021-08-20 20:57:07
1
user avatar
Rhas Poy Lorenzo
ang galing naman ng kwento, parang teleserye din
2021-08-19 20:12:56
1
user avatar
N.E
ganda naman ng story miss writer, andon yong kilig at magagalit ka ,maawa ,kawawa naman yong bida sana may dumating na hero para ipagtanggol yong bida.....
2021-08-19 19:29:13
0
user avatar
merry cris italia
super ganda nito ....thank you writer
2021-08-19 19:04:42
0
  • 1
  • 2
54 Chapters
Chapter 1
"ANO na naman itong ginawa mo?!" Ibinagsak ni Don Alfonso ang hawak na report papers sa lamesang nasa harapan ng bunsong anak. Hindi nito sinipot ang meeting ng gustong mag-invest sa kanilang kompanya. Malaki ang mawawala sa kanila kapag tuloyang mawala ang prospect nila. "Kailangan k
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more
Chapter 2
"THIS is all your fault," sa ikalawang pagkakataon ay nagalit muli si Alfonso sa bunsong anak. Sa iba na napunta ang proyektong dapat sila ang may hawak. "Do something or else, aalisin kita sa iyong posisyon!"   Na
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more
Chapter 3
"NASAAN na siya?" Tanong ni Chrismith sa mga kaibigan habang palinga-linga ang tingin sa paligid. Kakabalik niya lang sa mini stage dahil bigla siyang nawala kanina at tumatawag ang kaniyang ina. "Umalis na siya, Bro." Sagot ni Larry kay Chrismith. 
last updateLast Updated : 2021-06-15
Read more
Chapter 4-Unang pagkikita
 HINDI na nagulat si Nica Joy nang mabalitaan na sila na ang napili ng kompanyang nag-reject sa kaniya. Pero malaking sampal sa kaniya iyon dahil siya mismo ang na reject. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang dumalo sa special event ng kompanya. Sa araw na iyon ilalabas ang bagong desinyo ng damit na hindi pa niya nakikita dahil magaling magtago ang kapatid. Balita niya ay ito mismo umano ang gumawa niyon. "Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Hindi mapakaling tanong ni Rose sa dalagang amo. Nangunot ang noo ni Nica at pinakatitigan ang secretary. Kahit papaano ay nasanay na siya dito at hindi pinakitaan ng kagaspangan ng ugali niya. "Hindi ka sasama sa akin?" tanong niya dito.  "Sorry po, Ma'am. Ang akala ko po kasi ay hindi ka dadalo sa pagtitipon." Nahihiyang tugon ni Rose kay Nica. "Hindi ko na kailangan magpaganda o magdamit ng gown para lang saksihan ang achievement ng aking kapatid."
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more
Chapter 5-Unang hakbang sa paghihiganti
"ROSE, alamin mo ang free vacant ni Mr. Yuchan at schedule mo ang appointment ko sa kaniya." Utos ni Nica sa ginang nang mainip sa kinaupuan. Pasimple niyang pinanuod ang bawat galaw ng kaniyang secretary. Napangisi siya nang mas inuna pa nitong hawakan ang cellphone nito sa halip na ang landline phone. Bumalik siya sa kaniyang upuan nang makitang tapos na ito sa pakipag-usap sa cellphone. "Ma'am, pinatatanong po kung para saan ang appointment?" "A lunch invitation from me." Napalunok ng sariling laway si Rose nang ngumiti ang amo sa kaniya. Kinikilabutan siya sa kabaitang ipinapakita nito ngayon sa lahat. Alam niyang may kabaitan itong tinatago sa katawan pero kaiba ang nadarama niya ngayon. Mabilis niyang iwinaksi ang hindi magandang nasa isip. Isa pa ay labas na siya kung mag-ramble man ang magkakapatid. Ang mahalaga ay nagawa niya ang kaniyang trabaho kabilaan. Para kumita at may maibigay sa kani
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more
Chapter 6-Ang taong ayaw niyang makitang muli.
PAKIRAMDAM ni Nica ay biglang nanigas ang katawan niya sa kinaupuan pagkarinig sa pangalan ng pinsan ni Janice. Makulit ito at sa umpisa pa lang ay pinarangka niyang ayaw niya dito. Muntik na rin siya ma rape nito dahil hindi niya alam na sumunod ito sa party na dinaluhan niya. Ang akala niya noon ay iba sa ugali ng madrasta at kapatid ang lalaki at totoo ang pinapakitang pagkagusto nito sa kaniya. "He's my cousin," paliwanag ni Janice kay Chris kahit hindi ito nagtanong. "Ex siya ni Nica." Pansin ni Chris ang paglapat ng mga ngipin ni Nica at pagsama ng tingin nito sa kaniyang katabi. "Excuse me, huwag puro buhay ko ang ibida mo sa ibang tao." Ngumiti ng nakakainsulto si Nica sa kapatid. Kung wala lang sila sa public place ay nasabunotan na niya ito kahit nasa harap pa nila ang ipinagmamalaki nitong boyfriend umano.  "Oh sorry, nabanggit ko lang siya dahil tinanong niya ako kung nasaan ako at m
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more
Chapter 7-Ganti ng inaapi
"HELLO, Ma'am, welcome back po!" Masiglang bati ng guard sa bagong dating na dalaga.   Ngumiti si Nica sa guard bago tumuloy. "Bakit ang tahimik?" tanong niya sa waiter nang walang marinig na musika.   "Maaga pa po kasi, Ma'am." Napakamot sa batok ang lalaki at hindi alam kung ano ang ialok sa dalaga.   "Ohh!" Bumilog ang bibig at mga mata ni Nica habang inilibot ang paningin sa paligid. Ngayon niya lang napansin na siya lang ang tao doon at may liwanag pa ng araw sa labas. Dahil sa lungkot na nadarama kanina ay nawala sa isip niya na six p.m pa nagsisimula ang gig ng naturang Resto and Bar. Pagtingin niya sa pambisig na orasan ay quarter to five lamang.   "I'm sorry, Ma'am, pwede po kayong bumalik para hindi kayo mainip.   "It's ok, gusto ko lang mag-relax. Maari ka bang magpatugtog na lang ng musika?" request niya sa lalaki dahil pakiramdam niya ay pagod ang kaniyang katawan ka
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more
Chapter 8-Panlilinlang
NAISIP ni Chrismith na umuwi kahit na nagkakasiyahan pa ang mga kaibigan. Ngunit hindi pa nakakarating sa kanilang bahay ay tumawag ang hindi inaasahang taong tatawag ng ganoong oras. "May problema po ba, Mom?" nag-aalala niyang tanong sa ina. Madaling araw pa lang sa kinaroroonan nito kaya agad siyang kinabahan. "Walang problema dito sa amin, anak. Tinawagan lamang kita para kumustahin ka at ang ina ni Janice?" Nangunot ang noo ni Chris sa tanong ng ina. "Gumising kayo ng maaga para itanong sila sa akin?" Nagugulohan niyang tanong dito. Alam niyang close ang ina niya sa pamilya ni Janice lalo na sa ina nito. "Anak, anong klaseng boyfriend ka at hindi mo alam ang nangyayari sa pamilya ng nobya mo?" "Mom, sandali, "pigil niya sa panenermon ng ina. "First of all, we're not in relationship." Paglilinaw niya sa relasyon nila ni Janice sa ina. "What?!"&nbs
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more
Chapter 9
Mula sa kinatatayuan ay may pag-aalinlangan sa paghakbang si Chrismith. Naroon siya ngayon sa harap ng opisina ni Nica. "Papasok po ba kayo, Sir?" tanong ni Rose sa binata nang maabutan ito sa labas ng pinto. "Ah, yes!" Agad siyang kumatok sa pinto at nang marinig ang tinig ng dalaga mula sa loob ay pumasok na siya kasunod ang secretary nito. "Ma'am, Mr. Yuchan is already here." Bigay paalam ni Rose sa amo sa presensya ng bisita nito. "You may go." Malamig ang tinig na pagtataboy ni Nica kay Rose. Nanatili siyang nakayuko at hindi nag-abalang batiin ang bisita. "Ano ang kailangan mo?" emotionless niyang tanong sa binata nang tumikhim ito. Hindi pa rin humuhupa ang kaniyang galit na nadarama mula kagabi kaya wala siya sa mood makipag-usap kahit na kanino. Umupo na si Chris sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ng dalaga kahit hindi siya inalok nito. "I just th
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more
Chapter 10-Ang kahinaan
PINAKATITIGAN ni Chrismith ang dalaga na mahimbing natutulog sa malambot na kama. Dinala niya ito sa malapit na hotel sa halip na iuwi ito sa bahay ng mga ito. Malikot itong matulog at kailangan pa niyang ayusin ang kumot sa katawan nito upang hindi lumantad ang makinis nitong hita. Kung kapatid niya lang ito ay katakot-takot na sermon ang maririnig nito sa kaniya. Nagawa nitong maglasing sa isang lugar na walang kakilala at mag-isa pa. Nang masigurong maayos na ito ay kumilos siya upang iwan na ito. "Mommy..."   Napaligon siya nang marinig ang pag-ungol ng dalaga at tinatawag nito ang ina. Humakbang siya palapit dito upang salatin ang noo. "Ayaw ko na dito, Mommy!" Mabilis na inilayo ni Chrismith ang kamay nang hawakan iyon ng dalaga. Alam niyang nanaginip lang ito pero tila napaso siya nang dumikit ang palad nito sa kaniyang braso. "Ayaw ko na po sa impyernong buhay k
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status