Share

Side Story: 24th EGO (Part 2 of 2)

“…kun?”

“…hiro?”

“Gumising ka, Chihiro-kun.”

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nag-aalalang mukha ng mga kasama ko ang sumalubong sa ‘kin. Bakas sa mga ekspresiyon nito na may nangyaring hindi kaaya-aya.

“Ano po’ng nangyari, Souma-san?” nanghihina kong tanong. Nang lingunin ko ang paligid, nasa staff room kami.

“Nawalan ka ng malay, Chihiro-kun,” si Teruma-san ang sumagot sa akin.

Kahit ramdam ko pa rin ang pagkahilo ay pinilit kong tumayo. Hindi ako naging matagumpay dahil nawala rin kaagad ang balanse ko at muntik akong matumba sa sahig pero mabilis akong nasalo ni Souma-san.

“Magpahinga ka muna, Chihiro-kun,” aniya Souma-san habang inalalayan akong umupo.

“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Chihiro?” kabadong tanong ni Touya at halos mangiyak-ngiyak itong nakatitig sa ‘kin. “Kasalanan ko ba?”

Umiling ako. “Hindi,” mabilis kong tanggi. “Iyong customer…” Nang maalala ko ang nangyari kanina ay napasuka na lang akong bigla at nagulat sila.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status