Share

His back

Nag-ayos lang ako ng konti pagkatapos ay tumungo na sa bahay ni Ampa, pinaalam ko sa kanya na papunta na ako tapos gulat nalang ako andun siya sa labas ng gate inaantay ako.

"Para kang nag-aantay ng ayuda diyan.", sabi ko sa kanya nang makababa ako sa taxi.

Napatingin siya sa dala-dala ko.

"What's this?", tanong niya pagkatapos niyang kunin sa akin 'yun, inamoy niya 'yun...

"Adobo?", hula niya at tumango ako.

"Luto ko para sayo.", nakangisi kong sabi tapos kinindatan siya.

'Yung mukha niya parang pinipigilan niyang ngumiti, ang arte ah.

"Is this why it took you long to get here?"

Binuksan niya 'yung gate ng bahay niya at pinauna ako ng pasok, ako 'yung nagsara ng gate kasi dala-dala niya 'yung paper bag na naglalaman nung adobo.

"Oo, tampo ka pa niyan na natagalan ako?"

"When did I? 'Di ako nagtampo noh, that is not so my style."

Ang haba rin ng pride, ayaw pa aminin.

Nagmamadali siyang pumasok sa bahay niya, nakalimutan niya ng kasama niya ako eh.

Pagpasok ko, andun na siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status