Claimed By My Husband's Brother

Claimed By My Husband's Brother

last updateÚltima actualización : 2026-10-29
Por:  GennWritesActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
No hay suficientes calificaciones
18Capítulos
44vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Being the daughter-in-law in a billionaire family should have been a dream come true. Pero para kay Danielle Alcantara, isa itong bangungot na hindi niya matakasan. Sa mansiyon ng pamilya ng kanyang asawa, para siyang katulong na kailangang sumunod sa lahat ng utos ng kanyang biyenan. She has to be the “perfect daughter-in-law” na walang reklamo, walang pagtutol, at bawal magkamali. Pero ang pinakamasakit sa lahat? Ang sarili niyang asawa, si Drake Del Fierro, ay walang ginagawa habang paulit-ulit siyang minamaliit. He promised to love and protect her, pero kahit isang beses, hindi man lang siya nito nagawang ipagtanggol. Sa bahay na iyon, pakiramdam ni Danielle ay wala siyang kakampi. Until she finds herself drawn to the one man she should never look at that way. Si Light Del Fierro—ang panganay na anak ng pamilya Del Fierro, ang nakatatandang kapatid ng kanyang asawa, at ang lalaking kayang patahimikin ang buong silid sa isang tingin lamang. Hindi maintindihan ni Dani kung bakit iba ang epekto sa kanya ng presensya ni Light. Isang tingin lang nito, hindi na siya mapakali. Sa isang simpleng paglapit, and suddenly, she becomes too aware of how close they are. Sa gitna ng lahat ng sakit at kalungkutan na nararanasan niya sa mansiyon, si Light ang lalaking hindi niya inaasahang magiging sandalan. But he’s also the one man she can never have. Bayaw niya ito, asawa siya ng kapatid nito. And falling for him could destroy everything. She knows there are boundaries she should never cross, feelings she should never entertain, and desires she should never admit—even to herself. Pero paano kung ang lalaking dapat niyang iwasan ang siya ring nagbibigay sa kanya ng init na matagal na niyang hinahanap? And what happens when one stolen moment turns into something neither of them can take back?

Ver más

Capítulo 1

CHAPTER 1: The Unforgivable Demand

•INTRODUCTION•

Being the daughter-in-law in a billionaire family should have been a dream come true. Pero para kay Danielle Alcantara, isa itong bangungot na hindi niya matakasan.

Sa mansiyon ng pamilya ng kanyang asawa, para siyang katulong na kailangang sumunod sa lahat ng utos ng kanyang biyenan. She has to be the “perfect daughter-in-law” na walang reklamo, walang pagtutol, at bawal magkamali.

Pero ang pinakamasakit sa lahat? Ang sarili niyang asawa, si Drake Del Fierro, ay walang ginagawa habang paulit-ulit siyang minamaliit. He promised to love and protect her, pero kahit isang beses, hindi man lang siya nito nagawang ipagtanggol.

Sa bahay na iyon, pakiramdam ni Danielle ay wala siyang kakampi. Until she finds herself drawn to the one man she should never look at that way. Si Light Del Fierro—ang panganay na anak ng pamilya Del Fierro, ang nakatatandang kapatid ng kanyang asawa, at ang lalaking kayang patahimikin ang buong silid sa isang tingin lamang.

Hindi maintindihan ni Dani kung bakit iba ang epekto sa kanya ng presensya ni Light. Isang tingin lang nito, hindi na siya mapakali. Sa isang simpleng paglapit, and suddenly, she becomes too aware of how close they are.

Sa gitna ng lahat ng sakit at kalungkutan na nararanasan niya sa mansiyon, si Light ang lalaking hindi niya inaasahang magiging sandalan.

But he’s also the one man she can never have. Bayaw niya ito, asawa siya ng kapatid nito. And falling for him could destroy everything. She knows there are boundaries she should never cross, feelings she should never entertain, and desires she should never admit—even to herself.

Pero paano kung ang lalaking dapat niyang iwasan ang siya ring nagbibigay sa kanya ng init na matagal na niyang hinahanap? And what happens when one stolen moment turns into something neither of them can take back?

————

CHAPTER 1: The Unforgivable Demand

~

“MAGHANAP ka ng ibang lalaking bubuntis sa ’yo, Dani.”

Ang mga salitang ’yon na lumabas sa bibig ni Drake nung umagang ’yon ay parang isang napakabigat na martilyo na direktang tumama sa dibdib ni Danielle. Napatitig siya sa asawa, nanlalaki ang mga mata sa hindi mapaniwalang narinig.

Paanong ang sarili niyang asawa, ay sasabihin iyon sa kanya na parang simple lang iyong bagay?

“S-Seryoso ka ba, Drake?” pabulong na tanong ni Dani, halos mabulunan sa sarili niyang laway. “Nagbibiro ka lang, ’di ba? B-Bakit kailangan kong magpabuntis sa ibang lalaki?”

Nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga si Drake habang inaayos ang kaniyang collar. “Sawa na ako. Paulit-ulit na lang akong kinukulit ni Mommy tungkol sa heir ng pamilya. I’m so sick of the pressure, Dani. At araw-araw na lang niyang itinatanong kung kailan ka mabubuntis.”

Pilit na lumunok si Dani kahit tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan. “Kung ’yon lang naman pala, bakit hindi na lang sa ’yo, Drake? Mag-asawa tayo. Bakit kailangan ibang lalaki pa?”

“Sa akin?” Natawa nang bahagya si Drake, isang malamig at nakakainsultong tawa. “Don’t make jokes. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para lang galawin ka.”

Ang bawat salitang lumabas mula sa labi ni Drake ay parang matalim na kutsilyo na dahan-dahang sumasaksak sa puso ni Dani. Bumuka ang bibig niya para magsalita, pero walang salitang lumabas.

“Maghanap ka ng lalaking may respeto at may marangal na trabaho. Pero kung hindi mo kaya, ako mismo ang maghahanap para sa ’yo,” malamig na patuloy ni Drake, walang ni katiting na emosyon sa kaniyang mga mata. “I’m not negotiating with you, Danielle.”

Parang pinipiga ang dibdib ni Dani sa sobrang sakit. Napakapit siya nang mahigpit sa kaniyang palda, hanggang sa mamuti ang mga buku-buko ng kaniyang mga daliri. Bumuka ulit ang bibig niya para umapela, pero mabilis siyang pinutol ni Drake.

“Kailangan mong mabuntis, wala akong pakialam kung paano! Ang pakasalan ka pa lang, sobrang nakakahiya na sa harap ng dalawa kong kapatid. At ngayon, gusto mo pa akong ipahiya lalo dahil hindi ka makapagbigay ng anak?”

Iwinagayway ni Drake ang kaniyang kamay at tumitig nang diretso sa mga mata ni Dani. “So, just do it, o gusto mong ihinto ko na ang pagbabayad sa billing ng lolo mo sa ospital?”

Mabilis na umiling si Dani, halos maiyak sa matinding takot at pakiusap. “Huwag, Drake! Pakiusap, huwag mong idamay si Lolo! Kailangan niya ng tuloy-tuloy na gamot at alaga sa ospital para gumaling...”

Walang alinlangan sa mukha ni Drake nang tumingin kay Dani. “If that’s the case, magdesisyon ka na ngayong araw. Para alam ko kung itutuloy ko pa ang pagpapadala ng tseke sa ospital.”

Oo o Hindi. ’Yon lang ang pagpipilian niya, isang desisyong pwedeng pumaslang sa kaniyang sariling dangal kapalit ng buhay ng kaniyang lolo.

Isang taon pa lang silang kasal. At sa loob ng isang taong ’yon, ngayon lang lubos na napagtanto ni Dani na kailanman ay hindi siya minahal ng kaniyang asawa. Napilitan lang si Drake. Kasal silang dalawa dahil sa huling bilin at pamana ng yumaong lolo ng pamilya Del Fierro, na matalik na kaibigan ng lolo ni Dani.

Kung alam lang ni Dani noong una na ganito ang mangyayari, kahit kailan ay hindi siya papayag na makasal kay Drake. Sa kabila ng malamig na pagtrato sa kaniya, pilit niyang tinuruan amg mahalin ang kaniyang asawa sa nakalipas na taon. Pero wala man lang kahit katiting na sukli mula sa lalaki.

“So? What’s your decision?” Taas-kilay na tanong ni Drake habang nakatingin sa kaniya.

Bumuntong-hininga nang malalim si Dani, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. “P-Pag-iisipan ko muna... Drake.”

Mananatiling malamig ang tingin ni Drake sa kaniya. “Fine. I’ll give you three days starting today.” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong tumalikod at lumabas ng kanilang kwarto.

Naiwang nakatayo si Dani sa gitna ng kwarto, tila naparalisa ang buong katawan. Biglang nanghina ang kaniyang mga binti hanggang sa mapaluhod siya sa gilid ng kama. Hindi lang ang katotohanang hindi siya minamahal ng asawa ang dumurog sa kaniya, kundi ang hindi makataong kahilingan nitong magpabuntis siya sa ibang lalaki.

“Saan ako makakahanap ng lalaking papayag sa ganito? At higit sa lahat, ang batang ’yon ang magiging tagapagmana ng mga Del Fierro,” bulong niya sa sarili habang pumapatak ang luha sa kaniyang pisngi.

Napasulyap siya sa wall clock ng kwarto. Alas-sais y media na ng umaga, malapit nang mag-almusal ang pamilya.

“Diyos ko...”

Agad na napawi ang kaniyang pagtulala at napalitan ng takot. Dali-dali siyang bumangon at halos tumakbo palabas ng kwarto patungong kusina. Naghihintay na naman ang kaniyang araw-araw na tungkulin—ang maghanda ng agahan para sa buong pamilya Del Fierro, para sa kaniyang biyenan, ang mga bayaw at hipag, pati na ang mga pamangkin.

Ang mga Del Fierro ay isa sa pinakamayamang angkan sa bansa na mahigpit na sumusunod sa tradisyon at hierarchy. Lahat sila ay nakatira sa iisang napakalaking mansiyon sa Forbes Park. Ang presensya ng kapangyarihan at pera ay ramdam sa bawat sulok ng bahay, at kasabay niyon ang matinding pressure na pumapatay sa pagkatao ni Dani.

Dahil si Dani ang pinakabata at tanging walang sariling karera o negosyo kumpara sa dalawa niyang hipag, siya ang tinatrato na parang housekeeper sa mansiyon. Siya ang nagluluto, nag-aayos, at tinitiyak na perpekto ang lahat bago gumising ang pamilya.

May mga kasambahay naman na tumutulong sa kaniya, pero kay Dani pa rin ibinabagsak ang buong responsibilidad kapag may konting pagkakamali. At iyon ang pinaka-mabigat na pasanin niya sa loob ng isang taon kasama ang pamilya Del Fierro...

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sin comentarios
18 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status