Dumiretso ako sa opisina ni Mr. Lim matapos ang isinagawang board meeting kanina. Pinag-uusapan nila kung paano mapoprotektahan ang kompanya laban kay Brianna Smith. Without knowing na kaharap lang nila ang tinutukoy nila, fool pity Bernardo. Ano kaya ang magiging reaction niya oras na malaman niya na si Brianna Smith at ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ay iisa. Hmmm, I can't wait for that to happen. "Hindi pa pala kita natatanong Mr. Lim about, how was your feeling since the day you almost collapse," nakangiti kong saad matapos akong sumimsim ng isang cup ng tea. Nasa harap ko siya ng mga sandaling ito at kitang kita ko kung paano siya namutla sa sinabi ko. Is he ashamed? Gusto ko lang naman maamuse ulit, dahil at this moment, pamumutla pa lang niya gusto ko ng pumalatak ng tawa. "A-ah, 'yon ba? Thank you for your concern Miss Lewis. I'm okay now," aniya."Good to hear…" "Sigurado ka bang umalis ka kagabi ng magkagulo sa party, Miss Lewis?" Napatigil ako sa biglaan
Isang linggo na rin ang lumipas nang huli kaming magkita ni Raden. At isang linggo na rin akong nag-iisip kung paano ko bibitagin ang lalaking iyon. Kaya ito ako ngayon, sakay ng kotse ko. Binabagtas ang lubak-lubak na daan patungo sa bahay ampunan. Yes, papunta ako sa bahay ampunan kung saan naroon si Raden. Volunteer daw siya sa ampunan na iyon, ayon na rin sa informant ko. Kaya noong isang araw lang kasama ko si Enrique para magpakilala sa mga madre doon at nagbigay ng donation para makilala nila ako. At para hindi halata na sinusundan ko siya.May bitbit na rin akong mga groceries. Schedule ngayon ni Raden sa bahay ampunan na iyon. Actually, si Enrique ang nagplano nito. Ngayon pa lang gusto ko ng mag retreat. At saka bakit pa dito na pili ni Raden, mag-volunteer, sa bukid na ito? Nakakainis, ang daming malalaking bato. Kung puwede lang sana nag motor ako. Noong unang punta kasi namin ni Enrique dito nag motor kami. Eh, ngayon hindi ako makakapag motor dahil ang dami ko
Mula sa pagkakatitig sa akin ay lumipat ang tingin niya sa paa ko kung nasaan ang palaka saka tumitig ulit sa akin. Nanatili pa rin akong nakatayo at hindi gumagalaw. Kung puwede lang na pati paghinga pigilan ko. "Raden!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw ng hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya si Raden. Potek na lalaking ito. Ki laking tao takot sa palaka. "W-what should I gonna do?" tarantang tanong niya. Gusto ko na lang matawa dahil namumutla na ang itsura nito. "Kunin mo na ang palaka, hurry up!" At the same time gusto ko na ring maiyak dahil hindi pa rin umaalis ang palaka sa paa ko. Bakit ba kasi nasa bukid pa nakatirik ang orphanage na ito eh. Nakita ko si Raden na aligaga sa paglibot ng kaniyang paningin sa paligid. Hanggang sa may makita at napulot itong mahaba at tuyo na sanga ng kahoy. Pero imbis na paalisin agad ang palaka ay tinitigan pa muna niya ito. Seriously? Kitang-kita ko pa ang paglunok nito kaya laglag ang panga ko sa inis. "A
RADEN'S POVNagising ako sa tunog ng cellphone ko, inabot ko sa may ulunan ko ang kinalalagyan ng cellphone. Saka mabilis na dinala sa tainga ko matapos pindutin ang answer button. "Yes," bungad ko sa kabilang linya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Napakunot ako ng putol-putol ang salita ng nasa kabilang linya. Minulat ko ang mga mata ko saka sinipat ang aparato. Mas lalo lang lumalim ang gitla ng noo ko ng makita ko ang pangalan na naka register sa screen ng touch screen phone ko. It's Papa, ano kayang sadya nito. Namatay na ang tawag, pero bigla na naman itong tumunog kaya bumangon na ako. Oo, nga pala nandito pala ako sa remote area kaya mahina ang signal. Napatingin ako sa pinakadulo ng kuwarto kung saan nakahiga si Alexandra, wala na siya roon. Ano na bang oras ang aga naman yata niyang gumising. Sinipat ko ang suot kong relo, alas kuwatro 'y medya na pala ng madaling araw. Tumayo na ako para lumabas at para makasagap ng signal. Tumigil na rin ang pa
Alexandra POV Pinapaulanan na kami ng bala ng mga sumusunod sa amin. Sino ba ang mga ito, hindi kaya kalaban na naman ito ni Bernardo. Lintik na Bernardo ang daming kaaway. "Shit! Bakit nila tayo hinahabol!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw habang nakayuko. "I don't know," sagot in Raden habang bahagya lang nakayuko at nagmamaneho. Pumapasok na ang bala sa loob. Mukhang papatayin talaga kami ng mga sumusunod sa amin. "I think they are going to kill us." "And I think si Brianna na naman ang may pakana nito," sabi ni Raden na kinatigil ko. Bakit ko naman papatayin ang sarili ko, ang bobo mo Raden. Gusto ko sanang ibulalas ang mga katagang iyon, kung p'wede lang. "How are you so sure?" Malamig kong tanong. Saka umayos ako ng upo at bumaling sa likurang bahagi ng kotse at kinuha ang isa kong malaking bag. Kinuha ko ang Calibre 45 ko na baril at mabilis na nilagyan ng bala. "Keep driving, Raden," sabi ko sa kan'ya. Gulat ang rumihestro sa m
Raden's POV "Mind your own business," narinig kong sagot ni Alexandra saka umalis. Hindi na ako nag-abala pang sundan siya ng tingin. She's maybe angry about what happened. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Tumayo ako at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Hindi ko na rin nakita si Alexandra, pumasok marahil siya sa gubat. Pinag-aralan ko ang buong lugar kung saan maari akong pumunta. Napako ang paningin ko sa gubat, tama kailangan kong bumalik sa St. Louis at sa gubat na iyan ang daan pabalik para makalabas sa islang ito. Dapat pala sinundan ko si Alexandra, lumakad na ako papasok sa gubat. Ilang hakbang ang ginawa ko ng makarinig ako ng nag-e-echo na sigaw, nagsiliparan rin ang mga ibon sa gubat. Alexandra. Siya agad ang naisip ko, nasaan kaya siya, bakit siya sumigaw? Mabilis kong sinundan ang sigaw niya kanina, pero napahinto ako ng makakita ng dugo sa mga tuyong dahon ng puno na nagkalat sa lupa. Nag-squat ako at kinapa ang dugo, presko pa ang
Alexandra POV Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, malabo ang paningin ko sa una pero kalaunay luminaw rin. Napasyal ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid, hindi familiar sa akin ang lugar na ito. Nasaan ba ako? Natigil pa ako nang dumako ang paningin ko sa isang lalaki na nakasandal sa bato at nakaupo habang mahimbing na natutulog. Naka halukipkip pa. "Raden?" Anong ginagawa namin dito? Saka bakit siya nakahubad? Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Mukhang kuweba ang lugar na ito. Sinubukan kong bumangon kahit na medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Saka ramdam ko ang panghihina ng kalamnan ko."Ah!" Daing ko ng kumirot ang tagiliran ko. Pero pinilit ko pa ring bumangon.Kinapa ko iyon, saka tiningnan. May pinunit na damit na naka gapos sa tagiliran ko paikot sa bewang ko Ginawang panali iyon, saka ko lang naalala na tinamaan pala ako ng bala. Kung gano'n nakita na pala ako ni Raden. "Alex? You're awake, are you okay?" anang Raden saka mabilis na lumapit s
Nanatili pa kami ng dalawang araw sa loob ng kuweba bago napagpasyahan ni Raden na umalis na sa lugar na iyon. Well, yeah. Siya ang nasusunod, at saka mainam na rin para makapagpahinga pa ako ng kunti. "Ano ba naman 'tong lugar na ito ang daming grass," reklamo ko. Nangangati na kasi ako dahil sa mga damo na nadadaanan namin. "Look at this oh, lampas sa akin ang damo." Wala akong narinig na kahit isang salita kay Raden. Kanina pa ako nagrereklamo pero siya naglalakad lang, parang wala lang at hindi rin nagrereklamo. Ang bilis pang maglakad. "Alam mo Raden kasalanan mo talaga lahat ng ito eh. Kung mabait lang sanang tao ang tatay mo e 'di sana tahimik ang buhay niyo at ang buhay ko." Buhay pa sana ang pamilya ko. Gusto ko sanang idagdag iyon pero nanatili na lang akong tikom bibig. Muntik pa akong mabunggo sa likod niya nang bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Alam mo naiintindihan kita, magreklamo ka man ng magreklamo hanggang sa maputol iyang ugat mo sa leeg.