Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Lihat lebih banyakNg mailagay na ng maayos ni Matet sa box ang nilutong puto at caramel pudding ay dali dali na syang pumanhik sa kwarto nila ni Javi para magbihis. Sumilip sya saglit sa malaking bulwagan ng mansion ng mapadaan sya dito.
Halos lahat ng panauhin ay nandoon na. "Mukhang ako na lang ang wala doon ah", sabi nya sa sarili habang lumalakad ng halos patakbo na papuntang kwarto nila."Kakahiya na huli ako, ngayon ko lang makilala buong pamilya nya", kaya mas nilakihan pa nya ang mga hakbang. Nasa pinto pa lang sya ng kwarto ay agad syang sinalubong ni Gelai(Gelo), ang bading na binayaran ni Javi para tulungan sya sa pag-ayos. "Ang tagal nyo po Señorita", bungad nito sa kanya. " Inayos ko pa kasi ang niluto ko at inilagay sa box", maikling paliwanag nya habang humihingal pa. "Maligo na po kayo. Para maayusan ko na po kayo". " Hindi na ako maliligo, halika ka na, tulungan mo na ako sa pag-aayos, "hinila nya ang kamay nito papuntang vanity nya at agad syang umupo sa harap ng salamin para makapag-umpisa na ito sa magmemake-up sa kanya. Nagmamadali na sya kaya wala na syang oras para maligo pa. Ayaw nyang kung ano pa ang sabihin ng pamilya ni Javi sa kanya dahil nahuli sya. Hindi na ito nagreklamo at sinunod ang utos nya. " Señorita mangangamoy po kayo nyan", pabiro nitong sabi habang inaayusan sya. "Ok lang mangamoy pantika para pwede ko na silang iprito di ba?!",pabiro nyang sabi kay Gelai. "Sa Middle East nga halos linggong hindi naliligo mga tao doon, dinadaan lng sa pagpeperfume ang amoy para hindi halata ang baho nila, wala namang nagrereklamo dba, tsaka nakapaligo naman ako kaninang umaga", mahabang litanya nya sa sinabi nito. " Sabagay Señorita, isa pa kahit pawisan po kayo, mabango ka pa rin po",. "Ayyeeyy, binola pa ako! At tsaka ilang beses ko ba sasabihin sayo Gie na huwag mo akong tawaging Señorita,kelangan ko ba ipalala yan palagi? ", kunwari galit na angil nya. "Hindi kita binobola Tet, totoo sinasabi ko", ngumiti na lang sya, tinawag na sya nito sa kanyang palayaw. Akala nito siguro totoong galit sya. Para sa kanya hindi kasi nababagay na tawagin syang Señorita dahil mahirap lang sya at lalo na lilisanin nya rin ang mundong yun kapag tapos na ang kasunduan nila ni Javi. Ng matapos ni Gelai ang pagkulorete ng mukha nya ay sinunod naman nito ang kanyang buhok. Hinayaan lang nito na nakalugay ang kanyang mahabang buhok pero kinulot nito ng kaunti ang dulo at ang ilang hibla ay inilagay sa paharap. Tsaka kinuha nito ang box na nakalagay sa mesa at iniabot sa kanya. "Magpalit ka na Tet ng damit", utos nito sa kanya. Kinuha nya ang dress sa box at nagbihis kaagad. Kulay peach yun at off shoulder kaya lutang ang kanyang kaputian. Pagkatapos nyang magbihis ay kinuha nya ang jewelry box sa drawer na ibinigay sa kanya ng matandang Donya. Mahigpit na ibinilin sa kanya na iyon ang isusuot nya sa kaarawan nito. At ngayon yun! Iniabot nya ito kay Gelai para tulungan syang maisuot yon. "Tulungan mo ako nito",malumanay na utos nya dito at agad naman syang tinulungan. Ng tapos na syang mag-ayos ay tinitigan sya ng mabuti ng bading. " Ang ganda nyo po Tet", bulalas nito. Pinangigilan pa ang mukha nya at kinurot ng kaunti. Tumawa sya ng bahagya at tinabig ang kamay nito. "Ayan, ka na naman, binibiro mo naman ako" palagi kasi syang sinasabihan nito na maganda kapag nasa parlor sya nito. "Totoo yan Tet ha,mukha kang tunay na prinsesa sa ganyan mong ayos",may sensiridad pa sa tono ng boses nito. Nginitian nya lang ito ng tipid. **Sa Bulwagan** Nilapitan ni Señora Lucy si Javi at tinanong kung nasan na si Matet dahil hinahanap ito ng Nana(Donya Amanda) nya. "Asan na ba ang asawa mo?Hinahanap sya ng Nana mo. "Pababa na po yun mom", sagot nya sa ina. " Halos lahat ay nandito na ah! Bakit hindi pa tayo magsimula sa selebrasyon? "si Emily yun, pinsang buo ni Javi, anak ito ni Señora Debie at Don Lacson. " Hintayin lang nating bumaba si Matet, inaantay kasi sya ng Nana nyo", si Señora Lucy na ang sumagot. "Sino ba yun? Espesyal na bisita? ", tanong nito na may halong pang-iinsulto sa tono. Sakto naman na bumababa na ng 2nd floor si Matet kaya halos lahat ng bisita ay napabaling kanya. Nakasunod naman dito si Gelai. Pababa na sya ng hagdan. Halos maririnig nya na ang tambol ng kanyang puso sa kaba dahil nakita nya na halos sa mga bisita na nandun ay nakatingin sa kanya. Hindi sya sanay na nasa kanya ang atensyon ng mga tao. First time itong mangyari sa buhay nya. Lalo na't nakikita nya sa mga mata nito ang paghanga pero ng tingnan nya ang pamilya ni Javi kabaliktaran naman ang reaksyon sa mga mukha ito. Nagtataasan ang mga kilay nito at halatang hindi sya nagustuhan kaya kumunot saglit ang noo dahil nagtaka sya kung bakit ganun ang reaksyon ng mga iyon. " Ayan na po sya Ma, pababa na", sabi ni Javi sa ina ng makita na si Matet na pababa ng hagdan. Napahanga sya sa taglay nitong ganda na halos nagdulot yun ng kakaibang damdamin sa kanya.Nag-excuse sya sa ina para salubungin ito. Hinintay nya sa dulo ng hagdan ang asawa. Nakangiti sya ng matamis at tinitigan ito ng mabuti. Pagkalapit nito sa kanya ay dinampian nya ng halik ang labi nito. Naamoy nya ang mabango nitong hininga at naramdaman ang malambot labi. Nakita nyang napatigil ito saglit kaya binulungan nya ito. "It's just a smack kiss, para naman kapani-paniwala na mag-asawa tayo di ba?!. And you look so gorgeous", magiliw pa nyang sabi dito. " Thanks Gelai", binalingan nito si Gelo ng dumaan sa kanilang tabi at pumunta sa pwesto ng iba pang mga bisita. Tumango lang ito at tipid na ngumiti sa kanya. "Halika na",at ibinalik agad ang atensyon sa asawa tsaka iginiya niya ang ito patungo mahabang sa mesa. *** Hindi nya inaasahan ang ginawa ni Javi na paghalik sa kanya.Naamoy nya ang mabangong hininga nito.Biglang lumakas ang tibok ng puso nya dahil doon kaya napatigil sya saglit, ganunpaman ng makabawi sya sa pagkabigla ay nginitian nya na ito. "Totoo naman ang sinabi nito pero hindi naman nya kelangan gawin yun ah", sa isip nya. Ikinawit nya ang braso nya sa braso ng lalaki na kanina pa nag-aantay sa kanya at iginiya sya nito papalapit sa mahabang mesa na nasa malaking bulwagan. Umupo sila sa kanang bahagi ng Donya at sa kaliwa naman ay ang mga magulang ni Javi. " Asawa yan ni Javi", bulong ni April kay Emily bilang sagot sa tanong nito kanina. "Kaya pala, ano sya nagpapakaespesyal?, sabi nito na may halong pang-uuyam at inis sa tinig. " Hayaan mo na, mamaya mo na ilabas ang inis mo sa kanya kapag tapos na ang selebrasyon ", sabi ni Señora Debie sa anak na alam nyang kapag hindi nya ito sinaway ay siguradong pagsasalitaan nito ng hindi maganda ang asawa ni Javi. Kilala nya ang anak, maliit lang ang pasensya nito at wala itong pakialam sa paligid kapag nagagalit ito. Ayaw nyang mangyari yun, kelangan nila makuha ang loob ng matandang Donya kaya gagawin nya ang lahat para hindi makapag-iskandalo ang anak. Ng makaupo na sina Javi at Matet sa hapag kainan ay tumayo ang matandang Donya. Inalalayan naman ito ng kanyang nurse para hindi ito matumba. "Dahil andito na ang lahat, umpisahan na natin ang selebrasyon", anunsyo nito sa mahinang boses, halatang nanghihina. Nag-umpisa na maghandog ng regalo ang mga bisita. Iba-ibang regalo ang ibinigay sa matanda. Mayroong mamahaling alahas, paintings, figurines at iba pang mamahaling bagay. Ng ang lahat ay nakapagbigay na ng regalo,binalingan naman nito si Matet na kasalukuyang kumakain na. "Iha, akala ko may ibibigay ka ding regalo sa akin?", tanong nito dito. Napatigil naman ito sa pagnguya at tumingin ito sa matanda. " Opo Nana, saglit po", sagot nito. Bumaling sya sa kinaroroonan ni Aling Alma at sinenyasan na dalhin sa kanya ang niluto nyang puto at caramel pudding kanina. Iyon kasi ang inihanda nyang regalo para dito. Tumalima naman ito at iniabot sa kanya ang dalawang box. "Salamat po nanay Alma", magiliw nyang sabi sa katulong. Ngumiti ito at bumalik na sa pwesto. " Ito po Nana", iniabot nya ang box sa matanda at kaagad naman nito binuksan. Ng mabuksan ng matanda ang box, narinig nyang nagbubulung-bulongan ang mga bisita lalo na ang pamilya ni Javi. May naririnig syang positibo pero mas marami ang negatibo. "Ang cheap naman, hindi ba nya kaya bumili ng mamahaling bagay para iregalo sa kay Donya Amanda", narinig nyang sabi ng isang bisita. " Gusto mo ata patayin ng mabilis si Nana ah", sabi ni Señora Emilda, isa sa mga tiyahin ni Javi. "Alam mong maysakit sya tapos papakainin mo ng matatamis, gusto mo bang tataas ang sugar nya? ", dagdag pa nito. Hindi nya pinansin lahat ng narinig nya bagkus nagfocus sya sa matandang Donya. " Yan po ang regalo ko sa inyo Nana, alam ko naman kasing hindi nyo kelangan ng materyal na bagay. Ang mahalaga po sa ngayon ay ang alagaan kayo ng mabuti at mapasaya po kayo palagi ", paliwanag nya sa matanda para hindi na ito magtanong kung bakit iyon ang ibinigay nya. " Salamat Iha, inalala mo talaga ang kapakanan ko", sabi nito na may ngiti sa labi. Iba-iba ang reaksyon ng mga bisita sa sinabi nya. Mayroong nagsabi na tama naman sya dahil hindi naman madala ng matanda ang mamahaling regalo sa kabilang buhay. Mayroon naman na nagsasabi na nagpapapel lang sya sa matanda. Wala syang pakialam kung anu ang sasabihin ng mga bisita, nandoon lang naman sya dahil sa kasunduan nila ni Javi at kailangan. nyang magampanan ng maayos ang kanyang papel. "Tama na yang drama", si Señora Grasya ang pumutol sa kanilang pag-uusap ng matanda. "Nana dahil ganyan po ang kalagayan nyo, kelangan nyo na pong gumawa ng last will and testament ", suhestiyon nito sa Donya. " Tama po Nana si Tita Grasya, "pagsang-ayon ni Emily. "Lalo na po kung kanino mapunta ang " Family Heirlooms " na iniingatan ng angkan natin", pagkasabi nito ay tinapunan ng tingin si Javi. Hindi yun nakaligtas sa paningin ni Matet, nakita nya na ng binanggit ni Emily ang "Family Heirlooms" nakatingin lahat ng pamilya ni Javi dito. Nagtaka sya sa mga reaksyon nito. "Anu kaya ang koneksyon ni Javi sa "Family Heirlooms" bakit lahat sila nakatingin dito", tanong nya sa isip nya. "Tama po", pagsang-ayon ng pamilya ni Javi at synchronized pa ang pagkasabi ng mga ito, akala mong nagmeeting na iyon sa kung anu ang sasabihin nila. " You all shut up! ", malakas na hampas sa ibabaw ng mesa ang ginawa ni Don Antonio, ama ni Javi. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya. Galit ang tinig nito. Lahat na andoon ay nabigla at natahimik. "Hindi nyo na nirespeto ang okasyon ng Nana. "Hindi kayo makapaghintay sa tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan!Ipinapakita nyo lang na andito kayong lahat para sa mga mamanahin nyo!Mga ganid kayo!"galit nitong sabi habang tinuturo isa isa ang pamilya na nasa hapag kainan. " Hindi naman sa ganun kuya, ang sa amin lang....",naputol ang iba pang sasabihin ni Señora Debie ng magsalita si Donya Amanda. "Tama na yan!", mataas na tinig ng Donya Amanda ang pumutol sa namumuong tensyon sa bulwagan na yun. " Hindi kayo dapat nagpapalitan ng hindi magandang salita dahil lang sa bagay na yan. At lalo pa marami tayong bisita, nakakahiya kayo!" mahinahon na nasabi ng matanda ng makitang kumalma na sila. "Magkakaroon tayo ng pagtitipon sa sunod na araw para pag-usapan ang bagay na yan", dugtong pa nito. " Sa ngayon magsitigil kayo!", may diin nitong dagdag sa sinabi. "Sige na, magsikain na kayo". Tahimik lang sya at matamang na nagmatyag sa mga nangyayari sa paligid nya.Kung kanina ay nagtaka sya kung bakit napatingin ang pamilya ng lalaki dito ng binanggit ang tungkol sa " Family Heirlooms ", ngayon naman ay naku-curious na sya. "Anu yung Family Heirlooms ng angkan ng mga ito. Bakit ganito na lang pagkainteresan ng pamilya nya at si Nana.... napatingin sya mg mabuti sa matanda. May sakit ba talaga ito?, bakit bigla itong tumayo at nagtaas ng tinig? nakita nya kasi na tumayo ito bigla ng nagtataasan ng boses ang Don Antonio at Señora Debie pero bumalik naman agad ito sa pagkaupo, hindi iyon nakaligtas sa mapagmatyag nyang mata. "Paano nya nagawa yun? Pero impossibleng wala itong sakit, maputla kasi ito at halatang mahina. Pero hindi ito payat gaya ng ibang may sakit na kanser", mga nag-aagaw na katanungan sa kanyang utak na hindi nya alam kung makakakuha sya ng kasagutan. "MATETAlas-singko na ng umaga nang magising siya. Agad niyang inayos ang sarili, puno ng determinasyon na bumaba sa kusina upang ipaghanda ang agahan nila—lalo na ang almusal ni Javi. Naisip niya na dapat na niyang simulan ang pag-aalaga at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng lalaki, upang pagdating ng mga magulang nito, maging tila natural at kaswal na lamang ang kanyang mga galaw.Nasa kusina na si Nanay Alma, masigasig na naghuhugas ng mga sangkap para sa kanilang agahan. Si Trina naman ay nakikita niyang nagwawalis sa bakuran sa labas ng mansion. "Good morning po, Nanay Alma!" ang bati niya, nagulat ang matanda sa kanyang boses.“Good morning, Tet! Ang aga mo namang nagising,” sagot nito."Opo, plano ko pong ipagluto ng almusal si Javi," sagot niyang nakangiti. "Ano po ang karaniwang kinakain niya sa almusal?"Ngumiti si Nanay Alma, tila naintindihan ang layunin niya. “Itlog, tinapay, at kape ang madalas na kinakain ni Señorito, Tet. Minsan, toasted bread lang,” sabi nito habang
JAVIMaaga pa siyang umuwi sa mansion, nag-aalalang baka hindi lumabas si Matet mula sa kanyang kwarto. Iniwan niya itong biglaan at hindi naipakilala nang maayos sa mga kasambahay. Baka nahirapan itong makisama sa kanila.Pagbaba niya mula sa kotse, agad siyang dumeretso sa guest room kung saan naroon si Matet. Ngunit sa pinto pa lang ng mansion, rinig na rinig na niya ang matinis na tawanan mula sa kusina. Dahan-dahan siyang lumapit doon at tumambad sa kanyang paningin si Matet, kasama ang dalawa niyang kasambahay, na masayang nakikipag-kwentuhan habang naghahanda ng kanilang hapunan. Hindi na niya sila ginambala; sa halip, nanatili siyang nakatayo sa pintuan, nakangiti at nakikinig sa kanilang masiglang usapan."Alam mo, Tet, itong si Trina, napalo 'yan ng nanay niya noon kasi ipinatawag sila sa school. Gumawa ba naman ng love letter para sa crush niya at sa ibang tao pa niya ito naibigay! At nang bawiin niya, akala ng nabigyan—para talaga sa kanya ito—pinagtawanan siya. Buti na la
Matet"Nanay Alma, paki hatid po ang señorita niyo sa guest room," tawag ni Javi sa isang katulong ng mansion. Mabilis itong lumapit sa kanila, puno ng kasigasigan."Opo, Señorito," mabilis na sagot nito, may ngiti sa kanyang mga labi."Gandang hapon po," bati niya, bahagyang yumuko bilang paggalang."Magandang hapon din sa iyo, Señorita," balik bati ng katulong. "Sumunod po kayo," sabay kuha sa dala niyang maleta.Bago siya sumunod, nagsalita si Javi, nag-aalangan sa tono. "Magpahinga ka muna sa guest room. Sa hapunan na natin pag-uusapan ang set-up natin." Isang mabilis na tingin ang ibinigay niya bago lumabas ng mansion. Mukhang nagmamadali siya. Hindi na hinintay ang kanyang sagot.Habang sumusunod sa katulong, inilinga niya ang mga mata sa loob ng bahay. Mga mamahaling gamit ang nakapaligid – mula sa mga mapanlikhang muwebles, sa makintab na chandelier, sa mga makasining na paintings, maging sa magagandang kurtina. Napahanga siya ngunit pinilit niyang itago iyon. Ayaw niyang mag-
MATET Maaga pa siyang bumangon kinaumagahan upang ipaghanda ng almusal ang mga bata para sa kanilang pagpasok sa paaralan at upang ayusin ang mga gamit na dadalhin sa mansion ng mga Dixon. “Good morning, Ma,” bati ng kanyang anak nang pumasok ito sa kusina. Tapos na itong maligo at nakabihis na. Lumapit ito sa kanya at tumulong sa paghahanda ng mesa. “Good morning,” sagot niya habang ngumiti. “Nasaan na ang kapatid mo?” “Nagbibihis na rin po,” sagot nito. “Ma, every weekend ba, uuwi ka?” “I'm not sure, nak, pero susubukan ko,” sagot niya, na may ngiti sa labi. Hindi nagtagal, dumating sina Angie, Thea, at Bryle upang mag-agahan. Pagkatapos ng agahan ng mga bata, agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagpaalam sa kanyang ina. “Nay, ikaw na bahala sa mga bata, ha? Tawagan niyo ako kaagad kung nagpapasaway ang mga 'yan,” bilin niya, puno ng pag-aalala. “Naku, huwag kang mag-alala. Mababait ang mga anak mo,” sagot ng kanyang ina. “Mabuti naman kung ganun. Alis na po ako,” an
Pagkatapos ng pagsamba, hinatid sya ni Javi sa karinderya ng ate nya. Bumungad ang mapanghusgang tingin ng mga kustomer na nandun. Binaliwala nya lang iyon. "Magkape ka muna bago ka umuwi", alok nya sa lalaki. Tumango ito. Sumunod sa kanya sa loob ng karinderya at pumuwesto sa isang bakanteng table na andun. " Walang kaming cappuccino coffee dito ha, kaya original coffee lang ang ititimpla ko sayo", ani nyang nakangiti. Sumingaw ang matamis na ngiti sa labi nito. Napansin nyang panay ang sulyap ng mga dalaga sa lalaki. Nagpapansin ang mga ito kay Javi. Samantalang patay malisya lang ang lalaki. "𝘏𝘮𝘮, 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 ", bulong nya sa isip habang tumalikod sa lalaki. Nasa counter ang kanyang ate na may makahulugang tingin sa kanya. " Ano yan ha? mukhang madalas na ang pagkikita nyo nyan? ". Ginawa muna nya ang kape ng lalaki bago sumagot sa kap
"Alex, sa palagay mo, papayag kaya siyang magpanggap na asawa ko?" tanong niya kay Alex.Napatingin si Alex sa kanya, naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya."Sino po ang tinutukoy mo, boss? Si Ms. Matet ba?" ito kasi ang babaeng napag-usapan nilang dalawa noong nakaraang araw.Marahan siyang tumango. Pilit niyang pinupukos ang isip sa mga report na nasa harap niya, ngunit patuloy pa rin siyang nadidistract."Sa totoo lang, boss, hindi ko alam. Kakaiba ang babaeng iyon," matapat na sagot ni Alex. "Subukan mo lang na kausapin siya."Nag-isip siya ulit. "May numero ka ba niya?" tanong niya."Wala, boss. Pero sigurado akong makikita natin ang numero o contact information niya sa reception. Lahat ng guests natin, nakalog-in ang mga personal details doon.""Tawagin mo nga si Roxie at sabihan mong hanapin ang contact details ng babae sa guests list," utos niya.Agad na tumalima si Alex. Pagbalik nito, may dala itong papel na naglalaman ng contact info na kailangan niya. Matagal siyang nak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen