RADEN'S POVNagising ako sa tunog ng cellphone ko, inabot ko sa may ulunan ko ang kinalalagyan ng cellphone. Saka mabilis na dinala sa tainga ko matapos pindutin ang answer button. "Yes," bungad ko sa kabilang linya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Napakunot ako ng putol-putol ang salita ng nasa kabilang linya. Minulat ko ang mga mata ko saka sinipat ang aparato. Mas lalo lang lumalim ang gitla ng noo ko ng makita ko ang pangalan na naka register sa screen ng touch screen phone ko. It's Papa, ano kayang sadya nito. Namatay na ang tawag, pero bigla na naman itong tumunog kaya bumangon na ako. Oo, nga pala nandito pala ako sa remote area kaya mahina ang signal. Napatingin ako sa pinakadulo ng kuwarto kung saan nakahiga si Alexandra, wala na siya roon. Ano na bang oras ang aga naman yata niyang gumising. Sinipat ko ang suot kong relo, alas kuwatro 'y medya na pala ng madaling araw. Tumayo na ako para lumabas at para makasagap ng signal. Tumigil na rin ang pa
Alexandra POV Pinapaulanan na kami ng bala ng mga sumusunod sa amin. Sino ba ang mga ito, hindi kaya kalaban na naman ito ni Bernardo. Lintik na Bernardo ang daming kaaway. "Shit! Bakit nila tayo hinahabol!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw habang nakayuko. "I don't know," sagot in Raden habang bahagya lang nakayuko at nagmamaneho. Pumapasok na ang bala sa loob. Mukhang papatayin talaga kami ng mga sumusunod sa amin. "I think they are going to kill us." "And I think si Brianna na naman ang may pakana nito," sabi ni Raden na kinatigil ko. Bakit ko naman papatayin ang sarili ko, ang bobo mo Raden. Gusto ko sanang ibulalas ang mga katagang iyon, kung p'wede lang. "How are you so sure?" Malamig kong tanong. Saka umayos ako ng upo at bumaling sa likurang bahagi ng kotse at kinuha ang isa kong malaking bag. Kinuha ko ang Calibre 45 ko na baril at mabilis na nilagyan ng bala. "Keep driving, Raden," sabi ko sa kan'ya. Gulat ang rumihestro sa m
Raden's POV "Mind your own business," narinig kong sagot ni Alexandra saka umalis. Hindi na ako nag-abala pang sundan siya ng tingin. She's maybe angry about what happened. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Tumayo ako at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Hindi ko na rin nakita si Alexandra, pumasok marahil siya sa gubat. Pinag-aralan ko ang buong lugar kung saan maari akong pumunta. Napako ang paningin ko sa gubat, tama kailangan kong bumalik sa St. Louis at sa gubat na iyan ang daan pabalik para makalabas sa islang ito. Dapat pala sinundan ko si Alexandra, lumakad na ako papasok sa gubat. Ilang hakbang ang ginawa ko ng makarinig ako ng nag-e-echo na sigaw, nagsiliparan rin ang mga ibon sa gubat. Alexandra. Siya agad ang naisip ko, nasaan kaya siya, bakit siya sumigaw? Mabilis kong sinundan ang sigaw niya kanina, pero napahinto ako ng makakita ng dugo sa mga tuyong dahon ng puno na nagkalat sa lupa. Nag-squat ako at kinapa ang dugo, presko pa ang
Alexandra POV Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, malabo ang paningin ko sa una pero kalaunay luminaw rin. Napasyal ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid, hindi familiar sa akin ang lugar na ito. Nasaan ba ako? Natigil pa ako nang dumako ang paningin ko sa isang lalaki na nakasandal sa bato at nakaupo habang mahimbing na natutulog. Naka halukipkip pa. "Raden?" Anong ginagawa namin dito? Saka bakit siya nakahubad? Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Mukhang kuweba ang lugar na ito. Sinubukan kong bumangon kahit na medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Saka ramdam ko ang panghihina ng kalamnan ko."Ah!" Daing ko ng kumirot ang tagiliran ko. Pero pinilit ko pa ring bumangon.Kinapa ko iyon, saka tiningnan. May pinunit na damit na naka gapos sa tagiliran ko paikot sa bewang ko Ginawang panali iyon, saka ko lang naalala na tinamaan pala ako ng bala. Kung gano'n nakita na pala ako ni Raden. "Alex? You're awake, are you okay?" anang Raden saka mabilis na lumapit s
Nanatili pa kami ng dalawang araw sa loob ng kuweba bago napagpasyahan ni Raden na umalis na sa lugar na iyon. Well, yeah. Siya ang nasusunod, at saka mainam na rin para makapagpahinga pa ako ng kunti. "Ano ba naman 'tong lugar na ito ang daming grass," reklamo ko. Nangangati na kasi ako dahil sa mga damo na nadadaanan namin. "Look at this oh, lampas sa akin ang damo." Wala akong narinig na kahit isang salita kay Raden. Kanina pa ako nagrereklamo pero siya naglalakad lang, parang wala lang at hindi rin nagrereklamo. Ang bilis pang maglakad. "Alam mo Raden kasalanan mo talaga lahat ng ito eh. Kung mabait lang sanang tao ang tatay mo e 'di sana tahimik ang buhay niyo at ang buhay ko." Buhay pa sana ang pamilya ko. Gusto ko sanang idagdag iyon pero nanatili na lang akong tikom bibig. Muntik pa akong mabunggo sa likod niya nang bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Alam mo naiintindihan kita, magreklamo ka man ng magreklamo hanggang sa maputol iyang ugat mo sa leeg.
Alexandra POV "Tayo!" Paangil na utos ng lalaki. Wala akong magawa kun'di tumayo. Nakita ko rin mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Raden. Akmang manlalaban pa si Raden pero palihim kong inapakan ang paa niya. Bahagya pa siyang lumingon sa akin na may kunot sa noo, kaya umiling ako. Sana lang maintindihan niya ang gusto kong sabihin. Wala kaming laban sa mga ito, lamang sila ng armas sa amin. "Sinong nagpadala sa inyo rito? Mga espiya kayo 'no?" anang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nasa likod ko siya, siya ang may hawak ng baril na nakatutok sa akin. Marahan akong umiling. "H-hindi po." Ako na ang sumagot. "Sinungaling, bakit kayo nagmamasid!" Galit na sabi ng isang lalaki rin. Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang nakataas pa rin sa ere ang dalawa kong kamay. Na-alerto naman sila sa ginawa ko. "Pasensya na po, gusto lang sana naming humingi ng tulong," sabi ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ng lalaking nasa harap ko n
Napamulat ako ng may marinig akong ugong ng sasakyan. Bumalikwas ako ng bangon para silipin kung saan galing ang sasakyan. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto ng bintana, may nakita akong mini jeep at lulan ang mga armadong kalalakihan. Medyo nakikita ko sila dahil may kunting liwanag na sa labas pero hindi ko maaninag ang mukha nila. Sa tingin ko alas kuwatro na ng umaga. "Oh, bakit ngayon lang kayo, akala ko patay na kayo eh." Narinig kong salubong ng pinakaboss sa kanila. "Pinuntahan pa kasi namin si Senator Wem." "Kumusta napatay niyo ba?" Tanong ulit nito. May hindi na akong magandang kutob sa pag-uusap ng mga barakong iyon. "'Yan din ang dahilan boss kung bakit kami natagalan. Hindi namin nakitang patay siya dahil nahulog sila sa bangin…" "Sila?" Nilapat ko ang tainga ko sa pintuan ng marinig ko ang pagpasok nila. Gusto kong pakinggan ng mabuti ang pinag-uusapan nila. "May kasama siyang babae boss, magaling makipagbarilan. Ang totoo niyan maraming tao natin a
"BELIEVE na talaga ako sa 'yo, alam kong hindi lang basta-basta self defense ang taglay mo." "I don't want to talk about that, Raden. I'm too drained." "I know, I know," aniya. Naglakad lang kami ng naglakad sa animo walang hanggang kagubatan. Naligaw na kami sa kakatakbo namin kanina, at hindi na namin maalala ang daan pabalik sa kampo ng mga kalaban para sana sundan ang daan nila palabas. Huminto ako nang may marinig akong lagaspas ng tubig. Saka ko naman naramdaman ang matinding uhaw. Kaya mabilis akong pumunta sa ilog. Tahimik lang rin na kasunod sa akin si Raden. Pagdating na pagdating namin sa ilog aý napangiti ako dahil malinaw roon. Mabilis akong naghugas ng kamay saka nagsalok ng tubig sa pamamagitan ng palad ko. Gano'n rin ang ginawa ni Raden. Saka humiga ako sa malapad na bato dahil nakaramdaman na rin ako ng labis na pagod. "Hanggang kailan kaya tayo rito. Kailan tayo makakalabas?" "Hindi ko rin alam," narinig kong sagot ni Raden. Bumangon ako saka pinagma