Share

Chapter 4

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maghanda ng makakain. Nakasanayan ko na rin kasi itong gawin lalo na at isa rin ako sa mga tumutulong magluto doon sa bahay ampunan. Hindi ako sanay na walang gagawin kaya hangga't maaari ay kumikilos talaga ako.

Pagkababa ko ay walang tao pa sa ibaba, malamang tulog pa sila dahil mag aalas singko palang kasi ng umaga. Hindi ko rin alam kung bakit maaga akong nagising.

Dumeritso nalang ako sa kusina para hiwain nalang muna ang mga ibang ingredients para sa lulutuin ko ngayon. Balak ko kasing magluto ng kaldereta.

Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinanap ang switch ng ilaw kasi nga madilim dito sa may kusina at wala akong masyadong makita.

"Anak ng!" gulat kong bulalas at napahawak agad sa dibdib ko.

Maski siya ay bahagya ring nagulat at mukhang nasilaw pa sa pagbukas ko ng ilaw.

Tila parang binombahan ako dahil sa gulat. Pano ba naman kasi , Nandito pala ang lalaking to na nakaupo sa mesa habang may tina-type sa laptop niya. May suot siyang eye glasses at halatang kakagising lang din dahil sa suot niyang manipis na white t-shirt at pajama. Napatingin ako sa isang baso ng gatas na nasa gilid niya.

Bakit ba kasi nakapatay ang ilaw? Edi sana hindi nalang ako tumuloy pa dito kung alam ko lang na nandito pala siya.

"What are doing here" walang emosyon niyang sabi habang tinitignan ako na para bang isa akong walang kwentang bagay. Hindi ako nagpatinag sa kalamigan ng boses niya.

"Magluluto" hindi ko inaasahan na naging tonog na tila parang sinabi ko na 'di ba obvious' ang lumabas sa bibig ko pero kahit ganon ay nilakasan ko nalang ang loob ko na pumunta doon sa ref at binuksan ito.

Ramdam ko ang mga titig niya sakin kahit hindi ko man siya tignan.

"At kailan ka pa natutong magluto? Ni mga gawaing bahay nga ay hindi mo magawa ng maayos, pati pagluluto nga ay inuutos mo pa sa iba"

Napamewang nalang ako ng wala sa oras at huminga ng malalim. Malakas kong isinirado ang ref at poker face na hinarap siya. Gusto na naman yata nitong makipag away sakin.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na gusto ko ng magbago? Kaya nga ito ako ngayon diba?" Sarkasto siyang napangisi at tumayo. Kinabahan tuloy ako.

"Audrey" naging seryoso na ang tono ng pananalita niya " Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. What do you need this time? Sabihin mo lang at pwede ka ng umalis hindi itong binibigyan mo nanaman kami false hope"

Napahinga ako ng malalim.

"Kung ayaw mong maniwala, ayos lang sakin iyon. Hindi kita pipilitin. Ang akin lang ay ginagawa ko ito hindi dahil sa gusto kong makuha ulit ang tiwala mo okay? Ginagawa ko ito para bumawi kahit para nalang kay Kaiden, sa anak mo" napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"A-at sa a-anak ko-rin" naging hilaw ang ngiting naipakita ko sakanya na siyang ikinalamig ng titig niya sakin.

Isinarado na niya ang kanyang laptop at binitbit ito sabay lakad palabas ng kusina pero bago iyon ay tinignan niya muna ako at binigyan ng isang banta.

"Pag sa oras na malaman ko na sinaktan mo nanaman ang anak natin, hindi lang kulungan ang aabutin mo Audrey" tinignan niya ang buong pagmumukha ko. "I'll also make your life miserable kahit na nasa kulungan ka pa" giit niyang sabi. Hindi ko tuloy maiwasang matakot pero bakit kailangan pa niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko?? Tila parang gusto niya yatang makipag suntukan sakin.

***

"Hi Baby Kaiden" bati ko sa bata nang makababa ako sa hagdan, tila naaaliw siyang pagmasdan ang laruan niya habang nakadapa sa sahig. Ang cute!

Kakatapos ko lang kasing maligo at bumaba na agad ako para asikasuhin kung ano pang dapat gawin dito sa bahay. Kakatapos lang din naming kumain at sobrang tuwa pa nina Manang dahil sa luto kong pasok nanaman sa panlasa nila.

Masaya naman kaming sabay na kumain maliban lang don sa isa na kill joy na hindi sumabay samin. Edi kung ayaw niyang kumain sa luto ko edi wag. Bahala siya sa buhay niya. Naiintindihan ko naman yung galit niya kay Audrey eh pero hindi ko talaga mapigilang hindi mainis dahil sa wala talaga akong kinalaman tungkol sa nakaraan nila at ito ako, nadadamay sa mapait nilang buhay pag-ibig na mag asawa.

As usual tinitigan lang ako ng bata pero kahit ganon ay mabuti nalang at hindi na ito tumatakbo o nagtatago sa tuwing nakikita ako.

"Anong ginagawa mo Baby?" lumapit pa ako lalo para tignan ang nilalaro niya.

"Wow! Lego??" mas ako pa yata ang excited na laruin ang laruan niya. Maliban sa matagal ko na ring gustong bumili niyan dati as Camelle ay nakahiligan ko ring maglaro ng mga building blocks dati doon sa bahay ampunan.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at naupo sa sahig. Pinagmasdan ko ng maigi ang laruan niya. Isa itong frog na lego at halos kulay green, black, red at white lang yung mga kulay. Bat naman kaya Palaka? Sa nakikita ko ay ang hilig ng mga bata ay yung mga buildings o di kaya mga barko.

"Ay malapit na pala yang matapos, gusto mo tulungan kitang tapusin yan? I think madali lang yan, diba may mga steps yan pano buuin?" Tanong ko pa sakanya.

Hindi niya ako sinagot bagkus may tinuro lang siya doon sa may bandang sofa na ilang metro lang ang layo samin. Natigilan ako ng makita ang Papa niya na nakaupo pala doon habang hawak yung papel nasa tingin ko ay iyon ang guide sa pagbuo nito, tinignan niya ako pero maya maya lang ay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, maigi niya lang itong binabasa habang busy sa pag assemble doon sa ibang parte ng palaka. Minsan ay humihigop siya doon sa kapeng dala niya.

"Uy! Nandyan ka pala" tanging nasabi ko nalang. Hindi ko talaga siya napansin, kung hindi pa itinuro ni Kaiden yung guide ay hindi ko talaga siya mapapansin dyan.

"Tsk!"

Napangiwi nalamang ako sa naging reaksyon niya. Edi wag! Siya na nga tong pinapansin siya pa yung ayaw.

Biglang dumating si Manang Nelita na may dalang snacks. "Ay Ma'am nandyan ka na pala" ngumiti ako sakanya. Nilapag niya ang tray doon sa mini table ma malapit lang sa pwesto ni Kaiden.

"Kainin mo to Kaiden ha, paborito mo yan" sabi pani Manang at tumango lamang ang bata. Akmang aalis na sana si Manang nang bigla akong nagsalita.

"Manang parang may kamukha noh?" Kinuha ko pa ang palaka na nakabusangot, kahit na hindi pa kompleto ang kanang parte ng mukha nito ay halatang nakabusangot lang ito.

"Po Ma'am?"

"May kamukha" nilakasan ko pa talaga ang boses ko. Napakunot lalo ang noo ni Manang.

"Diba Baby may kamukha tong frog?" yung bata naman ang tinanong ko. Lumapit siya sa lego na palaka at tinitigan ang pag mumukha nito.

"Sino naman ho Ma'am"

"Kamukha ng Sir niyo" matigas kong sabi sabay tingin doon sa lalaki. Lagi kasing nakabusangot kaya nagmumukhang palaka. Saktong umiinom siya ng kape niya kaya ayon napaso at may ibang natapon pa sa damit niya. Buti nga.

"S-si Sir Theo Ma'am?"

Eh? Theo? Theo pala ang pangalan ng lalaki.

"Diba Baby? Kamukha ng Tatay mo? " napalingon si Kaiden kay Theo na nakabusangot na ang mukha sakin. Akmang iiling sana si Kaiden pero bigla akong lumapit sakanya at bumulong.

"Bibigyan kita ng chocolate pag dito ka kumampi sakin" mabilis kong sabi at agad na napatango ang bata na siyang ikinatawa ko. Napailing nalamang si Manang bago tuluyang bumalik sa kusina.

"Can you stop?" inis nitong sabi dahilan na napalingon ako sakanya.

"Ang alin?" Maang maangan ko pa. Asar talo kaya bahala siya diyan.

"Audrey" magbabanta nitong sabi pero hindi ako nagpatinag.

"Ang alin nga?"

"Titigil ka o palalayasin——

"Chill lang" pagputol ko sa sasabin niya ,napataas nalang ang kamay ko na parang sumusuko. "To naman di mabiro"

Tumayo siya na siyang pagkabog ng dibdib ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya dito sa kinaroroonan namin. Naupo siya sa sahig at inilagay ang parte na binuo niya sa katawan ng palaka.

"And here" usal niya. "The frog is now complete"

Namangha ako dahil buo na ang lego. Nagningning ang mukha ng bata.

"Thank you Papa" masayang sabi ni Kaiden at niyakap pa ang papa niya. Napangiti nalamang ako sa moment nilang dalawa.

"You're welcome Baby" hinalikan pa niya ang noo ni Kaiden at ginulo pa ang buhok ng bata na siyang ikinabungisngis nito.

Napaayos ako ng upo ng tinignan ako ni Kaiden habang nanatili siyang nakakandong sa papa niya at nakayakap sa leeg nito.

"Mama"

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. First time na tinawag at pinansin niya ako. Hindi ko alam ang isasagot. Pati si Theo ay hindi inaasahan ang pagpansin sakin ni Kaiden.

"Are you really staying here with us?" tanong nito. Napatingin ako kay Theo na naghihintay sa magiging sagot ko.

Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Yes Baby. Babawi si Mama sayo"

"Really?" Matamlay na sabi nito na halatang hindi pa sigurado kung maniniwala ba siya sakin.

"Hmm, hindi na kita iiwan ulit"

Wala ng reaksyon ang bata at tinitigan nalang ako. Ilang segundo lang tumayo si Theo at maayos na binuhat si Kaiden.

"Let's go outside Baby, Papa will gonna teach you how to ride your bike okay?"

Masayang napatango ang bata at dahil sa excitement ay nagpababa ito kay Theo at ito na mismo ang tumakbo palabas ng bahay para puntahan iyong bike.

"Come on Papa"rinig ko pang sigaw ng bata galing sa labas ng bahay.

Napalingon sakin si Theo at mukhang disappointed sakin na parang galit na ewan. Hindi ko matukoy ang reaksyon niya.

"Stop giving him false hope again, Audrey. Ang problema sayo ay masyado kang magaling sa salita but you really suck at fullfilling it" Pagkasabi niya ay agad na niya akong iniwan dito sa sala at agad na lumabas para sundan si Kaiden.

Ako naman ay nanatiling nakaupo parin sa sahig at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kahit na hindi naman talaga ako si Audrey. Ganon ba talaga kalaki ang galit niya kay Audrey kaya naging mahirap na para sakanya na paniwalaan ang mga sinasabi ko?

Ano ba kasi talaga ang kwento nilang dalawa ni Audrey.

*********************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status