2/2 kung nababagalan po kayo sa update ko, may completed novels na rin po sa iba, doon hindi na kayo maghihintay. thank you sa mga kaya maghintay ng UD kasi araw-araw naman ginagawa ko. ayun lang, salamat sa pagbabasa. :) —Twinkle ×
HINDI na pumasok sa company si Kevin at nagkita sila ni Chlyrus. Pinuntahan niya ito sa HQ at dire-diretso naman siyang nakapasok doon. Kevin found Chlyrus arranging some of his documents. Noong makita siya ni Chlyrus ay tumango ito sa direksyon niya. Umupo si Kevin sa bakanteng sofa na nasa loob ng office nito. Pagkatapos mag-ayos ni Chlyrus, nagsalita ito. “So why are you here?”“…I broke up with Ashianna.”Natigilan si Chlyrus at napatitig ito kay Kevin. Sa huli, wala itong nagawa kundi ang bumuntong hininga. “She didn't take the break up well that's why you're here?” tanong nito. Tumango si Kevin. Parang naglalaro si Kevin bilang double agent dahil pumayag siya na maging boyfriend ni Ashianna dahil may gusto itong paghigantihan. Walang alam si Ashianna na kaya pumayag si Kevin ay dahil iyon ang gusto ni Chlyrus. When Ashianna approached Kevin, Chlyrus was already aware of it and Chlyrus told Kevin to agree with Ashianna's plan. Naguguluhan man sa koneksyon ni Ashianna at Chlyr
HINAHANAP ni Serena si Kevin kinabukasan sa kompanya ngunit hindi niya nakita ang lalaki. Dala-dala niya pa naman si Chiles at Lavender upang sorpresahin si Kevin. Halos dalang linggo na si Chiles na nasa kanya at alam ni Serena na nami-miss ni Kevin si Chiles.Ngunit siguro ay iniisip nito na matagal siya na nawala kaya iniwan nito sa pangangalaga ang anak nila. Kaya nga sinama niya ang anak sa company. Gamit ang special card key na galing kay Nathan para maakyat si Chiles sa top floor, dinala ni Serena ang dalawang bata. Si Lavender ay kasama niya rin dahil walang naiwan sa ancestral house bukod sa mga katulong. Lumipad patungong States sila Don Constantine para sa parents ni Serena at busy rin halos lahat ng mga tito at mga pinsan niya ay may kanya-kanyang misyon. Kauuwi lang ni Lavender galing Switzerland. Doon sa bansang ito at sa New Zealand madalas manatili si Lavender. Hindi ito madalas dito sa Pilipinas dahil iniingatan ni Chlyrus ang katauhan ni Lavender. Bago pa siya buma
“ELLA, do you know her?” Iyon ang naging tanong ni Serena kay Lavender na titig na titig pa rin kay Ashianna ngayon. Si Ashianna ay halos mawalan na ng kulay ang mukha at nanginginig ang labi nito, parang may gustong sabihin ngunit walang maisatinig. “Ella?” ulit ni Serena. Sandaling sumulyap si Lavender kay Serena at ngumiti lang si Lavender sa kanya.“I-Ikaw ang batang iyon?” halos bulong na ani Ashianna. Naluluha ang mga mata ni Ashianna habang nakatitig kay Lavender. Napalingon si Serena kay Ashianna, tinitigan ang mukha ng babae at may kung anong emosyong siyang nabasa roon habang nakatitig si Ashianna kay Lavender. Galit? Dismaya? Panghihinayang? Pagsusumamo? Halo-halo iyon na nakita ni Serena na mas lalo niyang kinataka. “H-How can he have a child with someone else but he killed my baby? That's so unfair. He ruined my life but instead of having retribution, he's still blessed with a child while I lost mine! He's still well! And you're alive while my baby is dead! You're the
DAHIL masama ang tingin ni Serena kay Kevin, napahakbang si Kevin papunta sa asawa at marahan ang boses na nagsalita. “Is there a problem? Did I do something wrong?”Nanatili ang masamang tingin ni Serena kay Kevin at hindi umiimik. Dahil doon, gumuhit ang gitla sa noo ni Kevin. Maybe Chiles couldn't take it anymore that he told Kevin what happened. “Dada, Tita Ashianna went here and he shouted at Mama. She also made my Ate Lavender cry.”Lavender? Nagtaka si Kevin sa narinig. Who's Lavender? Saka nito nakita ang bata na kalong ni Serena. “She's Lavender?” tanong ni Kevin patungkol sa bata. Tumango si Serena ngunit nakanguso pa rin, halatang may inis pa rin kay Kevin. “Pamangkin ko 'to, si Emerie Lavender o Ella. Nag-iisang anak ni Chlyrus.”Kevin's eyes went wide when he heard that. Chlyrus has a daughter and she's here in front of him? Saka napatitig si Kevin kay Lavender na tahimik na nakatingala kay Kevin ngayon. Doon ni Kevin nakita ang resemblance ni Chlyrus sa batang kahara
PUMASOK pa rin si Serena kahit na alam niyang may mga taong naniniwala sa usap-usapan na third party siya sa ‘relasyon’ ni Kevin at Ashianna. Bakit naman siya mahihiya at magtatago kung alam niya sa sarili na hindi naman siya ganoong klaseng babae? Yes, she planned to snatch Kevin away from Ashianna. Pero hindi naman siya third party dahil una pa lang naman, asawa niya si Kevin. Walang nangyaring hiwalayan nilang dalawa at kahit na sandaling naligaw sila ng landas ni Serena, tiwala pa rin siya na maaayos nila ni Kevin ang mayroon sila. Kailangan lang talaga ng mahaba at seryosong usapan para mailagay na sa tamang direksyon ang relasyon nila. Pero may maliit pa rin si Serena na agam-agam. Paano kung masyado lang palang malaki ang tiwala niya kay Kevin ngunit nagkaroon na pala ito ng feelings kay Ashianna? Paano kung… paano kung kaya lang ganito ang turing sa kanya ni Kevin ngayon dahil nami-miss lang nito ang presence niya pero pagkatapos lumipas noon, mawawala rin iyon at si Ashiann
SUMABOG ang ingay dahil sa announcement na ginawa ni Kevin. Puno ng pagtataka ang mukha nila dahil sa ginawa nitong pagsasabi na asawa nito si Serena. Si Serena na isa sa company staff! Paano nangyari iyon? Nathan, on the side, whistled slowly. Mabuti at ganito ang ginawa ng pinsan. Dahil kung hindi, Nathan would really be disappointed in Xavier. Matagal na dapat nito ginawa ang pag-announce na asawa nito si Serena at hindi lang ngayon.From what Nathan could see, it's because of this late announcement that the problem arises. Kung una pa lang sana na ginawang public ni Xavier na kinasal ito kay Serena, walang Helia Tatiana. At mas lalong walang Ashianna Lopez dapat. But what could he do? He's just a bystander. Even if he really wanted to advise his cousin, at the end of the day, it's Xavier's decision what he will choose, right? Now, Nathan is happy to see that Xavier and Serena will have an ending that they really deserves. Binalik pa niyang muli ang tingin sa pinsan na nasa stage
GUSTUHIN mang kumawala ni Ashianna ay hindi niya magawa. She was held captive by no other than Chlyrus! Isa rin naman kasi siyang bobo't kalahati. Susugod-sugod siya sa property ni Chlyrus nang hindi nag-iisip. She thought that she could make him fall to his knees, that he could beg for her to just kill him. Delusion is sweet but reality is cruel. Kung dati ay malakas na si Chlyrus, ngayon ay mas bihasa na ito sa self defense na agad nitong nadis-armahan si Ashianna na sumugod sa lungga nito. After her confrontation with that so-called wife of Kev, Ashianna was so angry that she couldn't swallow her breath. Sobrang galit ang nararamdaman niya lalo't nakita niya ang buhay na patunay na niloko siya ni Chlyrus. That daughter of his should die instead of her baby! Hindi man lang binigyan ng tsansa ni Chlyrus na mabuhay ang anak nila pero ang anak nito sa ibang babae ay binuhay nito! How could he? How could he?! He's living a carefree life, while she's left to pick up the shattered pie
NATAPOS na ang announcement ni Kevin at hinatid na ni Kevin si Serena sa ancestral house kung saan si Serena nakatira ngayon. Kevin booked an immediate flight when he found out that there was a rumor about Serena being his mistress. Si Nathan ang nagsabi kay Kevin ng balita kaya kahit hindi pa talaga tapos si Kevin sa ginagawa nito sa ibang bansa, inasikaso lang nito ang mga importante at saka iniwan ang secretary nitong kasama sa ibang bansa para ayusin ang hindi pa natapos na gagawin. Kevin even called Secretary Lim who's managing Kevin's other business to temporarily guide his new secretary. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, hindi na nagpahinga si Kevin at dumiretso ito sa SGC Convention para mag-arrange ng internal meeting. At doon ni Kevin ia-announce ang totoo. Now, they're here at Fuentes Ancestral House. Si Serena lang ang naroon, mga pinagkakatiwalang katiwala ng pamilya, at ang mga bata na sila Catherine, Chiles, at Lavender. Nagmamadaling umuwi si Serena dahil walang
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i
Chapter 83“HINDI naman ako nang-aasar,” kibit-balikat ni Chastain sabay tingin kay Patricia nang inosente. “Nagkataon lang na nadaan ako tapos nakita kitang naka-upo doon na parang binagsakan ng langit, mukha kang multo. Baka mamaya matakot ang mga dumadaan, kaya nilapitan kita.”Naiirita na si Patricia sa mga sinasabi niya kaya nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.“Uy Patricia, tingnan mo Daemon mo, lagi na lang wala, puro trabaho. Eh di ako na lang, bakit hindi mo ako subukan?” Parang linta si Chastain, ayaw talaga bumitaw.Medyo nainis si Patricia. “Ang dami-dami mong pwedeng landiin, bakit ako pa?”Lalo pang lumawak ang ngiti ni Chastain nang makita ang itsura niyang asar. “Wala namang thrill kung yung naghihintay sa 'kin ang lalapitan ko. Mas masaya yung gaya mo na ayaw sa 'kin, masarap asarin.”Wala nang nasabi si Patricia. Napaka-awkward na nga ng sitwasyon niya, tapos ginagago pa siya nito?Kung sino man ang makakita sa kanila ngayon, siguradong maguguluhan. Hindi naman niy
Napabuntong-hininga si Daemon at agad tumawag ng waiter. “Palitan niyo ‘to.”“Gawin niyong hindi masyadong maanghang.”“Hindi pwede….” bulong ni Patricia. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya mahilig sa maanghang, pero dahil matagal na siyang umiiwas dito, parang gusto niyang magpakasaya ngayong gabi at pasayahin ang dila niya.Pero matigas din ang paninindigan ni Daemon. “Change it.”Tumingin ang waiter kay Daemon, tapos kay Patricia… at sa huli, sumunod kay Daemon. Kasi halatang isa mukhang mamamatay-tao, at ang isa mukhang cute na kuneho.Wala nang nagawa si Patricia kundi panoorin na lang habang kinukuha ang maanghang niyang sabaw at pinalitan ng malinaw na sabaw na parang tubig. Ayos na rin, makakapagpapayat pa siya lalo.Pero kahit anong klase pa ng sabaw, maging maanghang man o hindi, pareho lang ang tingin ni Daemon, para sa kanya, puro junk food lang ito at para lang sa mga taong tulad ni Patricia na mahilig kumain. Pero siya, kahit matakaw, gulay lang ang pwedeng kainin da
Chapter 82KUMISLAP agad ang mga mata ng stylist at nakatitig kay Daemon habang nakangisi ng puno ng kung anong ekspresyon ang mukha. “Oo, oo, ganyan nga… tuloy mo lang!”Yung mga babaeng kanina pa nakatitig sa mga gwapong lalaki sa beach, napalingon na rin sa kanila nang dumating si Andrei at ang pinsan niya , at ngayon, lahat ng tingin ay kay Daemon…“Ahhh! Ang gwapo niya, sino ‘yan? Bago bang model?”“Tsk tsk tsk, grabe ang dating nung nagtanggal ng damit... gusto ko siyang lapitan at hawakan…”“Hi gwapo! Dito ka tumingin, please!”…Parang walang pakialam si Daemon sa mga tukso at sigawan. Tiningnan lang niya si Patricia na parang gusto na talagang maglaho sa hiya, tapos dumako ang tingin niya sa mga butones ng kanyang polo. Tinaas niya ang kilay at nagsalita. “O, ikaw na magtanggal nito.”“…Patanggal mo sa lelang mo!” Gusto na lang ni Patricia na maghukay ng butas at pumasok dun… Yung photoshoot na dapat ginagawa, naudlot na tuloy. Lahat ng mata nakatutok kay Daemon ngayon. Anong
Napakunot-noo si Andrei. “Eh ‘di anong plano mo? Gusto mo ba gupitan mo katawan mo at idikit sa akin para magmukha akong macho?”Napa-roll eyes si Patricia. “Hindi ito ang time para magbiro!”Tumango si Andrei. “Eh anong plano mo? Hindi naman puwedeng tumaba agad. Wala na tayong oras.”Napaisip si Patricia. Tumingin sa pinsan ni Andrei…Napakunot-noo ‘yung pinsan. “Bakit mo ako tinitingnan? Hindi naman ako artista.”“Di ba malakas na ngayon ang editing apps? Puwede kayong dalawa ang mag-shoot, tapos pagsamahin na lang kayo sa final edit.”“Magkakaroon ka na ng muscles!”Parehong napaisip ang dalawang lalaki. Gagana kaya ‘yon?---Araw, buhangin, at mga gwapong lalaki sa dalampasigan…Pagdating nila sa shoot location, doon lang nalaman ni Patricia na hindi lang pala si Andrei ang kasama sa photoshoot, may kasama pang mga sikat na male models.Kaya buong beach, punong-puno ng magagandang lalaki na may iba’t ibang style.Kahit nakasarado ang buong lugar, ang daming babae sa labas ng barr
Chapter 81NANG marinig ni Daemon ang boses na 'yon, agad siyang napakunot ang noo.Sanay na si Sylvia sa malamig at walang pakialam na ugali niya. Nilapitan niya si Daemon na parang walang nangyari, ngumiti at niyakap ang braso nito. “Ang tagal na nating hindi nagkita. Kahit gaano ka ka-busy, dapat may oras ka pa rin para sa fiancée mo, ‘di ba?”Halatang pinipigil na ni Daemon ang galit niya. Matalim ang tono ng boses niya. “Sino ang nagsabi sa 'yo na pumunta rito?!”Hindi inaasahan ni Sylvia na ‘yon ang unang sasabihin ni Daemon at mas lalong hindi niya inakala na magiging ganon kasama ang tono nito. Sandali siyang natigilan, tapos sinuntok niya nang mahina ang braso ni Daemon. “Ano bang ibig mong sabihin, Daemon? Fiancée mo ako, wala naman sigurong masama kung pupunta ako sa bahay mo?”Matigas na tinanggal ni Daemon ang kamay ni Sylvia. Matalim ang tingin niya. “Alam mo naman kung bakit tayo napilitang magkaroon ng engagement ‘di ba? Huwag mo na akong guluhin. Kung hindi, mapapahiy