My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

last updateLast Updated : 2025-12-09
By:  DracarysOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
24Chapters
221views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

"Ano?! Palagi na lang bang ganito? Ano bang problema mo at palagi na lang ako ang pinupuntirya mo?"

"Bakit ikaw ang pinupuntirya ko?! Dahil wala kang trabaho! Ako na lang palagi ang kumakayod para sa pamilyang 'to!"

Nakatulala na lang ako sa hinuhugasan kong plato habang pinakikinggan ang sigawan nina Mama at Papa sa isa't isa. Nakakapagod makinig. Paulit-ulit na problema ang palaging pinagtatalunan nila.

"Alam mo, hindi ko naman sinabing magtrabaho ka, e! Ikaw ang may gusto n'yan, 'di ba? Ang magtrabaho sa club?" tanong ni Papa.

"Ginusto kong magtrabaho dahil kung hindi ko gagawin 'to, anong kakainin natin sa araw-araw, ha?! Ikaw? May ginagawa ka ba para makakain tayo?! Wala! Wala ka kasing kwenta!" sigaw ni Mama.

Hindi ko iniinda ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko. Tinapos ko ang hugasin ngunit sila ay nananatili pa rin sa walang hanggang pagtatalo.

"T*ngina ka naman, e! Kung ganito lang din, mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo! Wala kang kwentang kausap! Nakakasawa ka! Magpakasaya ka sa mga lalaking ine-entertain mo sa club!" sigaw ni Papa bago siya umalis. Pabalagbag pa niyang sinara ang pinto matapos niyang lumabas.

Nang tignan ko ang gawi ni Mama, napansin ko ang pagsapo ng mga palad niya sa kaniyang mukha. Umiiyak na naman siya.

"M-Mama..." sambit ko kay Mama nang lapitan ko siya. Hinawakan ko ang balikat niya at hinaplos ko ang likod niya.

"P*tang*na niyang Papa mo, S-Senra. Kahit kailan, h-hindi na nakatulong dito sa bahay. P-Puro alak at sugal ang inaatupag niya. N-Napapagod na ako," sambit ni Mama. Naluluha na lang ako sa labis na awa kay Mama. Hindi ko naman alam kung ano ang maipapayo ko sa ganito naming problema.

"T-Tahan na po, Mama. H-Hayaan po ninyo, magtatrabaho na lang din po ako para may—"

"Hindi. Hindi, anak. H-Hindi mo kailangang gawin 'yan. Nag-aaral ka pa. M-Mas mabuti pang tapusin mo ang pag-aaral mo k-kaysa matulad ka sa 'kin," sabi ni Mama. Hindi na lang ako umimik, sa halip ay niyakap ko siya nang mahigpit.

HABANG nasa room at abala ang guro namin sa pagtuturo ay hindi ko maiwasang mag-isip kung paano ko matutulungan si Mama. Alam kong hirap na hirap na siya kaya mas maganda sana kung magtatrabaho na lang din ako.

"Ms. Lazurel!"

Napatingin ako sa guro na ngayon ay seryosong nakatingin sa direksyon ko. Napansin ko rin na nakatingin din sa 'kin ang mga kaklase ko.

"Bakit hindi ka nakikinig?! You're mentally absent!" sigaw pa ng guro.

"S-Sorry po—"

"Get out of this room! Now!"

Ramdam ko ang tindi ng kahihiyan sa loob ko, kaya't kahit labag sa loob ko ay lumabas na lang ako ng klase. Naupo ako sa sahig at hindi ko na napigilan pa ang lumuha.

Hinintay kong matapos ang klase hanggang sa mag-ring ang bell bilang hudyat na lunch break na namin.

"Senra! Halika na," tawag sa 'kin ng kaibigan kong si Heriane nang makita na niya ako. Nagpunta kami sa canteen para makakain na kami ng pananghalian.

Sa pag-upo namin, tulala pa rin ako at wala sa sarili.

"Beh, a-ano bang nangyayari sa 'yo? May problema ba?" tanong niya.

"H-Heriane, ipasok mo naman ako, oh?" sambit ko sa kaniya. Medyo napakunot pa ang noo niya sa sinabi ko.

"Ipasok saan?" nagtatakang tanong niya.

"Sa work mo."

"A-Ano? T-Teka, bakit? Bakit mo naman naisipang pumasok do'n?" tanong pa niya bago siya lumapit sa 'kin at bumulong. "Beh, pinapaalam ko lang sa 'yo for a thousand times, ha? I'm dealing with men's pleasure. Katawan ang puhunan ko rito."

"Alam ko," sagot ko.

"E alam mo naman pala, e. Bakit mo gustong pumasok?" tanong pa niya.

"A-Ayoko ng mahirapan si Mama. Siya na lang ang nagtataguyod sa 'kin. Si Papa, hindi naman maasahan. Nakokonsensya ako," sagot ko. Napakamot si Heriane sa buhok niya.

"Senra naman, kung nahihirapan ka sa ganitong sitwasyon, mas lalo naman kung magtatrabaho ka na. Malapit na rin naman tayong magtapos, e. Kaunting tiis na lang."

Huminga ako nang malalim. Mukhang hindi ko na mahihintay pa ang pagtatapos namin kung ganito naman ang problemang dala ng pamilya namin.

"Heriane, please? Nakikiusap ako sa 'yo, ipasok mo na lang ako sa work mo. Kahit ano naman, kaya kong gawin, e. Sige na."

Nakatingin sa mga mata ko si Heriane na may awa at pagdadalawang-isip.

"Tss! Susubukan ko, ha? H'wag kang umasa nang buo," sabi niya. May kinuha siyang isang card at binigay sa 'kin. "Ito yung address. Dalhin mo 'yan at pumunta ka sa club kung saan ako nagwo-work. Baka matanggap ka on the spot."

Kinuha ko ang card na 'yon at ngumiti sa kaibigan ko.

"Maraming salamat, Heriane," sagot ko habang nakangiti sa kaniya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

KYOCHIEE
KYOCHIEE
Highly recommended. 🫶🫶
2025-11-26 15:24:36
0
0
24 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status