Home / History / Yugto / Kabanata 2

Share

Kabanata 2

Author: Fourthpretty
last update Last Updated: 2021-07-28 14:24:46

“Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag. 

Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.

“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.

Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno. Ilang metro lamang ang layo ng punong iyon sa kinatatayuan ng binata. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyyang dibdib at nakadadag pa rito ay ang hindi niya maipaliwanag na pakiramdam nang muli niyang makadaupang-palad ang binata.

Rinig ang napakalakas na musika na nanggagaling sa mga orkestra.ang musika nito ay nakadadagdag nang enerhiya sa mga taong naroroon sa kasiyahan. hindi na maalis ang paningin ni Mina sa mga musikero dahil ngayon pa lamang siya nakaranas ng ganitong pagdiriwang.

Mayroong mga nagsasayawan  at ang iba naman ay sinasabayan ng palakpak ang bawat tnog ng  musika. Malalim na ang gabi, ngunit napakasigla pa rin ng lahat at ng pagdiriwang. Kita sa mukha ng bawat tao ang totoong kasiyahan. Naglakad-lakad si Mina hanggang sa marating siya ang tahimik na lugar sa hacienda, ang hardin. Napangiti siya nang makita ang kumpol ng mga sampaguita. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng bullak at pumitas siya.

“Napakabango mo talaga sampaguita,”usal niya habang nakapikit na nilalanghap ang bango ng bulaklak. “Tama ka binibini, mabango nga an bulaklak na iyan,”Napamulat siya ng mata atat agad niyang tinakpan ng balabal ang kaniya mukha upang ikubli ang kaniyang hitsura.

“Huwag mo nang ikubli ang iyong napakagandang mukha binibini sapagkat kanina pa kita pinagmamasdan,”Nanlaki ang mata ni Mina nang marinig niyang muling ang boses na iyon na papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Dahan-dahan niyang nilingon ang pinagmulan ng  malambing na tinig na iyon at napataas ang kanniyang kilay nang makita ang isng binatilyo. seryoso itong nakatingin sa kaniya.

Nakasuot ito ng damit na may mahabang manggas at sumbrero na may kaunting sira at butas. “Isang bata muli,”usal ni Mina na may pag-aalinlangan. Biglang sumimangot ang mukha ng binatilyo at saka ito hinubad ang suot na  sumbrero. “Paumanhin , ngunit hindi na ako isang bata tulad ng iyong tinutukoy,”sambit nito at saka nito inilapat ang sumbrero nito sa kanyang dibdib upang ipahayag ang kaniyang pagbati. Mahina namang natawa si Mina ngunit napawi rin iyon nang mapagtanto niya na ibang taoang nasa kaniyang harap at kasalukuyan siyang kinakausap.

“Hindi ka ba natatakot sa aking hitsura bata?”tanong niya at saka niya tinalikuran ang binatilyo. “Bakit naman kita katatakutan at inuulit ko hindi na ako isang bata, dahil isa na akong ganap na binata,”giit nito at saka pinag-krus ang dalawang braso.

“Joselito!”kapwa silang napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nanlaki ang mga mata ng binatilyo at saka niya hinila sa braso si Mina at dinala sa mahalaman na bahagi ng hardin“jose nasaan ka?”sigaw pang muli ng tinig na papalapit na kinaroroonan nilang dalawa.

Agad namang binitawan ng binatilyo ang braso ni Mina nang mapagtanto niyang hawak-hawak niya pa rin iyon.“Siya iyon!”Napahawak si mina sa kaniyang sariling bibig nang masambit iyon. Kunot noo siyang nilingon ng binatilyo. Ilang sandali pa ay umalis na ang lalaki at dahan-dahan na silang lumaba sa kanilang pinagtataguan.

“Ano ang iyong sinabi?”tanong ng binatilyo kay Mina na agad rin niyang iniligan. “wala akong sinabi,”giit ni Mina. “Ano ang iyongg ngalan?”tanong niya at saka niya muling tinakpan ng balabal ang kaniyang mukha. Napatikhim ito at hindi na makatingin nang diresto sa mata ni Mina. 

“A-Annaceto,”

“Ginoo, hinahanap niyo ba si Ginoong Joselito?”Napalingon si Joeliano kay Mang Pitong na kanilang kutsero. “Opo Man Pitong, nakita niyo ho ba?” Napakamot naman sa ulo si Mang Pitong at saka inalala kung saan niya huling nakita ang binatilyong si Joselito.“ Ah! siya ay huli kong nakita sa tabi ng mga musikero ngunit ibang kasuotan ang kaniyang suot.”sambit nito habang nakakunot ang noo.

“Maraming salamat po, Mang Pitong,”saad ng binata at saka niya tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng mga musikero.

“Ihinto ang pagdiriwang na ito!”natigilan ang lahat at agaw pansin ang pagdating  ng mga guardia civiil at dalawang lalaki na nakasuot ng pangmagsasaka. Nakatali ang mga kamay nito sa likod  at may natamo na rin ang mga itong sugat at pasa. nakaagaw pansin rin ang paglabas ni Heneral Edilberto. “Anong kaguluhan ito?”Sigaw nito.

“General, vimos a estos dos atreverse a entrar a su oficina, ”(General, we saw this two  farmer enter to your office,) saad ng isang guardiia civil at saka nito itinulak ang isang lalaki dahilan upang mapaluhod ito. Napuno nang bulong-bulungan na nakalikha rin nang kaunting ingay. Nadako ang paningin ni Joeliano kay Henerral Edilberto. Ngumiti ang Heneral na ikinakunot ng noo niya. Ngumiti ito at saka tinanguan ang dalawang guardia civil.

“Sadya ngang napakatigas na ng iyong ulo, Mina. Lumabas ka nang hindi namin nalalaman!”Nakayuko lang si Mina habang pinakikinggan ang lahat ng sinasambit ng kakniyang ama. Nasa acienda pa siya ng Heneral nang biglang dumating ang kaniyang amma at ina. “Ama, ano ho ba ang nangyari kanina sa pagdiriwang? Tila nakikilala ko ang isa mga lalaki na hawak ng isang guardia civil,“ usal ni Mina habang nakayuko pa rin ang ulo.

Natigilan naman si Marcelo at diretsong napatingin sa kaniyang anak. Kilala niya ang lalaking bihag ngayon at alam na niya ang kahahantungan ng buhay ng kaniyang naging kaibigan. Kamatayan lamang ang tanging parusang ipapataw sa kaniyangg kaibiggan. Maswerte na langg kung maililigtas sya ng ma rebeldeng kiinaaniban ni Manding. 

Nakatayo si Joeliano sa tapat ng bintana at pinagmamasdan ang hatinng buwan sa kalangita. Tahimiik na ang buong paligid kaya naman mas lalong tumitindi ang kaniyang malalim na pag-iisip ukol sa nangyari sa pagdiriwang. Pamilyar sa kaniya  ang isang lalaking nadakip ng mga guard sapagkat minsan na niya itong nakiika'y kaniyang pagagalittansa bukirin ng Heneral. nadako ang panigin niya sa ibaba nang may marinig siyang pagkaluskos doon. “Sino ang nariyan?”Aniya  at saka niya inakyat ang bintana at maingat na kumapit at mabilis na lumundag paibaba.

“Sino sabi ang nariyan?”ulit pa niya at dahan-dahan na naglakad palapit sa halamanan  kung saan niya naririnig angg pagkaluskos. Akmang sisipain na niya ang halaman upang makita ang taoong nagkukuli roon ngunit agad rin itong lumabas . “Kuya naman ako ito  ang iyong kapatid,”saad ni Joselito habang nakataas ang dalawang kamay.

“Jose, ano bang ginagawwa mo at sandali nga, ano na naman ba iyang suot mo saan at ka nanggallinng, hidni kita matagpuan sa pagdiriwang?”sunod-sunod na tanongniya sa  kapatid. “Isa-isang tanong lang kuya,”nakangusong turan ni Joselito.

“Una, nagsuot ako nnito ddahil nais kong maranasan ang maging isang pangkaraniwang binatilyo. Pangalawa, nanggaling ako sahacienda ni Heneral Edilberto at pangatlo, narito ako sa halamanan dahil nais ko nang magpalit ng kasuotan dahil baka ako ay mamamtaan ni ama na gganito ang aking suot at ayokong mapagalitan.”dire-diretso niyang sabi at maglalakad na  sana siya papasok nang hawakan siya ng kaniyang nakatatanndang kapatid sa damit.

“Nariyan sa sala si ama a siguradong ika'y kaniyang pagagalitan. ”sabi ni Joeliano at saka itinuro ang kaniyang bintana sa taas kung saan siya nanggaling. “ Akyatin mo ang aking bintana  at doon ka dumaan patungo sa iyong silid,”dagddag pa ni Joeliano na ikinalaki ng mata ni Joselito. 

“Ano? nasisiraan ka na ba ng bait kuya, paano kung mahulog ako at mamatay, hindi ka ba natatako na mawalan ng kapatid?”nakangusong giit ni Joselito.

“Bahala ka na sa iyong sarili kung nais mong makatanggap ng sermon ni ama.”natatawang sabi niya  at saka siya nagsimulang naglakad. “Kuya, huwag mong sabihin kay ama, susundin ko na ang iyong nais.”saad ni Joselito at saka siya nag-umpisang akyatin ang daan paakyat sa bintana ng kaniyang kapatid. Napahalakhak na lamang si Joeliano nang marinig nang marinig ang huling sinabi ni Joseelito. Wala naman talaga ang kanilang ama sa sala dahil hindi pa ito umuuwi ggalingg sa haciennda ng Heneral.

Nagpalinga-linga si Joeliiano sa paligid sa pag-asang muuli niyang makita ang kakaibang babaeng kaniyang nakita mismo sa lugar na ito. “Sana nga  ay masilayan kitang muli,”usal niya att saka siya naglakad papunta sa puno kung saan niya nakita ang diwata  noong nakaraang araw. 

“Hahanapin ko ang ginoong iyon o hindi,”Natigilan sii Joeliano nang marinig  ang tinig ng isang babae na nagmumula sa likod ng isangg malaking pun. Kumunot ang noo niya nang makita ang nagkalat na puti at maliit na talulot. Dahil sa pagtataka ay pinulot niya ang talulot at saka inamoy. Napaikit pa siya nang mapagtanto niyang  amoy iyon ng  sampaguita. Naglakad pa siyang muli at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang isang binibining nakaupo at nakasandal sa pun, may rin itong maraming bulaklak ng sampaguita.

Gano'n rin ang naging eaksyon ng dalaga. Agad itong tuumayo at nagtago sa puno. Hindi na niya nagawa pang itago ang kaniyang mukha dahil hindi niya nadampot ang kaniyang balabal kung saan siya mismo nakaupo. Napahawak na lamang siya sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang pagkabigla. Ano na ngayon ang kaniyang gagawin? hindi siya maaring tumakbo o maatiling magtago sa likod ng puno.

Mabilis ang pagtibok ng puso ni Joeliano habnag pinagmamasdan ang balabal sa kaniyang kamay.. Sigurado siyang natagpuan na niya ang binibining kaniyang hinahanap at ang tanging pagitann na lamang na siyang naglalayoo sa kanilang dalawa ay ang punong saksi ng kaniyang pagnanais na makitang muli ang babaeng kaniyang hinahangaan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status