"Napadilat ng mata si Mina nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniyang pulso. Mabilis na nadako ang kaniyang paningin sa isang lalaking nakasuot ng antipara sa kaliwang mata. (monocle)"Huwag kang mag-alala maayos na ang kaniyang kalagayan, siya’y nilalagnat pa rin ngunit hindi na gano’n kataas," saad nito at saka napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda."Maraming salamat." Turan ni mayor doma Emilda na agad ring tinanguan ng lalaki at naglakad na ito papalabas ng silid."M-Mayor doma," usal ni Mina at akmang babangon ngunit pigilan siya ng mayor doma."Magpahinga ka Mina, dahil hindi ka pa lubusang gumagaling," seryosong saad nito habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga. "Ngunit—" natigilan siya ng biglang umiiling ang mayor doma. "Ipagagawa ko na lamang sa iba ang iyong gawain." Dagdag pa nito at pilit na ngumiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa dalaga lalo na nang dalhin ito ni Fra
Magbasa pa