All Chapters of My Master Is A Monster (Tagalog) : Chapter 41 - Chapter 47
47 Chapters
Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang Pagkabigo
Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang PagkabigoWritten By: Cristina de Leon PUMUNTA SILA sa batis at naupo roon kung saan may isang malaking bato sa gilid. Pinakalma muna niya ang sarili niya bago tuluyang magsalita.  "MASTER WAYNE—" Mag-uumpisa pa lang ng sasabihin si Lana ay hindi na agad iyon natuloy dahil sinugod na ng yakap ni Wayne ang babae."Ang akala ko ay hindi na kita ulit makikita, Lana. Takot na takot ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Lana. Alam ko na mahirap gawin pero sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo pa ako..." Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya at pakiramdam niya, napakatagal na simula ng huli silang magkita.Ngumiti lang si Lana habang hinahaplos ang likuran niya. "Matagal na kitang napatawad, Master Wayne. Matagal ka na rin namang nagsorry 'di ba? Huwag mo nang isipin iyon."Napahiwalay siya ng yakap
Read more
Chapter 20.1: Ang Pagbabago
Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de Leon NAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah
Read more
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng Prinsepe
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon "Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng
Read more
Chapter 21.1: Ang Malamig Na Kweba
Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de Leon HINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s
Read more
Chapter 21.2: Ang Pag-Amin
Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon "Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil
Read more
Final Chapter Part 1: Ang Katapusan Ng Kasamaan
Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de Leon  NAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il
Read more
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A Monster
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de Leon MATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status