All Chapters of SENSUAL REVENGE (FILIPINO): Chapter 51 - Chapter 60

124 Chapters

“CROSS MY HEART”

“Salamat, Sam,” any masayang sambit ni Marius habang nanatili nitong hindi pinakakawalan ang mukha ko.Gusto ko rin iyon. Gusto ko ang pakiramdam ng mainit niyang mga palad sa magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko kinakalma nito ang nababalisa kong puso.“Thank you, Marius,” ang isinagot ko kay Marius.“Sa lalong madaling panahon gusto kong maikasal tayo, Sam. Okay lang ba iyon sa iyo?”Tinanong ako ni Marius kahit alam kong alam naman niya kung ano ang sagot ko doon.“Sa lalong madaling panahon? Ibig sabihin in two week, ganoon ba?” tanong ko sa kanya.“Yeah, ganoon nga. Okay lang ba iyon sa’yo?” tanong muli sa akin ni Marius.Hindi ko sure kung ginagawa iyon ni Marius dahil gusto niyang magkaroon ng assurance na totoo sa loob ko ang isinagot ko. Pero sa huli napansin ko sa mga ngiti niya na parang naglalambing lang siya.“Oo naman. Walang problema sa akin iyon. Sa totoo lang kung ang pagmamahal ko sa iyo ang gagawin kong basehan eh gusto ko sa lalong madaling panahon maikasal rin nam
Read more

“THE REAL ENEMY”

“HELLO, good morning!” Masiglang tinig ng isang babae ang narinig ko. Nasa sala ako noon. Nagbabasa ako ng libro. Malapit sa malaking bintana na naka-pwesto ang rocking chair kung saan ako nakaupo. “Lena,” iyon lang ang isinatinig ko. Mabilis kong naramdaman ang pamilyar na disgusto. At dahil nga hindi ko gustong ipahalata iyon kay Lena, minabuti kong ibalik ang pansin sa akin binabasa. “Si Nana Lourdes ba ang sadya mo?” pormal kong tanong sa kanya. Hindi ko man nilingon pero naramdaman ko ang pagpasok ni Lena sa kabayahan. Bukod pa roon ay gumawa rin ng ingay ang suot nitong tsinelas sa narra planks na sahig. “Ikaw ang talagang sadya ko dito, Sam,” ang isinagot niya kaya ako mabilis na napalingon rito. “Ako?” taka habang nagsasalubong ang mga kilay kong tanong. Tumango-tango si Lena na nang mga sandaling iyon ay nakaupo na sa silyang hinila nito palapit sa kinaroroonan ko. Habang nakatitig ako sa kanya ay nakita ko ang malaking pagkakahawig niya kay Nana Lourdes. Mabait naman
Read more

“FAKE AMNESIA”

MASAMA ang loob ko. Kailangan kong aminin iyon kahit sa sarili ko lang. At sa parteng ito kailangan ko ring aminin na nanalo si Lena. Dahil kung hindi, mananatili akong nagpapanggap.Sa huli kong naisip ay natigilan ako.Pwede! Pwede kong ipagpatuloy ang lahat ng ito.Hindi naman kailangang malaman ni Marius na okay na ako. Hindi niya kailangang malaman na nagbalik na ang alaala ko.Pero ang tanong, hanggang kailan ko ba kayang panindigan ang ganito?Hanggang kailan ko makakayang itago sa kanya ang totoo? Pati na rin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko?Nasa ganoong ayos ako nang biglang pumasok sa kwarto namin ang lalaking laman ng isip ko.Agad akong lumingon sa kanya. Habang siya ay nakangiting humakbang palapit sa akin.“Okay ka lang?” tanong niya sa akin nang makalapit.Hindi ako makapag-isip ng pwede kong sabihin. Kaya tumango nalang ako. Nang halikan ako sa noo ni Marius ay napapikit ako. Pagkatapos ay naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pero gaya ng
Read more

“TRUTH WILL OUT”

KINABUKASAN si Marius na ang inabutan kong abala sa paghahanda ng almusal. Alam ko kung bakit. Dahil kasi sa ginawa ni Lena kahapon ay kinausap na muna ni Marius si Nana Lourdes na huwag na munang magpunta ng bahay. Hindi ko naman ginusto iyon. Ang totoo, desisyon iyon ng nobyo ko. Sinubukan ko siya pigilan dahil wala naman alam si Nana Lourdes sa pinaggagawa ng pamangkin nito. Pero hindi pa rin nakinig si Marius.“Good morning!”Iyon ang naging masayang pagbati sa akin ni Marius kinaumagahan.Gaya ng nakagawian ko na. Nakaligo na ako nang bumaba. Si Marius tapos ng i-set ang mesa.“Halika na para makaluwas na tayo,” sabi pa niyang hinila ang isang silya para paupuin ako.Ngumiti lang ako sa kanya saka sumunod.“Hindi mo na talaga pinapasok si Nana Lourdes?” sabi ko nang simulan niyang lagyan ng sinangag ang plato ko.Nagkibit lang muna ng mga balikat niya si Marius. “Pansamantala. Hindi ko gusto ang ginawa ng pamangkin niya. Although tama ka naman. Walang kinalaman ang matanda pero i
Read more

“GOODBYE FOR NOW”

MASAMANG-masama ang loob ko nang mga sandaling iyon. At alam ko na sa kabila ng lahat ay nauunawaan ni Marius kung bakit ako nagkakaganito.“S-Sam, please naman huwag mong gawin ito,” ang nagsusumamong sambit ni Marius.Nagsimula na kasi akong mag-empake noon. Habang patuloy ako sa tahimik na pag-iyak.Wala akong alam na gawin kundi ang umiyak. Sa totoo lang, iyon lang naman talaga ang kaya ko kahit noon pa. Iiyak lang ako. Hindi ko siya kayang saktan kahit kung tutuusin galit na galit ako sa kanya.“Sam, please naman hayaan mo naman akong magpaliwanag. Makinig ka sa’kin please,” muli ay nagsusumamong winika ni Marius na sinundan ako papasok ng walk in closet.Hindi ako sumagot. Isa-isa kong kinuha mula roon ang lahat ng mga personal kong gamit.Pagkatapos ay lumabs muli ako para ilagay ang lahat ng iyon sa maleta ko.“Huwag mo nalang muna akong kulitin, Marius,” nang hindi ako makatiis ay iyon na ang ipinakiusap ko sa kanya.“Sam,” aniya.Bakas pa rin sa tono ng pananalita ni Marius
Read more

“KARMA”

“O, Marius napatawag ka?”Si Lana iyon nang sagutin nito ang tawag niya.Kasalukuyan siyang nakatayo nang mga sandaling iyon sa labas ng condominium unit ni Sam. Dalawang araw mula nang ihatid niya ang dalaga ay nanatiling hindi nito sinasagot ang mga tawag at text messages niya. Worried na siya kaya naisipan niyang pumunta rito para i-check kung kumusta ang dalaga.“Tumawag ba sa inyo si Sam? Or nagpunta ba siya diyan sa inyo?” ang magkasunod niyang tanong.Kung tutuusin ito na ang last option na naisip niya. Hangga’t maaari kasi hindi niya gustong idamay sina Andrew at Lana sa gulong kung tutuusin ay siya naman talaga ang may gawa. Pero wala na siyang iba pang maisip na paraan. Bukod pa sa katotohanang wala rin naman ibang pupuntahan si Sam maliban sa kapatid nito.“Si Sam? Hindi eh. Teka, hindi ba at kayong dalawa ang magkasama?” sagot naman ng kaibigan niyang nasa kabilang linya.Mabilis niyang nabakas sa tono ng pananalita ni Lana ang pag-aalala.“My god,” ang sa halip ay naisago
Read more

“BROKEN FRIENDSHIP”

NANG gabing iyon ay sa condo niya sa Maynila nagpalipas ng gabi si Marius. Nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon habang nilulunod ang sarili sa alak.Hindi niya maipaliwanag o kahit masabi man lang sa mga simpleng salita kung gaano kasakit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Tanggap naman niyang karma niya ito. Mali ang ginawa niyang pinagplanuhan niya ang isang mabait na taong katulad ni Sam.Sa naisip ay mapait siyang napangiti kasabay ng pagbalong ng kanyang mga luha. Kanina pa siya umiiyak at hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kahit minsan hindi pa siya nakaranas ng ganito kasakit na pakiramdam. Kahit noong magdesisyon si Lana na tanggapin at pakasalan si Andrew.Pero ngayon, para siyang hindi makahinga. Napakalungkot niya na hindi niya magawang tukuyin kung gaano.“S-Sam,” anas niya.Tinapunan niya ng sulyap ang gawi ng veranda. Sa isang iglap parang nakita niya doon ang sarili kasama si Sam na nagsasayaw. Ang kanilang first dance.Miss na miss na niya ito. Gust
Read more

“ONE YEAR LATER”

HINDI ko maikakaila ang matinding kabog ng dibdib ko. Nang makalabas kami ng airport ay agad na dumapo sa pisngi ko ang pang-gabing hangin ng Maynila. Pagkatapos ay nilingon ko si Calum na makahulugang ngumiti naman sa akin. Karga niya si MJ na nang mga sandaling iyon ay mahimbing na mahimbing ang tulog. “Walang nakakaalam ng lahat ng ito kaya tiyak akong magugulat sila,” ang nakangiti kong sabi saka ko nilingon ang kaibigan ko. “At sure din akong magkakagulo,” sagot naman ni Calum. Pabiro pero may laman ang sinabing iyon ni Calum na nakapagpabuntong hininga naman sa akin. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Masyado kang negative. Para kang hindi kaibigan,” sabi ko saka naglalambing na tinapik ang balikat niya. Mula nang mag-stay ako sa poder ni Calum ay siya na ang nagsilbing kanlungan ko. Sa totoo lang marami sa mga nakakakita sa amin tuwing lumabas kaming tatlo ang napagkakamalan siyang asawa ko. At sa lahat ng pagkakataong iyon kung ilang beses man ay palagi kong ipinagdarasa
Read more

“LONGING TO BE WITH HIM”

“MAY balita ba kay Marius, Kuya?” tanong ko kay Andrew nang hindi ako makatiis.Ang totoo, hindi naman talaga nawala sa isip ko si Marius. At sinungaling ako kung hindi ko aaminin na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Lalo na nang lumabas si MJ na kamukhang kamukha nito.“Tell me, mahal mo pa rin siya, hindi ba?” tanong sa akin ni Andrew habang nakatitig ito ng tuwid sa aking mga mata.Mabilis akong umiwas ng tingin kay Andrew makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay dinampot ko ang tasa ko ng kape saka ako humigop doon.“Hindi naman nawawala ang pagmamahal, hindi ba, Kuya?” iyon ang sa halip ay isinagot ko.Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew. “Ganyan rin ang sinabi sa akin ni Lana. Nung huli silang nagkausap ni Marius gaya ng dati ikaw ang hinahanap nito. Ang totoo, hindi ko mapigilang manghinayang sa kinahinatnan ng kwento ninyong dalawa,” sabi ni Andrew.Nabakas ko sa tono ng pananalita ng kapatid ko na totoo sa loob niya ang kanyang mga sinabi. Bagay na
Read more

“MARIUS, ONE YEAR BEFORE”

“KUNG alam ko lang kung nasaan siya hindi ka magdadalawang salita sa akin, Marius.”Si Lana iyon na masuyong ginagap ang kamay niya saka iyon pinisil. Kung hindi siya nagkakamali ng bilang pitong buwan na ngayon ang batang nasa sinapupunan ni Sam. Ang anak nila. Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng ito hindi mag isang dinadala ngayon ng dalaga ang lahat. “Alam ko naman nagkamali ako. Mali ang ginawa ko na pinagplanuhan ko siya. Pero eventually nahulog din naman ako sa kanya. At totoo ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Sam. Kahit kanino hindi ko naramdaman any ganito katinding feelings.”Masamang masama ang loob ni Marius. At hindi niya nagawang ikubli iyon sa tono ng pananalita niya.“Hayaan mo kakausapin ko ulit si Andrew. Baka sakaling may alam na siya. Baka tinawagan siya ni Sam. Ang totoo nag-aalala na rin ako sa hipag kong iyon. Gusto ko na ngang mag-hire ng private investigator para lang makita siya pero paano ko gagawin iyon? Ang alam kong pwede lang gumawa niyo
Read more
PREV
1
...
45678
...
13
DMCA.com Protection Status