Arogante namang tumawa si Antigonus nang makita niya ang reaksyon ni Logan.Phew!Dito na nahimasmasan si Logan kaya naisipan na nitong umalis para makipagkita at ireport ang sitwasyon kay Ileana.“Bakit ngayon pa?”Kalmadong tanong ni Antigonus, “Irereport mo ba ang nangyari sa King of the Dead?”Dito na tumigil sa paglalakad si Logan, agad niyang pinigilan ang kaniyang takot habang sinasabi na, “Tama, kinakailangan kong ireport ang ganitong mga bagay sa hari para sundin ang kaniyang utos.”Kalmado namang sumagot si Antigonus ng, “At pagkatapos ano? Ano ang gagawin ng hari sa sandaling malaman niya ito? Ikukulong niya ang aking kaluluwa?”Nagpakita ng iba’t ibang emosyon si Logan pero hindi pa rin niya nagawang sumagot. Pero sapat na ang kaniyang katahimikan para rito.Siguradong magugulantang ang buong mundo sa sandaling kumalat ang balita na buhay pa si Archfiend Antigonus."Ha ha…"Nang makita niya ang tahimik na pagsangayon si Logan, agad namang tumawa si Antigonus para
Read more