All Chapters of CEO's Obsession: Chapter 61 - Chapter 70
106 Chapters
CO 61:
•Gaea• "Clyden, kailangan mo nang umuwi!" utos ko sa kanya dahil malapit nang maghating-gabi at nandito pa rin ito sa apartment. Mula sa kusina ay sinundan pa ako nito patungo sa kwarto namin ni CN. "Clyden, nakikinig ka ba sa akin?" Lumingon siya sa akin at niyakap si CN. Hinalikan pa nito sa noo ang bata bago muling ibinaling ang tingin sa akin. "Alam mo ba na dalawang taon ko rin na hinintay na muli kang makatabi?"  Walang-emosyon na dumapo ang aking mata sa kanya. Ngunit binalikan naman ako nito nang masayang mukha. "Hindi mo ba naiintindihan kong bakit kita pinapalayo sa amin ni CN?" inis na tanong ko sa kanya.  "Gaea, pakinggan mo rin naman ako," nagmamakaawa niyang saad. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa ceiling. Ito na naman kami nagsisimula na namin kami sa walang-kwentang usapan na ito. "Si Nicole ay anak ng kapatid ko. Kailangan ko
Read more
CO 62:
•Thunder• Sinundan ko ng tingin si Gaea na kakalabas lang ng kwarto, bago muling binalingan ng tingin si Nicolai na puno nang pagtataka ang mukha.  "Daddy, may nasabi po ba akong mali kaya nagalit si mommy?" inosente nitong tanong. Umiling naman ako, niyakap siya nang mahigpit bago siya hinalikan sa noo. "Magagalit na po ba sa akin si mommy?"  "Wala kang ginawang masama kaya hindi magagalit ang mommy. Wait ka lang dito, okay? Kakausapin ko muna siya," panunuyo ko rito. Nagdadalawang-isip pa ito noong una ngunit di kalaunan ay napapayag ko rin naman ito. "Babalik din ako kaagad." Lumabas na nga ako ng kwarto at hinanap si Gaea. Maliit lang naman ang apartment kaya sa tingin ko ay madali ko lang itong mahahanap. Napakamot ako sa aking batok nang hindi ko pa rin ito makita kahit ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa apartment nila. Sa tingi
Read more
CO 63:
•Gaea•Nakangiti akong lumapit sa dalawang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng ABC building. Buhat-buhat ni Clyden si CN na may dala-dalang bulaklak at abot-tenga ang ngiti.  "Mommy, kanina pa po kami naghihintay ni daddy!" masayang saad ni CN at lumipat sa aking bisig. Ginulo ko naman ang kanyang buhok bago kinuha ang bulaklak sa kanya. "Jobee raw po tayo sabi ni daddy, mom."  "Ayaw mo na ba ng mga luto ni mommy?" nagtatampo kong saad. Mabilis naman siyang umiling at niyakap ang aking leeg. "Ano na namang paglalambing ito, Mr. Clyden Nicolai?" natatawa kong saad. Nagkamot naman siya sa kanyang batok bago humagikhik. "Hindi naman po iyan ang ibig kong sabihin, eh. Gusto ko po kasing kumain sa jobee po, mommy. Pumayag naman po si daddy. Hindi po ba pwede?" Nagmamakaawa ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Pinipigilan ko lang ang aking sa
Read more
CO 64:
•Gaea• Ilang oras na akong walang magawa dahil sa kakaisip ko sa sinabi ni Russu. Hindi ko alam kung makakaya ko ba na kausapin ang taong nagmamay-ari ngayon ng puso ni Samantha Nicolai. Isang mahigit ko na rin itong hinahanap dahil hindi naman sinabi sa amin ng doktor ang nakakuha ng puso ng kaibigan ko. Bukod sa confidential daw ang mga files nila ay bawal daw rin malaman ng receiver kung sino ang nagmamay-ari ng mga organs na natanggap nila. May tsansa raw kasi na iisipin ng receiver ang katauhan ni donor at aakalain nito na siya si donor na nasa katawan ni reciever. Dahil ayaw ko rin na makagulo sa buhay nito ay hindi ko kaagad ito hinanap nang unang taon, ngunit dahil sa kagustuhan kong makilala ang taong nagmamay-ari sa bagong puso ni Samantha Nicolai ay kaagad akong humingi ng tulong kay Russu, at ito na nga ang naging resulta ngayon.  "Miss Montessori." Napa
Read more
CO 65:
•Gaea•Puno ng pag-aalala ang mukha ni Clyden habang sinusuri ang aking katawan. Para matigil ito ay kailangan ko pa siyang hawakan. "I'm fine, Clyden, medyo sumasakit lang ang braso kong natamaan," wika ko para kumalma naman siya. Huminahon siya at umupo na sa aking tabi habang makatitig sa may braso kong kakatapos lang gamutin ng doctor. "Nagmamadali ba kayong dalawa rito?"  Umiling siya at kinuha si CN sa akin. "Gusto kong paliparin ang sasakyan papunta rito, ngunit hindi ko rin naman pwedeng takutin ang anak natin 'di ba?" Napangiti ako at tumango. Tama siya mas importante ang buhay ng anak namin. Inabot ko ang kanyang kamay at mahigpit na pinisil iyon. Kahit hindi ko sabihin sa kanya ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking kalamnan. "Sana sinundo na lang kita. Sana hindi na lang kita hinayaang umuwi ng mag-isa."  Nakagat ko ang aking labi para supilin
Read more
CO 66:
•Gaea• Inaamin ko naman na malaki na nga ang pinagbago ni Clyden ngayon. Kung dati ay kailangan pa nito ng ebidensya para maniwala sa akin, ngayon naman ay siya na mismo ang naghahanap ng ebidensya para mahuli ang mga taong gumagawa ng masama sa akin.  "Mommy, is daddy still busy po ba? Five days na po siyang hindi umuuwi po," tanong sa akin ni CN nang maghapunan na kami.  Sa tuwing nagtra-trabaho ako ay dinadala ko ito sa opisina para makasigurado ako na ligtas siya. Sumang-ayon naman si Kenneth at Miss Nancy sa desisyon ko na ito dahil may floor naman talaga roon na para sa mga bata. Pati ang plano namin ni Kenneth ay hindi na natuloy dahil sa pangyayaring iyon. Napag-usapan namin na baka sa susunod na lang na linggo namin gagawin iyon. Nilagyan ko muna ng adobong manok ang kanyang plato bago tumango bilang sagot sa tanong niya.
Read more
CO 67:
•Gaea• Kinabukasan ay dinala nga ni Clyden si CN sa kanilang kompanya. Sinundo naman ako ni Russu sa bahay, ngunit hindi na sila nagpang-abot ni Clyden dahil nagmamadali naman ang huli. "Sino ang kasama ni CN ngayon?" tanong nito sa akin nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Nilingon ko siya saglit nang marinig ko iyon sa kanya. "Sana dinala mo na lang siya para may kasama ako habang naghihintay sa'yo."  "Kasama niya kasi ang ama niya ngayon kaya hindi ko siya nasama atsaka— gosh!" Napalingon ako kay Russu nang biglaan nitong inihinto ang kotse. Muntikan pa akong matapon dahil medyo may kabilisan ang pagpapatakbo nito kanina. "Russu, may problema ba? Bakit bigla ka na lang humihinto?"  Nilingon ako nito nakatikom ang mga bibig at nakatiim-bagang. Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang reaksyon niya, kaya kaagad akong napatingin sa unahan. Wala na
Read more
CO 68:
•Gaea• Napaigik ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa aking likod nang bigla akong itinulak ni Clyden sa pintuan. Dilat ang aking dalawang mata habang nakatitig sa kanyang namumulang mukha.  "What are you doing, Clyden?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Nasa gitna namin ang isa kong kamay para hindi ito makalapit ng husto, habang ang isa naman ay nakahawak sa pader dahil pakiramdam ko ay babagsak na ako sa panghihina ng aking tuhod.  "Gaea, I tried!" mariin niyang tugon. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko siya maintindihan. Simula nang makaalis kami kanina sa lugar na iyon ay hindi na ako inimik ni Clyden. Hindi ko na rin naman siya pinansin dahil akala ko ay nagpo-pokus ito sa pagmamaneho.  Ngunit nagulat na lang ako nang ginawa niya ito pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng bahay. "Kung may problema ka kasi sabihin mo, Clyde
Read more
CO 69:
•Gaea•   "Babe, may nasabi ba akong masama kaya ka biglang natahimik d'yan?" Mula sa labas ng bintana ay ibinaling ko ang paningin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot iyong tanong niya kanina tungkol sa pagpapakasal.     Mahal ko si Clyden ngunit hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang taong nasa likod nang pamamaril na iyon ay hindi ko siya papakasalan. Gusto kong mamuhay nang payapa at mangyayari lang iyon kapag nawala ang asungot sa buhay namin. Atsaka bukod doon ay hindi ko pa nahahanap ang taong nagmamay-ari sa puso ni Nicolai noon.     "Dahil pa rin ba sa sinabi ko kanina? Akala ko ba mahal mo rin ako, Gaea? Hindi ba totoo ang nararamdaman mo sa akin?" sunod-sunod na tanong nito. Inabot ko ang kanyang kamay sabay iling. "Ano ba ang dahilan mo kaya hindi mo ako mapakasalan? Mahal kita, handa akong alagaan ka at ibigay ang lahat ng gusto mo—"   &n
Read more
CO 70:
•Gaea•   Pinahid ko ang pawis na naglandas sa aking mukha dahil sa init ng shooting area. Pinapunta ako rito ng kliyente dahil may itatanong daw sila tungkol sa ibang scene para sa mas magandang pagkakalahad no'n.     Kinuha ko ang juice na ibinigay ng isang staff at umupo sa bakanteng upuan malapit sa direktor. Malapit na namang matapos ang shoot at uuwi na rin ako kaagad dahil kanina pa nagte-text sa akin si Samantha dahil hinahanap na raw ako ni CN.     "Miss Montessori, thank you po sa pagpunta. Okay na po kami rito," saad ni Jasmine nang malapitan ako. Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at inayos siyang hinarap. "Akala po namin Darren ay hindi ka po darating, eh," natatawa niyang usal sabay turo sa kanyang groom na kumakaway sa amin.     "Trabaho ko naman ito, Miss Jasmine, kaya kailangan ko itong pagtuunan ng pansin hanggang sa matapos. Gusto ko p
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status