Lahat ng Kabanata ng BE WITH YOU (TAGALOG VERSION): Kabanata 11 - Kabanata 20
65 Kabanata
Chapter 11
"Pakasalan mo si Adeline." Sabi ng kanyang Tita Lily na nagpatahimik sa kanyang kinauupuan.  "ANO?" Sigaw niya at nanlaki ang mata niya dahil sa sobrang gulat ng bumalik siya sa kaniyang huwisyo. Para siyang nabingi sa narinig.  "Oo. pakasalan mLo ang anak ko kapalit ng tulong namin" Seryosong sabi ng Tito Antonio niya na lalong ikinataranta niya.  "You are gotta be kidding me Tita, Tito." Sabi niya at binigyan sila ng tawa. Ito ay ganap na isang walang katotohanan na ideya. Kapalit ng tulong na ibibigay nila, pakakasalan niya si Adeline? Hell no!  Nagpatuloy siya sa pagtawa pero napatigil siya nang mapansin niyang seryoso sila. Parang napako siya sa kaniyang kinauupuan.  "Seryoso kami Drake. Papakasalan mo si Adeline, kapalit ay isasama namin ang kumpanya namin sa inyo, dapat ikaw na rin ang pumalit sa kumpanya imbes na tatay mo. Nag-aral ka ng negosyo a
Magbasa pa
Chapter 12
Dumating na ang araw, ang araw na hinihintay ni Adeline.  Ang takdang araw na idideklara ang kasal sa lalaking matagal na niyang pinapangarap. Excited na siya simula pa lamang kahapon kaya hindi siya makatulog dahil sa sobrang excitement.  Maganda ang damit na sout niya, simple lamang ito para makapagbigay ito ng magandang impresiyon kay Drake.  Alam niyang kinasusuklaman siya ng lalaki, ngunit dahil sa katotohanang pumayag ito na pakasalan siya ay nagbibigay sa kanya ng pag-asa na marahil ay nagsisimula na itong makita siya bilang isang babae at hindi isang kung sino lamang.  Nakasuot siya ng kaswal na puting damit na pinaresan ng itim na two inch heels. Naglagay siya ng light make up at pink na lipstick na bumagay sa kaniyang labi, maliit lang at isang heart pendant necklace ang palamuti na kaniyang isinout.  Napangiti siya sa repleksyon niya sa salamin.  Napakaganda niya. Walang duda na oo ang sagot ni Drake sa offer ng parents niya. Sim
Magbasa pa
Chapter 13
Napangiti si Adeline nang umalis ang mga tao sa loob. Sa wakas, magiging okay na ang lahat. At tuwang-tuwa siya tungkol dito na parang gusto niyang tumakbo sa boung gusali.   "Ang galing mo, Drake. I am so proud of you. I never expected that you will pull everything out." Komplemento naman ng ama ni Adeline Kay Drake at ngumiti lang ito, ngiting hindi umabot sa mga mata niya saka tumango.  "Hindi ko ine-expect na ganyan din pala siya magsalita, Antonio." Komento rin ng ama ni Drake.  "Well, I think he got it from you. Ang galing mo sa negosyo, minana niya siguro ang business minded ability mo." Sagot naman ng nanay ni Adeline.  Nasa conference room pa rin sila. Napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na doon na lang sila mag-usap para mas madali.  Umupo silang lahat sa upuan nila. Kaharap ni Adeline si Drake. Na tahimik lang na nakaupo sa kanyang up
Magbasa pa
Chapter 14
Parang may kung anong tinik at sakit na naramdaman ni Adeline sa kanyang dibdib sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung paano at bakit niya nasabi iyon sa kanya. Wala man lang siyang ginawang masama pero ang lalaki ay patuloy na sinisisi sa kanya ang lahat. Hindi na man niya talaga pinilit ang kanyang mga magulang na pakasalan si Drake, nagulat lamang siya sa sinabi ng mga ito sa kaniya ngunit bakit parang siya pa ang may kasalanan.  Kapalit iyon ng tulong na ibinigay ng kanyang pamilya sa pamilya ng lalaki, ngunit kung sa simula pa lang ay sinabi na niya o ayaw niya at hindi siya pumayag sa kabayaran na hinihingi ng kanyang mga magulang, gagawin niya, wala naman sigurong problema ngayon.  Gusto man niyang ipaintindi sa lalaki ang lahat na wala siyang kinalaman at wala siyang alam sa kasal, hindi nakikinig ang lalaki at ipinipilit pa rin ang bagay na hindi niya ginawa at patuloy pa rin sa pagsisi sa kanya.&nb
Magbasa pa
Chapter 15
*THE WEDDING DAY*  Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Adeline, ang araw na matagal niyang hinintay. Ang araw na pinangarap niya sa nakalipas na limang taon, ang araw na akala niya ay hindi na darating sa kanya.  Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat hanggang ngayon, at sobrang saya niya. Excited na siya simula kahapon ng gabi at dahil sa sobrang excitement ay nakatulog siya ng napakaaga para lalo pang umilaw ang kaniyang kagandahan para sa napakaespesyal na araw niya. Hindi niya lubos maisip na lahat ng pinangarap niya sa nakalipas na limang taon ay magkakatotoo. Parang panaginip na mahirap paniwalaan. Parang kahapon lang nang i-stalk niya ang social media accounts ng lalaki pero ngayon ay ikakasal na ito sa kanya. Ikakasal na siya sa ultimate crush niya. Sa kanyang mahal sa buhay.  Maaga siyang nagising noong araw na iyon, naghanda siya at nag-ayos ng sarili. Naglagay siya ng light
Magbasa pa
Chapter 16
Pagkaalis ni Drake ay nagkagulo sa loob ng simbahan. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Drake, maging ang mga kaibigan ay hindi makapaniwala sa kanyang biglaang pag-alis. Bigla silang nagulat, maging si Adeline. Akala niya ay magiging maayos ang lahat gaya ng plano, hindi niya akalain na sa ganitong paraan ito magtatapos. Oo, at expected niya na mangyari iyon, ngunit iba pa din pala kapag nangyari na.   "What the hell just happened Lucio. Bakit umalis si Drake?" Nagpapanic na sabi ng Ina ni Adeline. Nag-aalalang tumingin sa kanya ang kanyang ina, ngunit ngumiti lang siya para bigyan ng katiyakan ang kanyang ina. Isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata.  "Hindi ko rin alam Lily. I'm so sorry." Humingi ng tawad ang kanyang Tita Samantha, mukhang nag-aalala rin ito sa kaniya at nag-aalala sa sitwasyon. Sinong namang hindi kung biglang mag walk out ang groom mo sa araw ng kasal niyo.  &
Magbasa pa
Chapter 17
Pagkatapos mag walk out ni Drake mula sa kasal, hindi niya alam kung saan pupunta. Pinaandar lang niya ang sasakyan niya para maakalis sa simbahan ngunit Wala siyang kaide-ideya kung saan sa patutungo. Wala siyang maisip na ibang mapupuntahan, basta makaalis siya sa lugar na iyon ay ayos lang sa kanya kung saan man siya mapadpad.   Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa napagtanto niyang lalabas na siya ng lungsod, ngunit hindi siya huminto at nagpatuloy sa pagmamaneho at ilang minuto pa ay napadpad siya sa dalampasigan.  Bigla siyang napaluha, hindi sa walang dahilan kundi dahil ang beach na napuntahan niya ay ang paborito nilang beach na pinupuntahan nila ni Natasha noon. Humihikbi siya habang sinusuntok ang manibela ng kanyang sasakyan. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Para siyang mababaliw sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon.   Hindi niya maipaliwanag ang sakit ng mga oras na iyon.
Magbasa pa
Chapter 18
Matapos malaman ni Drake ang balita mula sa kanyang ina tungkol sa kanyang ama, nagmamadali siyang bumalik sa lungsod.  Doble pa ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon kaysa sa naramdaman niya ng malaman na ikakasal na siya kay Adeline.  At habang papalapit siya sa kanyang patutunguhan ay lalong lumalala ang sakit, mas lalong lumalaki m ang poot.  Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa at parang pasan niya ang bigat ng buong mundo.Hindi niya maintindihan kung bakit magkasabay na dumarating sa kanya ang mga problema at masamang balita.  Sa tingin niya ito ay isang masamang taon at ang suwerte ay hindi pumapanig sa kanya.Papasok na siya sa village nila at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.  Para siyang lamunin sa sobrang kaba na nararamdaman.  Hindi pa rin niya alam kung ano ang kalagayan ng kanyang ama, pagkatapos ng tawag ay nagmamadali na lang siyang bumalik nang hindi nagtatanong s
Magbasa pa
Chapter 19
Nang matapos na makipag-usap si Drake sa kanyang ama ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Pagdating doon ay agad na tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Napakasakit sa pakiramdam ang mga sitwasyong nangyayari ngayon. Para siyang pinaparusahan ng langit.  Napaupo siya sa kanyang kama habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit ganito ang sitwasyon. Akala niya okay na ang lahat, tapos bigla na lang ganito.   Okay naman sila ni Natasha at masaya sila, ganoon din ang kanyang ama at ina at ang kanilang kumpanya. Ngunit, ngayon ay napakaimposibleng paniwalaan na ang lahat ay biglang nagbago. Napayuko siya at umiyak ng malakas. Sobrang sakit na ng puso niya, at parang hindi na matiis ang sakit na nararamdaman.   Parang ang hirap paniwalaan. Sa isang iglap, lahat ay mawawala na parang bula. Pero hindi niya hahayaang mangyari iyon. Gagawin niya ang lah
Magbasa pa
Chapter 20
Nasa kwarto lang siya kanina nang magpasya siyang lumabas para yayain ang kanyang ama na maglaro ng chess. She was so bored at kahit gusto na niyang lumabas ay wala siya sa mood. Mas gugustuhin pa niyang humiga sa kanilang bahay at sa kama niya at makipaglaro ng chess sa kanyang ama kaysa lumabas at gumala. Pagkababa niya ay hindi niya ito nakita kaya tinanong niya ang kanilang kasambahay.    "Nasaan si dad?" Tanong niya sa isa nilang maid.   "Nasa labas po siya ma'am." Sagot ni The sa kanya at nagpatuloy sa paglilinis.   "Salamat." Sagot niya na lalabas na sana siya para hanapin siya ngunit bago pa siya makahakbang ay pumasok na ang kanyang ama sa loob ng bahay at nakangiti ito sa kanya. Medyo nataranta siya sa biglang reaksyon ng ama sa kanya.   "Hi Dad. What's up? What's with the smile?" Sinalubong niya ito ng malapad na ngiti ngunit may halong pagkalito. Ngumiti din ito s
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status