Lahat ng Kabanata ng Good Luck Charm: Kabanata 41 - Kabanata 50
157 Kabanata
Chapter 40
”As part of your midterm exams in design, I will be requiring you to submit a full spring and summer fashion line-up, to be passed next week.” sabi ng teacher namin. “Copy the notes on the board for the reviewer on the written part of your exam.” Tamang-tama, may naiisipan nga ako’ng bagong mga design para kay Mama, `yun na rin ang ipapasa ko next week, in the meantime, mag co-concentrate ako sa written exams namin. Matatapos na ang araw at puro review ang ginawa namin sa mga klase namin. Mamayang remedials, malamang, bigyan ako ng mock exam ni Mrs. Villa, pero handa na `ko para rito. Good mood ako, out of 8 subjects kasi, apat ang na-perfect ko’ng score sa quizzes namin! Ibig sabihin, apat na beses ko’ng pwedeng halikan si Louei! Kaya lang, nagbigay na s’ya ng collateral, kaya baka magkautang pa ako, dahil aapat lang ang na-perfect ko. Hmm... hindi naman siguro, kasi, gusto rin naman n’ya `pag naghahalikan kami, eh, so that doesn’t count! “O, kinikilig ka nanaman d’yan nang mag-
Magbasa pa
Chapter 41
Agad napuno nang bulungan ang klase namin. “Anong kodigo pinagsasasabi mo? Patignan nga n’yan?” sabi ni Aveera na kukunin sana ang papel, pero inilayo ito ng lalaking pumulot dito. ”Patingin nga!” sabi ni Edna na kinuha ito. ”Ma’am, kodigo nga! May mga chemical names and formulas dito, oh!” Binuklat n’ya ang maliit na papel. Mukha ito’ng print out. ”H-hindi po sa `kin `yan!” sabi ko, pero lalo lang lumakas ang bulung-bulungan sa klase. Lumapit na si Mrs. Villa sa amin at kinuha ang pirasong papel. Tinitigan n’ya `to, tapos ay lumapit sa akin. ”Is this yours?” tanong niya. “No, Mrs. Villa, I don’t know where that came from!” “Sobra, desperado, nagkokodigo,” may nagsabi. Natawa ang ilang mga kaklase namin. ”What a cheat.” Ako naman ay pilit nagpigil ng luha, hindi dahil sa lungkot o takot, kung `di dahil sa galit. “Mrs. Villa, just because it was seen by my feet, doesn’t mean it belongs to me.” katwiran ko, “I refuse to be called a cheat after all the effort I did studying for t
Magbasa pa
Chapter 42
“Bakit feeling ko, parang mas magiging magulo ang susunod na mga araw?” tanong ko kay Aveera nang pababa na kami ng school building namin. “Hay, nako, kahit ano pa’ng ibato nila sa `tin, wala ako’ng paki. Sticks and stones, Josh.” “Sticks and stones?” kumunot ang noo ko. “Sticks and stones may break our bones, but words can never hurt us,” sabi niya, “Hindi nila tayo kayang saktan dahil hanggang salita lang naman sila. Subukan lang nila’ng manakit, tignan ko lang kung makapalag sila sa dalawang bodyguards mo!” Nangiti ako. Tama naman s’ya, puro parinig lang ang kaya nina Sara, pero masakit din ang mga parinig na `yun, lalo na dahil inakala ko na kaibigan ko sila noon. “Pupunta ka na ba sa remedial class mo?” “Wala akong remedial ngayon since may major exam, sabi ni Mrs. Villa, dapat daw matuto rin ako’ng mag-aral nang mag-isa.” “Good, p’wede tayo’ng mag-aral sa library.” Nagpunta nga kami sa library. Kumuha ako ng picture naming nag-aaral at ipinadala iyon lay Louie. ‘No reme
Magbasa pa
Chapter 43
Hindi na bumaba si Louie pagdating namin ng hotel. kahit anong pilit, hindi na n’ya `ko pinagbigyan. Pero okay lang, nakasilay na ko sa kan’ya, at sapat na `yun para mawala lahat ng bad trip at sama ng loob nang araw na `yun.Nakapag-aral na `uli ako nang maayos, at maayos ko rin nasagutan ang mga exams namin kinabukasan. Sa pagdting ng Friday, laking pasalamat namin ni Aveera at nakaraos din kami.“Lika, punta na tayo sa clubroom para makapag-relax.” Aya ko sa best friend ko.“My thoughts exactly!” sabi ng nito na nagdantay ng mabigat na braso sa balikat ko. “Tamang-tama, gawa na tayo ng design para sa assignment natin sa Monday.”“Kuya Josh!” tawag sa `kin ni Rome nang makita kaming parating, “Kamusta exams ninyo?”“Okay naman, ikaw, nakapag-aral ka ba?” tanong sa kan’ya ni Aveera.“S’yempre naman, Ate, may kinuha pa ngang special tutor an
Magbasa pa
Chapter 44
”Kuya Gio!” agad ako’ng lumapit at yumakap sa kababata ko!Niyakap naman ako ni Gio pabalik, pero parang nanigas ang katawan ko nang himasin n’ya ang likod ko at ikuskos ang mukha n’ya sa gilid ng leeg ko. Parang kakaiba ang dating noon. Agad ako’ng tumulak palayo sa kan’ya at ngumiti para `di s’ya ma-offend.”K-kamusta na, Kuya Gio?” bati ko sa kan’ya, ”College ka na pala, saan ka nga ba nag-aaral ngayon?””Sa M University, I’m taking up medicine, I plan to go into research also.” sabi n’ya habang kapit ang kamay ko na mukhang wala s’yang balak bitawan.”Alam mo ba, Kuya Josh, nakakuha si Kuya ng full scholarship dahil sa sobrang talino n’ya!” pagmamalaki ni Rome na humarap kay Aveera, ”Ate Aveera, eto Kuya Gio ko, Kuya, si Aveera, kaibigan namin!””Hello,” bati ni Gio na `di maalis ang mata sa `kin,
Magbasa pa
Chapter 45
Binaba ko na ang tawag at nakitang nakatitig sa kin sina Aveera at Rome na ang lalaki ng ngisi. Si Gio naman ay nakatingin lang sa `kin. Nag-init bigla ang mukha ko. “Ang sweet naman ng mate mo, Kuya Josh!” “Naku, mukhang nagalit nga sa `kin, eh!” ”Anong nagalit? Nagselos kamo!” sabi ni Aveera, ”Which goes to show that he cares a lot for you.” “Tama, Kuya Josh, iba ang galit sa selos, ang selos, may halong pag-aalala!” “Nako, kayong dalawa talaga, `wag n’yo nga’ng niloloko si Josh,” sabi naman ni Gio, “isa pa naman sa best qualities ni Josh ay ang pagiging inosente n’ya.” “Kaya mo ba nagustuhan si Kuya Josh, Kuya?” pang-asar ng kapatid n’ya. Nasamid si Gio, ako naman ay nahiya sa kanilang magkapatid. “Pero, mag-ingat ka pa rin, ha?” sabi sa `kin ni Gio, “You know what they say, ‘lawyers are good liars’, baka lokohin ka lang n’yan.” “Hindi naman lahat, Kuya! Saka fated pairs na nga sila, eh, imposibleng niloloko lang n’ya si Kuya Josh!” “Gayon pa man,” kinapitan ni Kuya Gio an
Magbasa pa
Chapter 46
“Ate Mira, sigurado ba kayo’ng dito nakatira si Atty. Del Mirasol?” tanong ko sa dalawa ko’ng bantay.“Opo, sir, dito n’ya kami pinapunta noong nag-apply kami as bodyguards mo.”“Malaki rin pala ang bahay nila, ano, ang ganda pa ng lugar...”“Bababa ka na ba, sir?” tanong ni Ate Sol.Pumikit ako, huminga nang malalim ng ilang ulit, at saka dumilat `uli.“Game! Kayo na bahala kay Beck ha?” paalam ko habang niyayakap ang bhebhe ko.“Okay, Sir, tawag lang kayo `pag pauwi ka na.”“`Wag kayo’ng mag-alala, magpapahatid na lang ako kay Louie mamaya, p’wede na kayo’ng umuwi sa penthouse.”“Okay, pero maghihintay pa rin kami ng ilang minuto rito para sigurado.”“Sige, pero atras kayong konti, ha? Baka pauwiin agad ako ni Louie `pag nakita n’ya kayo.””Got it, sir!&rdquo
Magbasa pa
Chapter 47
Naglagay si Blessing ng extra pinggan at kubyertos sa tabi ni Nathan. Sayang nga, eh, ang layo ko kay Louie, nasa dulo s’ya ng pahabang mesa, sa kabisera. Katabi n’ya si Nathan sa kanan at si Mercy sa kaliwa, habang nasa tapat ko naman si Ate Blessing. Pero okay lang, ang saya-saya ko na dahil nakasama ko’ng kumain ang pamilya n’ya! Sana start na `to nang pagiging pamilya namin! “`Wow, ngayon lang `uli ako makakakain ng diner na maraming kasama!” sabi ko sa pag-upo sa mesa. “Bakit? Wala ka bang ibang kasama sa bahay?” tanong sa `kin ni Ate Blessing. “May dalawang kuya ako, pero alpha sila pareho, kaya hiwalay silang kumakain sa `kin,” sabi ko habang sumasandok ng mechado. “Si Mama naman, laging kasama ang step Dad ko na madalas umaalis pa-abroad.” “So, sino’ng kasama mong kumakain?” tanong `uli ni Blessing. ”May Yaya ako, saka si Beck, lagi ko’ng kasama!” ”Beck?” tanong ni Nathan. ”`Yung alaga ko’ng rottweiler.” ”Ah... at nag-aaral ka sa Erminguard International School?” napa
Magbasa pa
Chapter 48
“Okay, since you’re going to stay overnight, kailangan mo’ng sumunod sa rules ng pamamahay ko,” seryoso’ng sabi ni Louie matapos naming kumain. “Bawal mag-ingay, bawal magulo at pumasok sa kung saan-saang kuwarto, nine o-clock, lights out, dapat tulog ka na...”“Sobrang aga naman n’yan, pa,” sabat ni Nathan na dumaan sa likod ng inuupuan n’yang sofa sa den. “Para namang bata `yang kausap mo.”“Nathan, matulog ka na nga kung wala ka’ng magawa!” naiiritang sagot n’ya sa anak na tumatawang lumabas ng den. “And close the door!” habol n’ya rito. “You will be staying downstairs, sa guestroom namin.” patuloy n’ya pagkaalis ni Nathan.“Saan ang kuwarto mo?” tanong ko.“None of your business,” sagot n’ya. Mukhang mainit pa rin ulo n’ya dahil sa nangyari kanina.As if s’ya lang ang
Magbasa pa
Chapter 49
Nagising ako kinabukasan sa katok sa pinto. ”Josh, bangon na, mag-ayos ka na at ihahatid na kita sa inyo.” tawag ni Louie na `di man lang pumasok sa kuwarto. Umikot-ikot ako sa kama at sininghot ang suot ko’ng oversized pajamas. Binigay n’ya `to sa `kin kagabi para isuot, matapos ko’ng magpunas at maghilamos. Amoy Louie ito! Kaya buong gabi, feeling ko, nakayakap sa `kin ang Louie ko! ”Josh?” tawag `uli ni Louie, ”Gising ka na –” Binuksan ko ang pinto bago pa n’ya matapos ang tanong n’ya. ”Goodmorning!” bati ko sa kan’ya. Nanlaki ang mga mata ni Louie na tinutubuan na ang balbas sa mukha. Gulo-gulo pa at nakatayo ang buhok n’ya at lukot ang suot n’yang pangtulog. Bumaba ang tingin n’ya at sinundan ko `yun sa nakalabas ko’ng balikat at pababa sa mga binti ko. Hindi ko kasi sinuot ang lower part eh, sobrang haba at luwag. ”Magbihis ka nga!” bigla s’yang umiwas ng tingin. ”Bihis naman ako, ha?” ngumuso ako sa kan’ya at tin
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
16
DMCA.com Protection Status