Semua Bab One Pleasurable Night: Bab 11 - Bab 20
35 Bab
Kabanata 11
Umaga na naman at pasukan na ulit. Wala pa ring nagbago, maayos pa rin ang trabaho niya at binibigyang distansiya ni Leah ang sarili niya kay Troy. Gusto man niyang lumipat ng ibang trabaho ay wala siyang magagawa dahil maganda ang sweldo niya at mahirap na rin maghanap ng trabaho ngayon kaya naman ay nilalayo niya ang sarili niya sa binata. Napapasama siya sa meeting ng binata pero hanggang doon lang iyon. Trabaho lang. Wala namang kakaibang kilos ang binata sa kanya na ipinagpapasalamat niya. Nagunat-unat si Leah ng makaramdam ng sakit sa likod at saka sumandal sa upuan niya. Napaikot naman siya ng kanang kamay ng mangalay iyon. Mahigit dalawang oras na siyang nagsusulat at nagtitipa sa kompyuter pero parang hindi pa rin nababawasan ang mga gawain niya. Ang desk niya ngayon ay tambak ng mga folder at papel at sumasakit na rin ulo niya. "Oo, sekretarya niya ako, pero ba't kasi ako ang gumagawa na dapat iba ang gumagawa. Hayst." Hindi mapigilan na angil ni Leah. Wala siyang pak
Baca selengkapnya
Kabanata 12
"Mama, gising!" Naalimpungatan naman si Leah ng maramdaman niyang niyuyugyog siya ng anak niya na si Carlo. Pero hindi pa rin binubuksan ni Leah ang mga mata niya dahil sa inaantok pa siya. Hindi kasi siya makatulog kagabi dahil hindi niya malimutan ang nangyaring paghatid sa kanya pauwi ni Troy.Kaya heto siya ngayon ay antok na antok. "Mama, gising! Nasa baba si Daddy Ariel!" Napabalikwas naman agad ng bangon si Leah ng marinig ang pangalan na "Ariel". "Ariel?" Tiningnan niya ang anak niya na nakaupo sa hita niya at masayang nakangiti. "Nasa abroad ang Daddy Ariel mo, baby. Kaya h'wag kan---""But, Mama. Nasa baba talaga si Daddy Ari---""Carlo, gising na ba mama mo?"Napatingin naman si Leah sa may pinto ng magbukas iyon. Hindi niya alam ang gagawin niya ng makilala ang isang lalaki na naka-puting polo at may suot na apron sa harap ng pinto niya. "Daddy Ariel! Gising na si Mama. Ayaw niyang maniwala na nandito kana." Doon lang natauhan si Leah ng magsalita ulit ang anak ni
Baca selengkapnya
Kabanata 13
"You're here." Sabay naman napalingon sila Leah at Ariel sa likod kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nagulat naman si Leah ng makilala ang nagsalita. "S-Sir!" Tiningnan lang siya ni Troy pero agad naman itong ibinaling ang tingin kay Ariel. Medyo naging hindi komportable ang pakiramdam ni Leah dahil pinag-gigitnaan siya ng dalawang binata. Tiningnan niya ang dalawa at mayroon siyang nakikitang kuryente sa pagitan ng mga mata nila.Bago pa sa kung saan mapunta ang sitwasyon ay tumikhim naman si Leah na dahilan para ibaling ng dalawang binata ang tingin nila sa kanya. Mukhang nakuha rin naman nila ang nangyayari kaya inilibot nila ang tingin sa paligid. "Umagang-umaga ay nakikipag-landian na agad at sa harap pa mismo ng kompanya ko." "What...?"Napa-awang naman ang bibig ni Leah sa sinabi ni Troy. Kaya naman ay hindi mapigilan ng dalaga ang inis at humarap sa boss niya. Tumingin rin sa kanya si Troy pero agad naman ito iniiwas ang tingin. "Pumasok kana dahil marami kapang
Baca selengkapnya
Kabanata 14
"We need to talk, hija." Ani ng ina ni Troy saka hinawakan ang kamay ni Leah. Nagulat naman si Leah sa ginawa nito pero nangingibabaw sa kanya ang kuryosidad kung ano ba ang tunay na nangyari kay Troy ng iwan niya ito. Lumabas naman sila sa kwarto at umupo sa upuan katapat lang ng kwarto ng binata. Nang makaupo ay napatingin naman si Leah sa ginang. "Ano po iyong gusto niyong pag-usapan?" Tumingin naman sa kanya ang ginang at bumuntong hininga bago ito magsalita. "It's about Troy, hija." Bigla naman siyang kinabahan at naalala niya bigla ang pangloloko na ginawa sa kanya ni Troy. Hindi naman niya mapigilan ang mapakuyom ng kamay niya. Oo, mahigit limang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sakanya ang mga sinabi nito at pangloloko na ginawa sa kanya ng binata.Napansin naman ng ginang ang kamay ng dalaga na nakakuyom kaya naman ay hinawakan niya ito kaya napatingin sa kanya ang dalaga. "Don't be mad at Troy. I know na nasaktan ka ng anak ko noon but I know my son and he
Baca selengkapnya
Kabanata 15
"T-Troy...?" Gulat na nakatingin si Leah kay Troy na nakatayo sa harapan ng pinto ng bahay niya. "B-Bakit ka nandito?" Nagulat naman siya ng mapagtanto na suot pa ni Troy ang hospital gown nito. "T-Teka nga! Tumakas ka---""I'm sorry for everything. I miss you." Agad na niyakap siya ng binata dahilan para maputol ulit ang sinasabi niya ngunit agad rin siyang bumitaw dito at tiningnan ulit ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito. "Nakakaalala na'ko. Naalala na kita. I'm sorry for everything I've done---""Eh ano naman kung nakakaalala kana?" Putol ni Leah sa binata. Ngayong nalaman niya na nakakaalala na ang binata ay may parte sa kanya na masaya at galit. Nakaramdam siya ng galit dahil hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nito sakanya.Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Troy sa mga braso niya at itinulak ito paalis ng tapat ng bahay niya. "Umalis kana, Troy---""W-Wait! Let me explained. Gusto ko lang linawin ang nang---""Wala ka ng dapat linawin pa, Troy. Past
Baca selengkapnya
Kabanata 16
Nagising si Leah ng may liwanag na tumatama sa mukha niya. Agad naman siyang bumangon at inilibot ang tingin ng mapagtanto niyang nasa kanyang silid siya. Napahawak naman si Leah sa ulo niya ng kumirot iyon ng kaunti hanggang sa may narinig siyang kumatok at nagbukas ng pintuan niya. Sinilip naman niya kung sino iyon. "Ariel..." Saad niya ng makita niya ang taong pumasok na may dalang tray ng pagkain. "Gising kana pala. Heto, pinagluto kita, hindi ka na naka-kain kagabi." Saad nito saka ipinatong sa ibabaw ng kama niya ang dala nitong tray."S-Saglit lang!" Saad ni Leah saka kumaripas ng takbo sa banyo. Napatawa na lang dito si Ariel. Hindi na rin nagtagal si Leah sa loob at saka lumabas ng banyo. Umupo naman siya ulit sa kama kung saan naka-upo si Ariel.Hindi niya tuloy mapigilang ngumiti dahil sa kabaitan ng binata. Napaka-swerte niya at naging kaibigan niya ito. Umayos naman siya ng upo at saka tiningnan ang nakahandang pagkain sa harap niya. Mayroong sinangag na kain, sunny
Baca selengkapnya
Kabanata 17
Agad na sumakay ng sasakyan si Troy pabalik ng ospital. Nang maka-alis si Leah at ang anak nito na si Carlo ay may bumabagabag sa kanya. Hindi niya maalis sa isip niya ang itsura ni Carlo. Kahit ayaw man niyang aminin sa sarili. Carlo is really his carbon copy. Kaya naman para makumpirma ang hinala niya ay may tinawagan siyang numero. Nakailag ring ito bago sagutin. 📱: "What?" Rinig na sigaw ni Troy sa kabilang linya. "I need help. Meet me at the hospital. Now." Maotoridad na ani ni Troy at saka pinatay deretso ang selpon. "Sana tama ang hinala ko." •*•*•*•*•*"What's your problem?" Saad ng isang lalaki ng makapasok ito ng silid ni Troy. Si Troy naman ay napatingin sa kararating lang na si Nathan. Umupo naman ito sa harap niya at umayos naman siya ng upo saka tiningnan sa mga mata si Nathan. "May kailangan akong ipa-imbestiga sayo." Seryosong saad ng binata dito. "Alam mong matagal ko ng itinigil iyan, Troy. At wala akong balak gawi---""Just this time. This is my last fav
Baca selengkapnya
Kabanata 18
Napahampas na lamang si Troy sa kanyang manibela ng maalala niya ang paglapit niya sa dalaga. Her scent is so addicting. Kaya hindi niya mapigilan ang sarili na dampian ng halik ang tenga at leeg nito. Buti na lamang ay nagbukas agad kanina ang elevator sa ground floor, kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila ng dalaga sa elevator."Mababaliw nako. F*ck!" "H-Hindi totoo iyan. At may tatay ang anak ko at isa pa wala kang katunayan na anak mo nga si Carlo." Habang pinapakalma ang sarili ay bigla naman bumalik sa alaala niya ang sinabi sa kanya ni Leah. Kahit ayaw aminin ng dalaga na anak niya si Carlo, malakas ang kutob niya na anak niya talaga ito. Habang nagiisip ng malalim ay tumunog naman ang selpon nito. Tiningnan niya iyon at sinagot ito ng makilala niya ang pangalan kung sino ang tumatawag.Inilagay niya sa harapan ang selpon niya at pinindot ang loud speaker sa selpon nito."Hey. It's done?" Tanong agad ni Troy sa kabilang linya. 📱: "Yes. It's done. I sent it to you
Baca selengkapnya
Kabanata 19
"Wow! Ang daming rides dito, Mama!" Saad ni Carlo habang inililibot ang mga tingin nito sa paligid. Nandito sila sa Enchanted Kingdom at siyempre kasama ang dalawa. Dito dapat balak ni Leah magbonding sila lang ng anak niya. Napailing na lang siya ng maalala ang nangyari kaninang umaga sa bahay niya. Natulala na lamang si Leah ng marinig niyang sagutin ng dalawa ang tanong sakanya ni Carlo. Parehas nakatingin sakanya ang dalawang binata na naghihintay ng sasabihin niya kaya hindi niya maiwasan ang mapalunok. Hindi niya alam ang isasagot niya sa mga ito. "Napaka-wrong timing mo naman anak magtanong. Hayst!" Ani ni Leah sa kanyang isip. Magsasalita na sana siya ng maudlot ito ng isang tunog dahilan para mawala ang namumuong tensiyon na ipinagpa-pasalamat naman niya. Napatingin naman siya kung saan nanggaling iyon. Tumunog ulit iyon, at napagtantong ang mga sikmura ng dalawang binata ang tumutunog. Bigla namang nahiya ang dalawang binata at sabay nagkamot ng ulo. Nag-angat si Le
Baca selengkapnya
Kabanata 20
"Pakibaba na lang si Carlo sa kwarto niya." Ani ni Leah kay Ariel. Tumango naman sa kanya ang binata at umakyat na sa hagdan. Napaupo na lamang sa pagod si Leah sa sofa at saka pumikit. Kakauwi lang nila at si Ariel na ang naghatid sa kanila sa bahay. Nauna ng umuwi sa kanila si Troy dahil may emergency daw kaya naman ay pinauna na nila ito. Ngunit, ng malaman ni Leah na aalis na ang binata ay hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot. Kaya naman ay nag-aya na rin siyang umuwi after nila kumain dahil pagod na pagod na si Carlo. Habang na sa biyahe ay nakatulog na agad doon ang anak niya."Nakakapagod ang araw na ito. Andaming nangyari." "Are you okay, Leah?" Napamulat naman si Leah ng mata at tumingin sa nagsalita. Nakita naman niya si Ariel na nakatingin sa kanya. Bakas sa mga mukha nito ang pag-alala. Ngumiti naman siya dito at tumango. "I'm fine."Tumango-tango naman ito saka tumabi ng upo sa kanya. Tahimik lang sila ng ilang minuto hanggang sa magtanong si Ariel sa kany
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status