Semua Bab Ms. Athena Saint Claire : Bab 41 - Bab 50
89 Bab
Chapter 40
AthenaMag aalas dose na pero hanggang ngayon ay wala pa rin kahit ang anino ni Cordova na dumating dito sa bahay ko.Kanina ko pa rin sinusubukang tawagan ito. Pero out of coverage naman ito. Dahil doon ay lalo lang nag init ang ulo ko.Talagang sinusubukan mo ako ha. Tingnan lang natin kung may magagawa ka pa sa gagawin ko sa iyong bwisit ka. Pinuno mo na ako masyado. Nanggagalaiting sa isip isip ko.Naghintay pa ako hanggang 1pm. Pero wala talaga. Hindi siya dumating. Kuyom ang kamay na niligpit ko na ang aking mga hinanda para dito. Buti na nga lang at may natitira pang pag titimpi sa akin kaya matiwasay ko naman na niligpit ang mga pagkain na kanina pa nakahain. Lumamig na lahat pero walang dumating. Malamang kasi na pinag hahagis ko na ang mga ito sa inis.Maya lang ay nag bihis na ako ng pang alis at pupunta muna ako sa bahay at balak ko makausap ang aking ama. Dumaan saglit ako sa isang bakeshop at bumili ng favorite na cookies ni Mom. Siguradong matutuwa ang mga ito pag n
Baca selengkapnya
Chapter 41
JasmineMaaga akong gumising ngayon at medyo maganda kasi ang pakiramdam ko. Agad na rin akong kumain at nag handa na para umalis. Paalis na ako dito sa bahay. Pupunta ako ngayon sa mall at marami na akong mga naka tambak na trabaho doon. Tsaka panay na rin ang tawag sa akin ni Ms. Mandy at may mga pag uusapan kami na hindi kaya over the phone lang. Hindi rin pala ako pumunta sa bahay ni Ma'am Athena. Sinadya ko talaga na e off ang phone ko that time. Alam ko naman kasi na tatawag yun pag wala pa ako sa bahay niya. Di pa kasi ako nakakabili ng bagong sim card kaya hanggang ngayon ay natatawagan niya pa rin ako. Hindi ko naman pwede na e block ito at sure na malaman niya iyon at least kung magpapalit ako ng sim ay pwede kong idahilan iyon sa kanya. Hindi na rin ako nagulat na marami na itong text sa akin pag open ko pa lang ng phone. Puro ulit pananakot ang mga text nito sa akin. Na kung dati ay natatakot pa ako pero ngayon ay parang natural na lang sa akin ang lahat ng iyon.Na
Baca selengkapnya
Chapter 42
JasmineNandito na ako sa kwarto kung saan ako dinala ng mga kumidnap sa akin. Siguro kung hindi lang dahil sa na kidnapped ako ay baka na appreciate ko pa kung gaano kaganda at ka comfortable itong kuwarto na kinaroroonan ko ngayon. Tanaw ko rin kasi mula dito sa bintana ang mala bughaw na dagat na parang nag aanyaya sa akin na maligo. Isama mo na rin ang kulay puting buhangin nito. Ito ang mga gusto kong puntahan sana ngayong summer eh. Kung hindi nga sana nangyari ang ganito sa amin ni Ma'am Athena ay baka niyaya ko na ito na mag vacation kami. Pakiramdam ko nga ay hindi naman ako ganun masyadong kinakabahan. Yung di ko ma feel na nasa panganib ako. Pwede pala yun no. Yung na kidnapped kana at alam mo na nasa panganib ang buhay mo pero hindi ka kinakabahan na parang huling araw mo na sa mundo. Parang ako lang yata itong na kidnapped na relax lang eh. Napapailing na lang ako sa aking naisip. Tsaka pansin ko rin na parang may hawig din ito sa kwarto ni Ma'am Athena. Pareho kas
Baca selengkapnya
Chapter 43
Jasmine"Ngayon mag uusap na tayo ng masinsinan." Mariing sabi nito sa akin. Napipilitan na tumango na lang ako dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mahamig ang aking sarili."Unang una gusto ko muna mag pakilala sa iyo. Ako si Arturo Saint Claire. Ama ako ng babaeng sinaktan mo." Galit na pakilala nito sa akin. Agad naman nanlaki ang aking mga mata sa narinig. What!?? Ama siya ni Ma'am Athena? Pero bakit kailangan ako pa kidnapped nito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya? At ano raw sinaktan ko ito? Hello!!!! Ako nga ang sinaktan nito eh. Binasted nga diba ako nito. Tapos sasabihin ngayon ng tatay nya na ako pa talaga ang nanakit dito. Ibang klase din naman gumawa ng kwento. TskSumbong ko kaya dito kung ano ang ginawa ng magaling nyang anak sa akin at baka ito pa ang mapahiya ngayon. "Tatay po pala kayo ni Ma'am Athena, Sir Arthur? Naku baka nag kakamali lang po kayo ng pina kidnapped. Hindi po totoo na sinaktan ko si Ma'am Athena. Sa katunayan nga po nyan ay ako p
Baca selengkapnya
Chapter 44
AthenaMasayang masaya ako ngayon na lumalangoy dito sa dagat. Paano naman kasi ay natanaw ko na ang chopper kung saan nakasakay si Cordova. Kung hindi niya sana sinagad ang pasensya ko di hindi na sana kami umabot pa sa ganito. Wala eh. Pinuno na niya ako masyado. Kaya tuloy umabot pa sa kidnappan para lang makausap ko siya. Siguro naman eh di na nya ako matatakasan pa. Kahit na may lahi pa sya ni palos ay wala na siyang kawala ngayon. Pinag patuloy ko na lang ang aking pag langoy. Maya na lang siguro ako papasok sa loob. Napag usapan kasi namin ni Dad ay siya muna ang kakausap dito. Kikilatisin nya daw muna ang kanyang magiging manugang at sisiguraduhin daw muna nito kung ano ang totoong nararamdaman sa akin ni Cordova bago niya ito ipaki usap sa akin. Naniniguro lang daw sya baka maya ay di naman na pala ako nito mahal eh. Maghahabol lang daw ako dito.Duh sa ganda kong ito maghahabol ako. Hindi ko gawain ang ganoong bagay no. Kapal naman ni Cordova kung mag hahabol ako sa ka
Baca selengkapnya
Chapter 45
JasmineBusy ako sa pagtingin ng magandang tanawin mula dito sa bintana ng sala nila Ma'am Athena ng parang biglang kumabog na lang ang aking dibdib. Feeling ko ay may naka tingin sa akin. Kaya dahan dahan na pumihit ako patalikod. Sakto na mukha ng isang diyosang si Athena ang aking nalingunan ngayon na nakangiti ng malawak sa akin. Ngiting ngiti ang bruha na akala mo ay walang ginawang masama sa akin. Di ko naman maiwasang igala ang aking paningin sa kabuuan niya ngayon. Lalo na at napansin ko na naka two pieces lang pala siya. Para namang biglang nanuyo ang aking lalamunan at di ko na mabilang kung naka ilang ulit ng lunok ang aking ginawa. Shit na malagkit bakit naman naka ganito lang ito na haharap sa akin? Inaakit nya ba ako? Pwes hindi na nito kailangan pa na mang akit kasi sobrang adik na ako sa kanya. Ang kinis talaga ng kanyang mga binti at wow ngayon mas lalo ko tuloy nakita ang nag mamayabang nitong dibdib sa akin. Hello babies! Kailan ko kaya kayo mahahawakan? Sa is
Baca selengkapnya
Chapter 46
JasmineNandito pa rin kami sa sala nila baby loves at magkayakap pa rin ng biglang may tumikhim sa aming likuran. "Ehemm, mukhang okay na kayong dalawa ah." Nakangiting sabi ng father nito ng amin siyang malingunan. Agad naman akong ngumiti kay Sir Arthuro ng balingan ako ng tingin nito."Okay na po kami Dad ni Jasmine. At isa pa po eh kami na. Girlfriend ko na po sya." Masayang balita naman nito sa ama niya."Masaya ako para sa inyo. Ito lang ang masasabi ko sa iyo Jasmine. Please lang huwag mo sasaktan ang anak ko ha. Kundi ako mismo ang makakalaban mo. Nag kakaintindihan ba tayo?" Ma awtoridad na sabi nito sa akin. " Yes Sir. Hindi ko po gugustuhin na masaktan pa ang inyong anak. Tsaka takot ko lang po sa inyo, lalo na po dito sa dragon na ito." sagot ko naman agad dito sabay saludo pa. "Tsaka mahal na mahal ko po sya sir kaya pag nasaktan sya ay parang sinaktan ko na rin po ang sarili ko. Pero mukhang ako pa po yata ang sa saktan ng anak nyo eh. Bilis kaya ng kamay nyan na ma
Baca selengkapnya
Chapter 47
Jasmine"Ano yung kanina ha?" Tanong ulit nito sa akin habang masama pa rin ang tingin nito sa akin.Dapat talaga hindi na ako nakisakay sa biro ni Dad sa akin. Tuloy mukhang manunuyo kaagad ako ng matandang dragon na handa na naman bumuga ng apoy."Baby loves naman, naki sakay lang naman ako sa biro ni Dad eh. Alangan naman po na salungatin ko ito diba." Pag papaliwanag ko naman agad dito sabay yakap sa kanya at hagod sa likod nito. Habang hinahalik halikan ko naman ang mabango nitong noo.Hmmm ang bango niya talaga. Amoy baby "baby ko". Kailangan ko itong gawin upang kumalma naman itong mahal ko. "Ayaw mo naman po siguro na di nya ako magustuhan diba?" Dagdag ko pang paliwanag dito habang patuloy parin sa pag hagod ang aking kamay. "Nakakainis ka kasi kanina. Nakakahiya kaya iyon kay Dad." Sabi nito sabay irap pa talaga. Natatawang hinalikan ko na lang ito ng mabilis sa kanyang mga labi. Mukhang nag papa bebe lang ata itong baby damulag ko eh. "Sorry na po kung napahiya ka dahil
Baca selengkapnya
Chapter 48
AthenaBigla naman akong na nahimik sa pag bubunganga dito kay Cordova nang mapansin ko na naka yuko na lang ito ngayon na para bang hiyang hiya sa kanyang mga nagawa. Hindi ko lang naman maiwasan na usisain ito sa mga ginawa nya nung nasa hindi kami in good terms eh. Medyo na konsensya naman ako dahil doon. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa akin ng mangyari iyon hindi pa naman kami. Pero di ko lang kasi maiwasang mainis pag naaalala ko ang mga bagay ginawa niya." Sorry na po baby loves oh. Di na iyon mauulit pa." Nakayukong hingi pa nito ng tawad sa akin. Habang pinaglalaruan na nito ang kanyang mga daliri. Mahahalata mo rin kasi sa boses nito na parang maiiyak na siya dahil doon. Napailing na lang ako at agad na ulit itong hinila palapit sa akin at niyakap na lang sya ng mahigpit. " Sorry din sa mga nasabi ko. Alam ko naman na wala akong karapatan na isumbat sa iyo ang mga bagay na iyon. Pero naiinis lang kasi ako baby loves eh." Hingi ko rin naman sa kan
Baca selengkapnya
Chapter 49
JasmineAfter namin ma masyal ni Baby loves ay umuwe na muna kami saglit. Medyo gutom na rin kasi kaming dalawa eh. Kaya naman napag pasyahan namin na bumalik na muna sa rest house nila dito. Si baby loves nga pala ang mag luluto ngayon. Gusto din daw naman niya na kahit paminsan minsan ay mapag silbihan niya rin ako. Hindi naman na ako tumanggi pa sa bagay na yun. Kung ano ang gusto ng Baby loves ko di yun ang masusunod. Tsaka gusto ko rin maranasan na mag lambing dito paminsan minsan. Masarap din sa pakiramdam yung ang maldita nito pero pag dating sayo sobrang sweet niya. Tsaka minsan lang na tupakin ng kasipagan yan kaya samantalahin ko na. Tsaka gusto lang naman daw niyang makabawi sa akin sa lahat ng pag papahirap na ginawa nito. Sa pananakit ng damdamin ko. Kaya sino ba naman ako para hindi ito pag bigyan di ba? Chance ko na rin ito na maranasan din na pag silbihan niya. Kaya e enjoy ko na lang talaga ng sobra. Nang makarating kami sa bahay ay medyo problemado ako. Paano gusto
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status