Lahat ng Kabanata ng Mafia Boss Trapped : Kabanata 71 - Kabanata 80
92 Kabanata
Chapter Seventy One
NAMIMILI na ng isusuot ng mga oras na iyon si Beatrice sa pupuntahan niyang pagtitipon."Ano bang mas magandang isuot iyong pula o blue?" Pakikipag-usap ni Beatrice sa sarili habang pinapasadaan niya ang dalawang imported na long gown na nasa ibabaw ng kama niya ng mga oras na iyon.Tapos na siya sa paglalagay ng make up sa mukha at nakapili na rin siya ng mga jewerly set na gagamitin niya sa gabing iyon. Pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nakakapag-decide si Beatrice."This is so frustrating!" angil ni Beatrice na hinawakan pa ang magkabilang sentido para bang biglang nanakit iyon na hindi niya mawari.Hanggang isang katok ang narinig ng dalaga sa pinto. Nang buksan niya iyon ay ang dalawa niyang bestfriend na si Penelope at Farah iyon."Bii! gosh! wala ka pa rin pagbabago sa personal huh! magandang-maganda ka pa rin!" Puri ni Penelope na nakipag-appear pa kay Beatrice."Sinabi mo pa bii, kita mo parang hindi nanganak!" Segunda naman ni Farah na naglakad na papasok a
Magbasa pa
Chapter Seventy Two
LUMIPAS ang ilang araw, magmula ng gabing aksidenti silang magkita ni Rudny at Beatrice sa party ay hindi na muling nakita pa ng babae ang binata.Pabor kay Beatrice iyon dahil mas okay na hindi na ito magpakita sa kanya. Wala rin naman pupuntahan ang ginagawa nitong pagsunod-sunod sa kanya.Natatawa na lang si Beatrice kapag nakikita niya kung saan-saan si Rudny magmula ng umuwi siya galing States. Sa mall isang beses na ipinasiyal niya si Jaxx Rube, sa labas ng mansiyon nila at kahit sa D.G Empire kung saan nag-umpisa na rin siyang magtrabaho ay naroroon ito.Naging instant stalker ito."Hindi ko talaga maisip na magiging ganito kapursige si Rudny sa'yo beh," sabi ni Farah ng minsan magpunta ito sa sariling office niya para maghatid ng isang dokumento na kailangan ng pirma niya."Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ni Beatrice na nasa binabasang papeles ang atensyon. Ni hindi nito makuhang tapunan ng tingin si Farah dahil bukod sa kailangan pa niyang basahin ng maigi iyon ay marami
Magbasa pa
Chapter Seventy Three
"HEY stop that!" Akmang kukuhanin ni Rudny iyon ng marahas na tinapik ni Beatrice ang kamay niya na siyang ikinagulat naman nito."Ikaw! tigilan mo ako! hindi na ako ang dating Beatrice na sunud-sunuran sa iyo. At heto..." Binugaan pa niya ng usok ang mukha ni Rudny. Nakatitig lang naman ito na walang kakurap-kurap, sobrang napakaseryuso nito sa mga sandaling iyon."Nakakatawa ka, alam mo ba Mr. Aragon dati-rati wala ka naman pakialam kung anong nanyayari sa akin sa araw-araw. Naalala ko rin dati kung paano mo ako tinataguan, ang laki ko ngang tanga dati sa katulad mong gago! Pero ngayon kung umasta ka ay para naman meron ka ng pakialam sa mararamdaman ko," nang-iinsulto ang tinig ni Beatrice.Muli ay nakita niya ang pagdaramdam sa mukha ng binata. Ngunit wala siyang pakialam.Nang hindi ito sumagot ay tuluyan niya itong tinalikuran at hinanap ang astray niya na nasa gilid ng bintana. Akmang itatak-tak niya ang upos niyon ng marinig niyang magsalita ito."Ano ba sa tingin mo itong mg
Magbasa pa
Chapter Seventy Four
"Senyor handa na po ang lamesa." Tawag pansin ni Nana Losita sa kanila ang kusinera ng mansyon."Tara na iha at nang makakain na kayo, saka ang sabi ni Rudny ay magbe-bake ka raw ng chiffon cake. Sa totoo lang na-miss ko iyon." Pagsasalita ni Ricardo na hindi napansin ang dis-belief na reaction ni Beatrice.Tuluyan binuhat ng babae ang anak at pinaupo sa baby chair na ipinakuha pa ni Ricardo sa attic."Mommy! ayuko rito! gusto ko sa lap mo please!" Sumamo ng bata na nagpapalag pa sa kinauupuan na baby chair."Anak naman big boy ka na, behave please..." Pakiusap ni Beatrice sa anak na nagtitili."Naalala ko tuloy si Rudny ganyan na ganyan din siya noong maliit pa siya. Hindi matigil sa pagwawala ito kapag nilalagay siya ng Mommy niya riyan. Kaya nga nai-stock iyang baby chair sa stock room," ani ni Ricardo na naglalagay na din ng kanin sa plato nito.Muli ay matipid lang na ngumiti si Beatrice.Bigla naman nagtayuan ang buhok sa batok ni Beatrice ng maramdaman niya ang dapyo ng mainit
Magbasa pa
Chapter Seventy Five
"ANO bang sinasabi mo, liwanagin mo nga?" naguguluhan na usal ni Ricardo."lihim akong magre-request ng DNA testing kay Jaxx Rube," nasabi niya."Nababaliw ka na ba, bawal ang gagawin mo hindi mo ba alam iyon?" sita ni Don Ricardo."But Dad, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung mali ang hinala ko." Pamimilit ni Rudny."Naku naman!bahala ka na nga, pero ito ang sinasabi ko.Huwag ka ng umasa pa, dahil kung kayo talaga sa huli ay kayo talaga," usal nito. Tuluyan ng naglakad paalis si Ricardo, habang si Rudny ay naiwan pa rin doon."Hindi ko na hihintayin na dumating ang araw na sinasabi niyo Dad, dahil hindi ko na kayang lumipas ang araw na hindi pa kami maging dalawa ni Beatrice." Sa isipan ni Rudny.MABILIS naman nagtatakbo palabas ng kotse ni Seth si Jaxx Rube ng makita nitong nasa may lawn si Don Vicenti na nakaupo sa may wheel chair. Nasa likuran nito ang isang caregiver."Hai Lolo, anong ginagawa niyo rito?" bibong tanong ng bata na agad nagmano sa matandang lala
Magbasa pa
Chapter Seventy Six
NAGHAHANDA na si Beatrice sa pupuntahan party sa Manila Hotel. As usual ay tungkol sa trabaho niya ang dahilan kung bakit siya a-attend, gusto na lang sana niyang magpahinga dahil halos may jetlag pa siya ngunit importanteng event iyon na dapat hindi niya ma-missed.Kaya heto siya rarampa na mag-isa, tinagawan niya si Seth kung maari siyang masamahan pero ang sabi nito ay may iba itong lalakarin.Hindi naman niya ito mapipilit dahil iyon din naman ang gusto niya unti-unting magkaroon na rin ito ng sariling buhay na wala sila ng anak niyang si Jaxx Rube. She want Seth to find her true love at hindi siya ang babaeng iyon.Isinuot na niya ang earings niya at tuluyan ng naglakad palabas ng silid niya. Muli niyang binilinan ang yaya ni Jaxx Rube na bantayan nito sa silid ang bata habang hindi pa siya nakakauwi.Maglalakad na sana si Beatrice papunta sa kotse niya ng may humarang sa kanya at siyang nagbukas ng tuluyan sa pinto niyon."You?" gulat niyang sabi habang nakatitig sa gwapong mukha
Magbasa pa
Chapter Seventy Seven
"WHAT do you think your doing," malamig na sabi ni Rudny na titig na titig sa kanya."Pakialam mo ba, I'm here, having conversation to my prospect client. Habang ikaw nakikipaglandian sa ex mo!" Supla niya."Teka sandali mali ka ng iniisip Bea, let me hear out first," wika ni Rudny pero inirapan lamang siya ng babae."Sorry for interrupting but I have to leave you here now. Till next time Ms. De Guzman." Paalam ni Zebastian na ngumiti na naman sa kanya ng ubod tamis. Litaw na litaw tuloy ang mapuputi at pantay na ngipin nito."Tsk! kung makangiti ay para kang hinuhubaran. Tara na ngang umuwi hindi ko gusto ang vibes dito," iritableng saad ni Rudny na akmang hihilahin nito ang kamay na hawak pa rin niya. Ngunit biglang iwinaksi iyon ni Beatrice. Matalim itong nakatitig sa lalaki."At sinong nagsabing uuwi ako na kasama ka, pwes humanap ka ng masasakiyan mo pauwi!" inis na sabi ng babae at nagmartsa na palabas."Wait! Bek-Bek galit ka ba dahil sa nakita mong paghalik sa akin ni Elisse
Magbasa pa
Chapter Seventy Eight
KATULAD ng nakagawian ay nagpatuloy sa pagiging busy sa kumpaniya si Beatrice sa dumaan na araw. Pero may dumagdag sa hectic niyang schedule."Hello ma'am nasa labas na po si Mr. Hugh." Pagbibigay alam ng secretary niya mula sa intercom."Sige sabihin mong hintayin na lang ako sa parking lot," tugon ng dalaga. Tuluyan na niyang pinatay ang laptop at kinuha ang foundation at lipstick niya para mag-retouch.Tumayo na siya at dumiretsong lumabas at naglakad papasok sa private elevator niya. Magsasarado na sana iyon ng biglang may pumigil na kamay. Nang tignan niya ay si Rudny iyon."Anong ginagawa mo rito?" Pagtataray ni Beatrice na hindi tinatapunan ng tingin ang lalaki na tuluyan sumabay sa kanya sa elevator."I'm glad naabutan pa kita, pauwi ka na ba?" tanong ni Rudny na pasipol-sipol lang."Hindi pa," sagot naman ni Beatrice."Bakit saan ang lakad mo sa ganitong oras?" takang tanong ni Rudny. Alas-siyete na rin ng gabi at totoo naman na dapat ay umuuwi na siya dahil naghihintay sa ka
Magbasa pa
Chapter Seventy Nine
MARAHAS naman napabuga ng hangin sa bibig si Beatrice, dinig pa niya ang papalayong yabag mula sa labas ng isinaradong pinto.Tuluyan siyang napasandig sa likuran niyon."Calmn down Bea, relax...inhale, exhale. Wala naman gagawin sa'yo si Rudny your safe narito ka sa mansyon." Pagpapakalma ng babae sa sarili."Iyan ba ang totoo o naapektuhan ka na sa kung paano ka niya titigan." Kontra ng isang tinig sa isip niya."T-that's not true!" matigas niyang usal. Tuluyan na siyang naglakad kahit nangangatog pa rin ang mga binti niya.Matapos niyang makapagbihis ay tuluyan na siyang bumaba, napakalma na rin niya ang sarili sa ilang segundong pakikipag-usap niya sa harapan ng salamin.Ipinlaster niya sa labi ang ngiti, gusto niyang palakpakan ang sarili niya sa galing niyang umarte na kalmado siya."Halika na ija at umpisahan na natin kumain," sabi sa kanya ni Don Vicenti.Nasa kaliwang bahagi nito ang Kuya Novice niya, habang sa tabi naman nito ay naroon na nakaupo si Rudny. Titig na titig na
Magbasa pa
Chapter Eighty
"Ibaba ko na ate, see you later bye." Paalam niya sa kausap nang matanawan niya ang paglabas ni Jaxx Rube kasunod nito si Rudny. Agad na tumabi sa kanya ang anak, habang ang lalaki ay tuluyan ng isinarado iyon at agad na nagpunta sa harapan ng manibela."Hoy! teka lang nasaan si Yaya?" Pigil ni Beatrice sa pag-uumpisang pagdrive ng binata."Hindi ba paulit-ulit na sinabi ng Daddy mo na tayo lang tatlo ang ba-biyahe," pagsagot ni Rudny sa kanya. Nang tignan niya ito mula sa front mirror ay kitang-kita ni Beatrice ang kakaibang paraan ng pagtitig nito sa kanya.Kakatawang pamilyar sa dalaga kung paano siya nito titigan ngayon. Dahil kabisado na niya ang lalaki, alam na niya ang susunod na mangyayari. Kita niya ang pagbite lips nito, ang sexy nito kapag ganoon ang itsura nito para siyang naakit at nae-excite sa susunod na mangyayari.Literal na nakaramdam ang dalaga ng init, ngunit lahat ng iyon ay tuluyan naglaho. Dahil sa biglaang pagpre-preno ni Rudny. Kaya upang matigil siya sa ginag
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status