"I know you well.. Kapag galit ka, may iniisip ka, o kung Masaya ka.." Parang may nabuhay na kabayo sa dibdib niya sa naririnig Mula sa asawa. "..Kabisadong kabisado na kita, Dhrey.." At mas lalong humigpit pa Ang yakap nito. "Lalo na kapag nag seselos ka." May halong pang aasar niya kaya nahampas Siya ni Audhrey sa gilid na Hindi Naman niya ininda bagkus ikinatuwa pa. Pinutol niya Ang pagkakakulong sa asawa para harapan itong Tignan. "Wala ka dapat ipagselos " Naging seryoso na Ngayon at buong focus na pinakatitigan si Audhrey. "Hindi nga sabi Ako nagseselos." Paninindigan pa din nito at muling sumimangot na ikinatawa Lalo ni Darcy. "Ang cute mo no.." Saka napunta ng isang palad niya sa leeg ni Audhrey kasabay nun Ang paglapit ng kanyang Mukha upang siilin ng halik Ang asawa. Nasa isip niya ng ititigil iyon ora mismo sakali Mang Hindi magustuhan ng asawa. Pero naipikit ni Audhrey Ang mga matang gumanti sa halik na matagal na ring Hindi tinatamasa ng kanyang labi.
Last Updated : 2025-07-09 Read more