Semua Bab Stranded With A Hot CEO: Bab 11 - Bab 20
39 Bab
Chapter Eleven
NAKATULOG si Joey at nagising sa malakas na hangin sa labas ng resthouse. Patuloy pa rin ang bagyo, at mas malakas na iyon ngayon. Kumakalampag ang anumang parte ng bahay na nahahampas ng hangin. She wanted to stay buried under the covers pero nag-alala siya. Gusto niyang i-check kung okay ang lahat. O kung may nasira na ba ang bagyo sa bahay dahil sa kababayo nito ng hangin doon sa magdamag. “Ang lamiig…” pagrereklamo niya habang tinatapik ng kanyang mga kamay ang kanyang malalamig na mga pisngi na exposed sa labas ng comforter. Maging ang dulo ng kanyang ilong, pinisil-pisil niya para mag-init. Nag-stretch siya at tumingin sa mga bintana. Ayaw pa niyang lumabas ng kwarto pero kailangan. Pagkatapos niyang ma-check ang kailangang i-check, babalik siya rito at magbababad sa ilalim ng comforter maghapon, much preferably with a book.Then she remembered Pepper.Iyong sexy guy na dumating kagabi sa halip na isang babaeng housemate na inaasahan niya. He wasn’t just a figment of her imagin
Baca selengkapnya
Chapter Twelve
NANGANGALIGKIG sa lamig si Pepper nang magbalik siya sa bahay pagkatapos nang may isang oras. It was hard to drive with the wind batting at his car even when the clubhouse was just very near. Ilang beses siyang nag-swerve sa daan dahil sa dulas niyon o dahil sa malakas na hampas ng hangin. The fog was unforgiving. Hinintay pa niyang mag-clear iyon dahil sa liko-likong kalsada bago makarating sa resthouse nila sa hillside. Nang buksan niya ang pinto, nagsalo ang hangin mula sa labas at ang amoy sa loob. Muntik na siyang mapaungol nang maamoy niya ang bango nang kung anong masarap na niluluto sa kusina, tapos natuloy nang maisip niya na, oo nga pala, magluluto pa siya. Pero sobrang nakakagutom ang amoy.Nag-angat ng tingin sa kanya si Joey nang pumasok siya sa kusina dala ang mga nasa bags na grocery. Sumunod ang mga kilay nito sa gulat. “Basang basa ka na naman!”“Yeah. And freezing. I’ll go to my room and change,” aniya habang nakatingin sa niluluto nito, at natatakam. That was
Baca selengkapnya
Chapter Thirteen (i)
“ARE YOU alright?”Pakiramdam ni Joey ay nangangatal lahat ng cells sa kanyang buong katawan. Nakapikit nang mariin ang kanyang mga mata at nakalapat ng buo niyang likod sa basang sahig sa loob ng back door. Nakapatong sa kanya si Pepper dahil bago siya nito matulak papasok, ihinarang nito ang katawan nito sa kanya. Ni hindi niya namalayan na napayakap siya rito, pero sa mga sandaling iyon ay nakapalibot ang mga bisig niya rito at nakayakap nang mahigpit. At pareho silang basang basa at nangangatal sa lamig at, duda niya, ay shock.Sa labas, naririnig ang ingay nang paghampas ng yero paulit-ulit sa screen door. Nagalaw na marahil iyon ng malakas na hangin at nakaharang na ngayon iyon sa backdoor. Naisip niya, paano na lang kung hindi nila iyon napansin? Paano kung hindi siya nakasunod kay Pepper at nakatalikod pa ito noong iniinspeksyon pa nito iyong labas ng bintana? He could have been cut in half right before her very eyes!Kinilabutan siya at nangunyapit pang lalo rito haban
Baca selengkapnya
Chapter 13 (ii)
Nanatili ang yakap nito hanggang sa unti-unting nakontrol niya ang sumalakay na pangangatal. Then, of course, they had to change into dry clothes. Nag-iisip siya. Kailangan niyang maging rational. Because she was losing her mind thinking about what would happen next.“Lalabas ako. Can you finish here? Will you be okay alone?”Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ito. “I actually feel much better,” sagot niya habang hinahawakan ang dignidad. He was trying to be rational. She must, too. “Thank you.”Ngumiti ito. “I’ll have to check the window in the master’s bedroom. Do we have the keys?”Tumango siya. “Nakasabit sa loob ng cabinet ng c-coats sa salas,” sabi niya. Unti-unti nang nababawasan ang init sa tubig pero nagtititigan pa rin sila. “I’ll be fine,” aniya rito.“The kiss. Was that… Did you think that maybe sinamantala ko ang—”Pinatigil niya ito sa pagsasalita sa paghalik dito. And then they were both smiling when he raised his head from hers. “Hold it. I have to check the ho
Baca selengkapnya
Chapter Fourteen
NANG MAGBALIK si Pepper, may dala itong bote ng alak.“Oh,” nasambit ni Joey.“Whisky. I’ll put a little something on your drink, too. It will eliminate whatever still remains of the shock earlier.”“I guess,” sabi niya, saka pinanood ang paglalagay nito ng maliit na amount ng brown liquid sa kanyang cocoa. Ganoon din ang ginawa nito sa mug nito, saka umalis sandali para ibalik ang bote sa kusina.Inangat niya ang mug habang wala pa ito at humigop nang konti. May nahalong kakaibang lasa pero hindi naman sapat para matakpan ang lasa ng tsokolate. Ramdam niya ang spiked na init noong nagdaan ang likido sa kanyang lalamunan pagkatapos niyang lumunok, at ang pag-settle niyon sa kanyang tiyan. She felt a little better when that heat seemed to gently spread from her stomach to her body. Sa ikalawang paghigop, pabalik na si Pepper sa salas. Lumigid ito sa coffee table at nagtungo sa sofa. “Is it okay if I…” Hindi na nito tinapos kasi tumatango na siya. Noong nakaupo na ito sa kabilang d
Baca selengkapnya
Chapter Fifteen
SA KABILA ng kanyang blunder, nangingiti si Pepper nang maibaba ang cellphone sa island para i-check kung lahat ng kailangan niya ay nasa harapan na niya. Pagkatapos ay nagtungo siya sa salas para silipin kung gising na si Joey.Still sleeping.He could imagine how emotionally drained she was after what happened this afternoon. Maging siya, kapag naiisip na kung hindi siya naalerto nang padating na peligro dahil nakita niya ang mukha nito habang nakatanaw sa lumilipad na yero, hindi siguro siya napalingos. Pinaglalamayan na siya siguro ngayong gabi.It would have been hilarious to him, normally. Aktibo si Pepper sa physically. Pagkatapos ng football stint niya sa collegiate team ng Ateneo, nalipat sa mountain climbing ang kanyang atensyon. Kasali siya sa isang national mountaineering club na hindi lang dito sa Pilipinas nag-oorganisa ng climbing events kundi sa buong mundo. Hindi niya planong akyatin ang sikat na seven summits in the world. Most of the time, kung libre ang kanyan
Baca selengkapnya
Chapter Sixteen (i)
“YES. She’s gaslighting you now sa kanyang Facebook account and using the victim card. She’s not mentioning your name, but to us who knew about that night, it was pretty obvious she was talking about you. Hindi rin niya direktang kinukumpirma pa sa public na buntis siya pero nagpo-project na siya so pretty soon, she would be talking about it. It’s not as if she can actually hide a tummy that’s getting bigger every month.”“So she’s setting me up as the fall guy,” naiirita niyang dagdag. He was washing the veggies to roast with the steak that was ready to go to the oven now as soon as it got the required heat. Naiirita niyang tinapos hugasan ang cherry tomatoes at peppers para ilagay sa drainer. Humugot muna siya nang malalim na buntonghininga bago siya nagsalita sa mas kalmadong tinig. “She’ll stop when she realizes I’m not buying her bluff nor am I worried about what she could do. And you shouldn’t worry about it, too, O.”“No. I…” Narinig din niya ang pagbuntong-hininga nito. “I
Baca selengkapnya
Chapter Sixteen (ii)
Although if push comes to shove, he would rather serve through being a doctor than politics, pero hindi niya pinili pareho. Mas interesado siya sa mga ideas na makakapagbuo ng businesses. Mas interesado siya sa proseso kung paano maging viable ang isang nasimulang venture. He went abroad to explore studies on small businesses after graduating from Management Economics in college. Nang magbalik siya, nagsimula siya sa pag-i-invest sa paisa-isang project tungkol sa services. He owned three franchises now—isa sa larangan ng test clinics, isa sa foot gear, at isa sa food service, bukod sa consulting sa mga businesses ng mga kaibigan at connections na nabuo na niya mula pa noon. The last one was the most recent kaya iyon ang nabanggit niya kay Joey. Si Oliver ang bahala sa training programs para sa tao nila at ang isa pa nilang kaibigan, si Rick, ang in-charged naman sa Marketing. Si Jim ang sa feasibility studies and served as his right wingman kapag may bago siyang ideya. He resea
Baca selengkapnya
Chapter Seventeen (i)
“HEY. Ang alam ko, kapag nagluluto ka, hindi ka dapat nakasimangot. Hindi raw kasi sasarap ang luto kapag gano’n,” ani Joey mula sa kanyang kinatatayuan sa may pinto. Nakasandal siya sa frame, nakabalot pa rin ng blanket, her arms crossed across her breasts because of the cold. Gulat na napaangat ng tingin ni Pepper sa kanya. May ilang minuto na rin mula noong narinig niyang natapos ang huli nitong call at bumangon na nga siya para magtungo rito, pero napatigil sa may bukana noong inabutan niyang nasa malalim na pag-iisip ang binata habang nakatitig sa tatlong white onions na nasa cutting board. Nakatukod ang mga kamay nito sa gilid ng island, nakakunot ang noo, at bahagyang madilim ang mukha. “Gising ka na pala,” sabi nito habang napapailing, saka pumihit at nagtungo sa pot na nasa stove. “The cocoa is still hot. Kakainit ko lang ulit. You want?”“I want,” sabi niya habang tuluyan nang pumapasok. Umupo siya sa stool habang nagsasalin ito ng cocoa sa mug na ginamit niya kanina p
Baca selengkapnya
Chapter Seventeen (ii)
Uh-oh.“Hotspot me later and I’ll accept your friend request—but in one condition.”“Anything,” handa nitong sagot.Napapantastikuhan siya na talagang desidido itong maging friend niya sa social media. “Don’t tease me about my posts, no matter how cheesy they get—”“I wouldn’t dare,” anito, poker-faced. Nagdududa niya itong tinitigan, saka siya nagbuntonghininga. Like she could do anything about it. She already knew she wanted him in her life, and that meant being honestly exposed to him as much as she expected him to be open to her. “Okay. Later.”“Good. So,” sambit nito noong pinagpapatuloy ang paggayat ng bell peppers naman. “Who’s the other lola?”“Si Lola Kora ko, siya ang mahilig sa gulay and gardening. Noong maliit pa ako, ayoko nang kahit anong green sa plato ko pero by my late teens naging acquired taste na. Even ampalaya. Lalo na, I’m always sitting sa work ko. Kung hindi balanse at healthy ang pagkain ko, magiging unhealthy ako at hindi advisable iyon sa isang manunulat
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status