All Chapters of The Silent Billionaire : Chapter 61 - Chapter 70
71 Chapters
Chapter 60 Book2
Austin's POVKakarating ko lang galing sa mansyon ni Laica at kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kama, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iniimbitahan kasi ako sa dinner ng ama niya."Pupunta ba ako?" Tanong ko sa aking sarili habang nilalaro ko ang aking mga daliri. Hindi ako mapakali, panay rin ng aking gulong-gulong sa kama.Kanina sa photo shoot, hindi ko mapigilang hindi humanga kay Laica napaka ganda kasi niya lalo na nung unang beses ko siyang makita sa ganoong ayos, para siyang anghel na bumaba sa langit. Hindi ko tuloy maintindihan ang aking sarili kong bakit napaka bilis ng tibok sa aking puso tuwing magdidikit ang aming mga balat ni Laica. Nung araw na unang beses ko siyang nakita na sumakay sa isang luxury car ay medyo naiinis at nagtampo ako sa kanya dahil sa paglilihim niya sa akin dahil una pa lamang na magkakilala kami sa university ay halata kong mayaman siya ayon narin sa postura niya at tindig, ngunit isang mahirap nga lang na tao ang pagpapakilala niy
Read more
Chapter 61
Masayang kaming kumakain sa hapagkainan kasama si Austin na katabi ko ngayon sa upuan, napansin ko na hindi siya kumukuha ng hipon at pusit na siyang pinaka paborito ko, kaya naman ay kumuha ako ng hipon at binalatan ko ito saka inilagay sa kanyang plato, dahil nakatingin siya sa dalawang kambal ay hindi niya napansin na nasama sa kutsara niya ang hipon na aking binalatan. Napapa hagikhik pa ako dahil nagawa ko na mapakain siya ng hipon, ngunit napansin ko rin si daddy at mommy na pinandilatan ako ng mata. Kaya nakangiti akong yumuko at inabala narin ang sarili sa pagkain, nagkakamay lang ako dahil mas masarap kumain pag nagkakamay at lalo na pag seafood ang nakahain sa hapagkainan. Habang abala ako sa pagkain ay napalingon ako sa aking katabi dahil panay ang ubo nito at hindi mapakali ang kamay na panay ang kamot sa leeg at mukha. Napansin ko rin na nagpapantal at namumula ang kanyang mukha. "Austin, what's happening to you?" Tanong kong sambit at tumayo na ako."H-Hindi ko alam,"
Read more
Chapter 62 Book2
Hindi rin naman nagtagal ang magulang ni Austin sa hospital at umalis rin ito, hindi rin nila isinama si Austin sa kani-kanilang sasakyan dahil may importanti pa raw itong mga lakad kahit na gabi na, sa huli ay samin pa rin sumama si Austin pabalik sa mansyon."Salamat po tito, tita. Buti pa po kayo ay ramdam ko ang pagiging magulang kisa sa aking sariling magulang na puro trabaho lang ang inatupag at halos wala na silang pakialam sa akin," saad niya habang papasok kami sa pinto ng mansyon."Wag kang mag-alala iho, welcome ka dito sa bahay, pumunta ka lang dito kung kailangan mo ng magulang," saad naman ni daddy at tinapik pa ang likod ni Austin."Akyat muna ako Dad," paalam ko sa aking ama at mabilis akong umakyat sa taas.Pagkasara ko ng pinto ng aking kwarto ay, tinutup ko ang aking dibdib dahil bumilis ang tibok nito, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng marinig ko ang sinabi ni daddy."Nakakainis, baka naman maglipat bahay na yung mokong na yun at dito nalang tumira
Read more
Chapter 63 Book2
"Anak, ano sa tingin mo?" Tanong sa akin ni mommy habang naka tayo kami sa edsa at tinitingala ang billboard na kaming dalawa ni Austin ang nasa larawan. Matamis ang mga ngiti habang hawak ang produkto na aming iniindotso. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang aking sarili, parang akong na speechless at nakatanaw lang sa aking larawan. "I like it mommy, thank for this opportunity," sambit ko at niyakap ko si mommy. "Thanks you so much anak at pinag bigyan mo ako, sabi ko nga sayo na oras na makita mo ang iyong sarili sa billboard ay tiyak na magugustuhan mo," aniya.Nilingon ko si Austin na nasa aking likuran. Nakatingin lang siya ngunit walang reaksyon, blangko ang mukha na nakatitig sa billboard. Hindi batid kong ano ang iniisip niya. "Austin," tawag ko sa kanya."Uhm," tipid niyang sagot."Did you like it?" Tanong ko sa kanya. "Yeah," aniya at bahagyang ngumiti. Bumalik siya sa sasakyan at hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi siya masaya sa nakikita niya. Hindi
Read more
Chapter 64 Book2
Lumipas ang mga araw. Nakatanggap si Lyca ng mensahe mula kay Austin gamit ang cellphone."Lyca, nakakahiya man pero gusto ko sana na magkita tayo, sana pagbigyan mo ako. Promise ngayon lang, pag tinanggihan mo ako, hindi na ako mangungulit sayo," mensahe ni Austin.Nag set ng araw at lugar si Austin para sa pagkikita nilang dalawa. Kasalukuyang nag hihintay si Lyca sa lugar kung saan sila magkikita ni Austin. Excited din naman si Lyca dahil umaasa siyang maibabalik na ang dati niyang best friend na makulit at masayahin lang palagi. Ngunit isang oras na siyang naghihintay ay wala pa ring Austin na dumating o kahit anino man lang ng kanyang inaasahan na special na tao ay wala. Nakapag desisyon siyang maghintay pa ng isang oras, dahil nag baka sakali siyang baka darating pa si Austin at baka na traffic lang ito."Ma'am, mag oorder na po ba kayo?" Tanong ng waiter na lumapit sa kanya. "Mamaya na lang siguro, may hinihintay pa ako," malungkot niyang sagot. "Pahingi nalang ng tubig," d
Read more
Chapter 65 Book2
"Hi babe," bati ni Lyca kay Ryan. "Kumusta ang flight mo?" Dagdag pa nito."Jet lagged," kibit balikat niyang sagot sa isang taon niyang boyfriend na si Ryan. Pagsakay sa kotse ay isinandal ni Lyca ang kanyang ulo sa balikat ni Ryan habang magkahawak kamay silang naka ngiti. Kagagaling lang ni Lyca sa US dahil dinalaw niya ang kanyang lolo na naospital dahil sa sakit nito. Dalawang buwan din ang itinagal niya roon, kailangan din niya agad maka balik ng pilipinas dahil may trabaho siya at ayaw niyang iasa iyon sa kanyang ama dahil naipangako niya rito na pagka graduate niya ay tutulungan niya ang kanyang daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya.Si Ryan ay ang naging malapit sa dalaga sumula noong naging magka klase sila sa kolehiyo at ito na ang lagi niyang nagtatakbuhan tuwing may problema siya at kasa-kasama niya sa araw-araw. Naging maayos ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa magtapat ng pag ibig si Ryan at mabilis na napasagot si Lyca dahil palagay na ang kanyang loob sa binata dahil
Read more
Chapter 66 Book2
Kinabukasan ay nag set ng date si Ryan, nag request kasi si Lyca na lumabas sila ng kasintahan dahil na miss niya ito. Sa isang sikat na restaurant sa makati sila pumunta. Napaka romantic ng gabing iyon para sa kanila. Mamahalin at masarap na pagkain ang inihain sa kanila na siyang enorder ni Ryan. Isang napaka gandang musika ang tinugtog ng tatlong lalaki nanakarayo sa harap ng kanilang mesa na may hawak na violin. Inaya siya ni Ryan na mag sayaw. Sa gitna ay merong nagkalat na petals ng pulang rosas. Inilagay niya ag kanyang kamay sa balikat ni Ryan at hinawakan naman ni Ryan ang bewang niya. Ilang saglit pa ay nagsasayaw na sila habang may pinang uusapan. Nang may lumapit sa kanila na isang waiter. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Napalingon na may pagtataka si Lyca sa lalaking naka puti na may rebbon sa leeg, ang lalaking waiter. "ha? Sino?" Tanong niya sa waiter. "May inimbitahan ka bang iba babe?" Baling na tanong niya sa kasintahan. Kunot noo naman si Ryan na umiling.
Read more
Chapter 67 Book 2
"Hello?" Sambit ni Ryan ng iangat nito ang telepono. Nagising siya sa ingay ng tumunog ang telepono, kaya pupungay-pungay itong umupo sa kama. "I'm sorry...." Umiiyak na sambit ni Lyca. "Bakit ka nag so-sorry?" Nagtataka na tanong ni Ryan sa paos na boses."Ang akala ko, okay na ako. Akala ko na buo na ako ng tinanggap kita sa buhay ko Ryan... I'm sorry," Pag amin niya sa kasintahan habang umiiyak. Ika dalawa na ng hating gabi ng makapag desisyon si Lyca na tawagan ang kasintahan dahil hindi siya makatulog. Nakokonsensya siya sa kanyang nararamdaman. Ayaw niyang saktan ang kasintahan kaya habang maaga pa ay gusto niya itong kausapin at humingi siya ng tawad. Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ng magkita sila ni Austin at manumbalik ang pagmamahal niya sa binata na inakala niyang matagal ng nakabaon sa limot ng makilala niya at tanggapin ang kasintahan na si Ryan. "Hindi kita maintindihan, babe. Nasaan ka? Pupuntahan kita," may pag aalala na sabi ni Ryan sa kanya. Agad-ag
Read more
Chapter 68 Book2
"Long time no see, Ryan." Bati ni Austin kay Ryan. Seryosong umupo lang si Ryan sa katapat na bakanteng upuan. Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant at nagkasundo na magkita at mag usap ng masinsinan. "Bakit ka pa nagpakita? Anong kailangan mo Austin?" Seryosong tanong ni Ryan kay Austin."Ibabalik ko ang tanong mo Ryan, anong kailangan mo? Alam kung alam mo kung sino ang may atraso sating dalawa," giit pa ni Austin. "Hindi ka tumupad sa usapan Austin, at may kasunduan tayo!" Nagiging madiin na ang pagsasalita ni Ryan sa bawat pagbigkas niya ng mga kataga. "Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo Ryan? Tang ina naman Ryan! Pina bantayan ko lang sayo si Lyca! Pero bakit shinota mo ang babaeng minamahal ko!?" Gigil na tanong ni Austin kay Ryan. "Binigyan kita ng kasunduan Austin! Wag mong sabihin na nakalimutan mo! Sinabihan kita na kapag hindi ka dumating sa araw na iyon ay pagsisisihan mo! Matagal na panahon akong nagtiis na hindi magtapat kay Lyca, minahal ko na si
Read more
Chapter 69 Book 2
Nililipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok ni Laica habang nakaupo siya sa dalampasigan at hinahampas ng maliit na alon ang kanyang paa. Tela malalim na nag iisip habang nakatanaw sa araw na palubog na. “Laica! Anak, halika na at nakahanda na ang hapunan.” Tawag ni manang sa dalaga, ang mayordoma ng mansion ng mga Salazar. Nilingon ni Laica ang babaeng may edad, si manang. Nginitian lamang niya ang babae saka bumalik ang tingin sa araw na palubog. Masaya siya na pinagmamasdan ito, noon pa man nung bata pa siya ay hilig na niya manuod ng sunset tuwing nagpupunta sila sa dagat ng kanyang magulang. “Babe?” Nag angat ng tingin si Laica ng marinig niya ang boses ni Ryan. Nasa likuran na niya pala ang binata habang nakatayo. “Okay kalang ba?” Tanong ni Ryan at tumabi ito sa dalaga. Tipid lang ang ngiti ng dalaga sa binata at muling bumaling sa napaka gandang araw na palubog. “Hali na kayong dalawa!” Muling tawag ni manang kina Laica. Hinintay muna ni Laica na lumubog ang araw bago
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status