Lahat ng Kabanata ng Three Month Agreement: Kabanata 31 - Kabanata 40
133 Kabanata
Chapter 30
"Zehra, gumagalaw pa ba iyan?"Siniko ko si Lea. Ang tinutukoy niya ay si Adriano na nakatayo sa labas ng bahay nila. Ang mga kamay ay nasa harapan at blangko ang itsura. Kanina pa ito pinagtitinginan ng mga kapitbahay namin na dumaraan. Hindi nga ito gumagalaw pero tingin ko ay ganito ang training niya. Mukhang bodyguard kasi talaga siya ni Thauce."Pero, ang gwapo niya talaga Zehra. Ano ang pangalan? ilang taon? nang pumunta kasi siya nung kunin ang mga gamit mo ay hindi ako kinausap kahit na ang dami-dami kong tanong sa kaniya. Sinabi ko pa nga sa sarili ko at nanalangin sa mga tala na magkita kami ulit. At ito nga... narito na siyang muli."Hinila ko na lang si Lea papasok ng bahay nila. Tiyak kasi na naririnig ni Adriano ang usapan namin na dalawa at nakakahiya! itong kaibigan ko kasi ay lantad ang pagkagusto dito sa tauhan ni Thauce."Tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad niyan sa akin! 30? 32? ayos lang iyon! 27 naman na ako!""Shh!" suway ko sa kaniya. Ibinaba ko sa lames
Magbasa pa
Chapter 31
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Thauce sa kusina ay hindi na siya bumaba pa ng kaniyang silid. Hindi rin siya kumain ng hapunan. Napabuga ako ng hangin nang makita ang iniluto ko kagabi na hanggang ngayon ay wala pa rin bawas.Hindi ko na lamang iyon pinansin. Nagluto ako ng agahan at nang matapos ay umakyat ako sa aking silid upang maligo. Nakatapos ako ng alas siyete ng umaga. Umaasa na pagkababa ay maaabutan ko si Thauce na kumakain pero nabigo ako. Pagtingin ko sa agahan ay walang kabawas-bawas iyon.Naupo lang ako sa stool at hinintay ang pagbaba niya pero 7:30 na ay wala pa rin. Hindi ba siya papasok?Tumayo ako at naglakad upang puntahan siya sa kaniyang silid. Ngunit bago pa man ako makahakbang paakyat ng hagdan ay nakita kong pumasok si Adriano sa loob ng bahay.Naningkit ang aking mga mata sa napansin. Napalapit ako sa kaniya nang makita ko na sugat ang nasa kaniyang ibabang labi."A-Ano ang nangyari? napaaway ka ba?"Ngumiti siya sa akin at umiling, "Hindi po, Ma'am Zehra.
Magbasa pa
Chapter 32
"E-Errol...""Good night. See you next week, Zehra," sabi niya ng nakangiti at pumasok na sa loob ng sasakyan. Napatingin pa ako doon hanggang sa makaalis na iyon at mawala sa paningin ko.Naibaba ko ang mga paper bag na hawak ko at napataban ako sa aking mga labi.Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata nang may mapagtanto ako pagkatapos ng ginawa ni Errol.Kahit ang halik na iyon...Hindi manlang napabilis ang tibok ng puso ko.Naglakad ako papasok sa eskinita at imbis na pumunta sa aking apartment ay tinungo ko ang bahay nila Lea. Nagulat pa siya nang dumating ako. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Adriano ngunit wala pang limang minuto ay nakita ko na siya sa labas ng bahay nila Lea.Ang bilis naman niya?Ngayon nga ay nakauwi na kami sa bahay ni Thauce. Wala siyang mensahe sa akin hindi katulad nang pumunta ako sa bahay nila Lea. Mukhang galit pa rin siya hanggang ngayon. Napabuntong hininga ako. Nagpasalamat ako kay Adriano at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking silid. Piki
Magbasa pa
Chapter 33
Malamig ang aking pakiramdam habang pababa ako ng hagdan. Ang isip ko ay inaalala ang nangyari kagabi. Sa sobrang pagod at antok ay natatandaan ko na dumiretso ako kaagad sa aking silid. Naglinis ng katawan at nagbihis... pagkatapos non ay humiga na ako sa aking kama at hinila ng antok. Pero..."Naisarado ko ba iyong pinto ko?"Ipinaling ko ang aking ulo at nagsalubong ang aking mga kilay. Ang aking isang kamay ay nasa aking baba at ang isa naman ay nakahawak sa aking siko. Inaalala ang mga ginawa ko kagabi. Bakit iba ang nararamdaman ko? parang totoo naman iyong... nangyari?"Imposible, eh. Sira ba ang ulo ni Thauce at pupunta siya sa loob ng kwarto ko at... a-at gagawin iyon?" tanong ko sa aking sarili. Mahina lamang ang aking boses habang dahan-dahan sa pagbaba sa hagdan."Zehra..."Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang boses na iyon ni Thauce sa aking isipan. Napatakip ako sa aking mga tainga at napahinto sa gitna ng hagdan. Sinasabi ko na nga ba, hindi na dapat ako manati
Magbasa pa
Chapter 34
Pagkatapos ng sinabi ni Thauce ay tumayo siya at lumabas sa silid. Napabuga ako ng hangin at tumingin kay Sister Angelica. Nahihiya. Humingi ako kaagad ng paumanhin. Ang hirap rin kasi kay Thauce ay basta kung ano ang nais gawin at sabihin ay ginagawa na lang niya. Sa harapan pa mismo ni sister bigla na lang nagmura.Nakakahiya."Pasensiya na po talaga kayo sa inasal ni Thauce."Umiling si Sister Angelica, "Sanay na kami sa batang iyon. Pero mabait naman siya, 'nak. Hindi naman ang lumalabas sa bibig niya ang magsasabi at magpapakilala sa iyo kung sino siya. Napakabuti na bata niyan. Matabil lang ang dila."Naalala ko ang pagtulong ni Thauce sa amin ni Seya.Iyon nga. Mabait rin siya at matulungin na tunay pero, minsan ay mahirap intindihin. Lalo iyong mga sinasabi niya. Nais niya akong manatili sa kontrata at gawin ang napag-usapan namin pero hindi naman ako maaaring umalis ng basta-basta sa bahay niya."Hindi naman niya pinababayaan itong bahay ampunan kahit na sobrang abala niya sa
Magbasa pa
Chapter 35
"Amen."Pagkarinig ko ng sinabi ng mga tao sa buong audi ay naitulak ko si Thauce palayo sa akin. Nabigla ako sa kaniyang tanong masyado at hindi kaagad nakapagsalita. Direktahan ang kaniyang tanong kung gusto ko ba siya, nakatingin sa mga mata ko ng diretso at mukhang kaya niyang malaman kung magsisinungaling ako sa kaniya."Wala."Bulong ako pero tingin ko ay ako lang ang nakarinig. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya kahit nang pababa na at wala nang halos matira sa entablado. Napalunok ako at bahagyang iginalaw ang aking ulo upang makita siya sa gilid ng aking mga mata. Ang kaniyang mga daliri ay nasa kaniyang pang-ibabang labi at sa tingin ko ay natutuwa pa siya."W-Wala akong gusto sa iyo.""Really?" tanong niya pa.Napalingon ako sa kaniya nang muli niyang hilahin ang aking braso, hindi marahas, maingat na at ang kaniyang paghawak ay may kasamang pagpisil na parang sa ginawa niyang iyon ay maaaring magbago ang aking sagot."Hi-hindi na tayo nakapagdasal. Bakit ba kasi ang isi
Magbasa pa
Chapter 36
Napangiwi ako nang makita ang masamang tingin ni Thauce sa akin."A-Ano na naman ang ginawa ko?" tanong ko sa kaniya.Napaatras ako nang lumapit siya sa akin, hindi siya tumitigil. Taas baba rin ang kaniyang dibdib dahil sa inis? galit? hindi ko alam kung ano itong nakikita ko sa kaniya pero parang galit siya dahil salubong ang mga kilay niya at masama ang tingin niya sa akin.Kaso... may halong ibang emosyon ang nasa kaniyang mga mata. Hindi ko lang mapangalanan."Babalik rin naman ako doon sa loob, eh--""I thought you left me."Mahina lang ang pagkakasabi niya kaya hindi ko masyadong narinig."H-Ha?""I thought you left."Napasandal ako sa pader at naramdaman ko ang lamig non. Itinaas ni Thauce ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ko at napayuko siya sa aking harapan."B-Bakit naman ako aalis? sinabi ko na pupunta lang ako sa comfort room.""You took so long.""Matagal talagang mag-cr ang mga babae, Thauce.""Not you."Ang bilis ng pagsagot niya!"Hindi naman kita iiwan dito
Magbasa pa
Chapter 37
"Hey.""Zehra."Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakilala ko ang mukha ng lalakeng lumapit. Isa ito sa mga kaibigan ni Errol at ni Thauce. Sa bar ko ito nakita noon. Hindi ko lang maalala kung ano ang pangalan. Mukhang hindi naman nabanggit?"Ngayon na lang ulit kita nakita. I asked Errol about you, hindi ka na pala nagwo-work sa bar niya?"Nagsimula akong maglakad at sumabay naman siya. Nauna na ang iba na makapasok sa rest house nila Lianna. Ako ay may binalikan lang dito sa sasakyan ni Thauce. Hindi ko pala kasi namalayan na nalaglag ang cellphone ko sa aking bulsa."Lumipat ka na ng trabaho?"Nang hindi ako sumagot sa tanong ng lalake ay napakamot siya sa kaniyang batok."Sorry, I forgot to introduce myself. Kit, Kit Driones pala. Nasa kabilang sasakyan ako kasama sina Errol. Kaibigan rin nila ako."Alam ko naman na kaibigan siya, ang sinabi ni Lianna ang mga makakasama lamang nain dito ay ang mga kaibigan nila.Huminto ako sa paglalakad ang hinarap si Kit Driones."Zehra," sago
Magbasa pa
Chapter 38
Hindi naging madali para sa akin ang magdesisyon na sundin ang mga gusto ni Thauce para sa kapakanan ng kapatid ko. Hindi lang ang pagkuha sa atensyon ni Errol, hindi lamang ang paibigin ito dahil mas nadagdagan ang mga nais ni Thauce na gawin ko para sa kaniya.Nang magsisi ako sa pagtanggap ng kasunduan ay huli na, wala rin sa aking isipan na mahuhulog ang loob ko sa taong ang tingin ko una pa lang ay masama na. Lahat, lahat ng nangyayari ngayon ay kailanman hindi sumagi sa aking isipan.Ang gusto ko lang ay maging ligtas si Seya, mawala ang malubhang sakit niya kahit pa ang kapalit ay ang sarili ko. Kahit pa manloko ako ng ibang tao. Ngunit hindi nagtagal ay napagtanto ko na mali na gumamit ako ng iba para lamang sa pansariling dahilan ko, naging makasarili ako at hindi na inisip pa ang kapakanan ni Errol at ang nararamdaman niya para sa akin.Siya na simula umpisa nang magkasakit si Seya ay nariyan para damayan ako."Kung... kung tinanggap ko ba ang alok na tulong ni Errol? makaka
Magbasa pa
Chapter 39
Mag-uusap? k-kami?"A-ako? Ano ang pag-uusapan natin?""Thauce!" sigaw ni Errol, sa gilid ng aking mga mata ay nilapitan siya ni Lianna. Niyakap at sinusubukan na pigilan na lumapit sa amin. Ako naman ay naguguluhan. Hindi sumagot si Thauce. Ang kamay niya na nasa aking balikat ay ngayon bumaba na sa aking baywang. Ganoon na lang ang paglunok ko nang kumapit siya doon."I will not fckng let you do what you want, Errol," mahina lamang iyong mga salita na binitawan niya ngunit rinig na rinig ko. May diin, may panganib. Pagkatapos ng ilang segundo ay hinila na niya ako palabas ng silid."S-sandali... anong--"Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil tumingin na ako kay Lianna at Errol nang maglakad si Thauce paalis habang hawak ang aking kamay. Nakikita ko sa kanilang mukha ang gulat, sino ba ang hindi mabibigla? k-kahit ako naman!"Thauce, ano ba?" nauubos na ang aking pasensiya nang subukan ko na alisin ang hawak niya ngunit ang higpit non. Paglingon ko ay nakita ko pa na haha
Magbasa pa
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status