JILLIAN'S POINT OF VIEW Sinama ko ang aking kapatid na si Nene patungong ospital. Dala na namin ang mga gamit na kailangan ng itay. Ayon sa mga nurse ay naoperahan na ang tatay at nasa recovery room lang ngayon. Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay naipagamot na nang maayos ang itay. Iyon nga lang ay hindi dito natatapos ang problema. Kailangan ko pang humanap ng malaking pera para pambayad dito."Nene, ikaw muna ang magbatay sa itay, ha. Hindi ako pwedeng umabsent sa trabaho. wala tayong ibabayad rito. Nene, alagaan mong mabuti ang itay," mahigpit na bilin ko kay Nene. Alas singko na kasi at hindi pa rin nadadala ang tatay. Kailangan ko nang umalis para magtrabaho.Pagdating ko sa bahay ay hinarap ko naman si duday. Masaya akong makita na masaya ang mga kapatid ko sa bagong tv nila na pinanonooran. Sa malambot na kama na kanilang hinihigaan ngayon at sa napakaraming pagkain na kanilang kinakain ngayon.Gusto ko silang kagalitan kung bakit basta nila tinanggap ang mga ito
Baca selengkapnya