I SIGHED HEAVILY as I motioned Caridad to stop walking for a while. We went to the corner. She looked at me bewilderedly. I’m really concerned about what she felt, especially the unexpected encounter with Señorita Sarina. “Oh, bakit tayo huminto? Mayro’n bang problema, Maryan?” nagtataka niyang tanong sa akin. Nakangiti siya ngunit hindi umabot iyon sa kanyang mga mata. Umiling ako at tinitigan siya nang maigi. “Ayos ka lang ba, Caridad?”Bahagya niyang kinagat ang labi at dahan-dahang tumango. “Ha? Oo naman, ayos lang ako, ‘no. . . Bakit mo biglang natanong iyan?”“Sigurado ka ba? Puwede nating isumbong si Señorita Sarina kina Señora Jia at Señorito Yuji. Hindi naman tama ang mga sinasabi niya kanina lalo na’t aksidente lang ang pagkakabunggo mo sa kaniya. Wala siyang karapatang gawin iyon lalo na’t ang mga tao rito ay hindi ka binabastos o pinagsasalitaan ng mga gano’ng bagay,” sambit ko.Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na umiling. Bakas ang kaba at takot sa kaniyang muk
Last Updated : 2025-06-17 Read more