“Doc, paano naman kita sisisihin? Imposibleng mangyari ‘yan.” Ngumiti si Natalie sa kabila ng kanyang mga luha. “Hindi mangyayari ‘yon Doc Norman kasi palagi mo akong inaalalayan. Kapag pakiramdam ko, hindi ko kaya ang mga obligasyon bilang isang doktor—lagi mong pinapaalala sa akin kung bakit ako nagsimula. Ang tanging magagawa ko lang ay magpasalamat—salamat talaga.”“Naku naman, bata ka. Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin.” Maging si Norman Tolentino ay tila napuno ng damdamin. “Kung may dapat kang pasalamatan, ang sarili mo iyon. Hindi ka kailanman sumuko, kahit gaano kahirap. Nakita ko ang pagsisikap mo para marating kung nasaan ka man ngayon.”“Mm.” Tumango si Natalie, ramdam ang bigat ng emosyon sa kanyang lalamunan.Nagpatuloy si Norman, “kapag naaprubahan ang exemption mo sa graduate school, opisyal ka ng magiging resident doctor sa Affiliated Hospital natin. Ibig sabihin, parehong sigurado na ang landas mo sa akademya at sa propesyon. Ngayon, hihintayin na lang natin a
Last Updated : 2025-08-22 Read more