Mabilis na nagmaneho si kuya palayo sa bahay ni Desmond, yakap-yakap ko naman si Amarie. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, ang gusto kulang ay makawala na kami sa kamay ni Desmond at mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng Daddy ko at malinis ang pangalan ni Ares."Hello, Nay?"rinig kung bati ni Janete sa kausap n'ya mula sa kabilang linya."Ano?!"gulat na sabi nito sabay baling sa'kin.Bigla naman akong kinabahan. "Bakit? Anong nangyayari?""Alam na ni Desmond na kinuha ka namin pero ang akala n'ya si Ares ang nagpakuha sainyong mag-ina kaya pumunta s'ya sa simbahan kung saan ikakasal si Chin-Chin at Ares. At nanggugulo na s'ya sa simbahan"lintaya ni Janete.Napahawak ako sa noo ko, ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako papayag na saktan n'ya si Ares at Chin-Chin ng dahil lang sa'min, ayaw kung may madamay pang iba sa kabaliwan ni Desmond."Kuya, pumunta tayo sa simbahan"utos ko sa kapatid ko.Umiling ito. "Mala-late na tayo sa flight natin—""Pero kuya, hindi ko hahayaan n
Last Updated : 2025-11-23 Read more