Ngunit sa likod ng lahat ng iyon, pareho nilang alam na ang gabing ito sa 50th floor ay hindi pa tapos.Sa katunayan, ito pa lamang ang simula ng mas mapanganib na laro sa pagitan nilang dalawa.Naupo si Talia sa bar counter, dalawang mesa ang layo mula kay Nelson. Kahit magkalayo sila, ramdam pa rin ang tensiyon sa pagitan nila. Paminsan-minsan ay nagtatagpo ang kanilang mga mata sa gitna ng makukulay na ilaw at malalakas na tugtog ng lounge.Tahimik na iniikot ni Nelson ang laman ng kanyang wine glass bago ito ininom. Hindi niya maalis sa isip ang mga nangyari kanina. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanya, at bawat sagot ay tila mas nagpapalalim lamang sa misteryong bumabalot kay Talia.Samantala, nakatalikod si Talia sa direksiyon ni Nelson. Pilit niyang pinapakalma ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin ng lungsod mula sa malalawak na bintana ng 50th floor.Hindi nagtagal, may dalawang lalaking lumapit sa kanya."Good evening," bati ng isa, ngunit tila hindi niya ito narin
อ่านเพิ่มเติม