Habang lumilipas ang oras, mas naging tahimik at mas kalmado si Kyro. Halatang mas nag-mature na ito, at ramdam iyon sa bawat kilos at tingin niya.Napansin ni Kyro na nakatitig si Vaiana sa kanya, kaya’t bahagyang ngumiti ito at tinanong siya, “Bakit ganyan ka tumingin sa’kin? Anong iniisip mo?”Napansin ni Vaiana na nahuli siya sa pagtitig, kaya mabilis niyang iniwas ang paningin. “Wala naman,” sagot niya, kunwari’y walang ibig sabihin ang ginawa niya.“Kanina, pasulyap-sulyap ka sa akin.”Napailing si Vaiana, pero agad siyang sumagot. “Ikaw nga rin, hindi mo ako tinitingnan, paano mo nasabing pasulyap ako sayo?”Ngumiti si Kyro, at walang pag-aalinlangan niyang inamin, “Fine. I was peeking at you too.”Natigilan si Vaiana. Hindi niya alam kung paano sasagot. Ngunit ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Muli siyang nahulog sa simpleng galaw at katapatan ni Kyro.Maingat na hiniwa ni Kyro ang steak at inilagay sa plato ni Vaiana. “O, ayan. Kain na tayo.”Tahimik na tinitiga
Terakhir Diperbarui : 2025-05-08 Baca selengkapnya