CHAPTER 495“Congrats sa inyong dalawa,” bati ni Jillian sa bagong kasal ng lumapit na ito sa kanilang table.“Salamat,” magkapanabay naman na sagot nila Rose at Jeffrey.“Ayos lang ba kayo rito? Nakakain ba kayo ng maayos?” tanong pa ni Jeffrey sa mga ito.“Wag nyo kaming alalahanin dito dahil ayos lang naman kami at ang iba nyong mga bisita na lamang ang inyong asikasuhin,” sagot naman ni Harold.“Hindi pwede. Bisita rin naman namin kayo at isa pa ay isa kayo sa mahalaga sa aming buhay kaya hindi pwede na hayaan lang namin kayo. Basta kung may problema man ay magsabi lang kayo sa amin,” sabat naman ni Rose.“Sige na nga,” tila napipilitan pa na sagot ni Harold.“Oo nga pala. Heto nga pala ang aming regalo para sa inyong dalawa,” sabat baman na ni Jillian at saka niya inabot sa bagong kasal ang isang sobre.Nagkatinginan naman sila Rose at Jeffrey dahil doon.“Naku… hindi nyo naman na kailangan pang magregalo sa amin. Ang narito lamang kayo sa aming kasal ay okay na sa amin. Wag nyo
Last Updated : 2025-11-04 Read more