Nakatitig si Cressia sa anak niyang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Unti-unting lumiliit ang mundo nito at ng kanyang ama. Kung mangyari na magtagpo ang landas ng dalawa… dapat siya sa maaaring mangyari.“Anak, patawarin mo sana si mama kung nagsinungalin ako sayo,” pabulong niyang sabi habang hinahapuhap ang pisngi ni Cristoff. “Ipapakilala rin kita sa ama mo balang araw, anak.”Gumalaw ang anak at bigla na lamang itong nagising. Agad naman na ngumiti si Cressia dito habang nakatitig ito sa kanya na may nakakunot na noo.“Anong nangyari, anak? May masakit ba sayo? Sabihin mo kay mama,” pag-aalala ni Cressia. “Gabing-gabi na, hindi ka naman nagigising ng ganitong oras.”“Napanaginipan ko si papa, mama. Sabi niya ayaw niya sa akin, pangit daw po ako,” nangingiyak na saad ng bata.Niyakap ni Cressia ang anak. “Hindi anak, mahal ka ng papa mo, hindi totoo ang napanaginipan mo,” pagpapatahan niya dito. Hinapuhap niya ang likuran nito para patahanin.“Bakit hindi pa siya umuuwi? Hi
Last Updated : 2025-12-09 Read more