ReclaimMaingay ang paligid. Naririnig ko ang mahinang kalabog sa pasilyo, ang tunog ng mga nurse na nag-uusap, mga pinto na bumubukas at sumasara. Sa bawat kaluskos, parang may sumusulpot na alaala. Pero ako, nananatiling tahimik. Tulala. Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakatingin sa labas ng bintana. Wala naman akong makitang bago—pareho pa rin ang pader, ang rehas, ang langit na kulay-abo. Pero kahit alam kong wala roon ang hinahanap ko, hindi ko maiwasang tumingin. Baka sakaling... may makita.Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto. Maingat, parang pinilit hindi gumawa ng ingay. Si Nurse Kamila. Hawak niya ang isang itim na tray—alam ko na agad: pagkain, gamot. Palagi. Ganon palagi.Lumapit siya sa akin. Banayad ang galaw, parang naglalakad sa manipis na yelo.“Stella, kumain ka na muna,” malumanay niyang sabi at ngumiti sakin.Nilapag niya ang tray sa maliit na mesa. Puting kanin, pritong ulam, tubig. Sa tabi, ang maliit na tasa ng gamot—antipsychotic, mood stabilizer, at pangkal
Terakhir Diperbarui : 2025-07-16 Baca selengkapnya