Pagkatapos ng gabing 'yon, nagbago ang lahat. Or, mas tama siguro sabihin na nagbago si Yul. Para akong hinulog sa isang malalim na balon na walang sapit, iniwan sa dilim matapos niyang iparamdam ang init. Ang dating tingin niya na puno ng pagnanasa at pag-unawa ay napalitan ng isang blangko at malamig na ekspresyon. Akala ko, ang gabing 'yon ang magiging simula namin. Ang magiging tulay para mas maging malalim ang koneksyon namin sa mundong ito na pareho naming pinasok. Pero nagkamali ako, I was left alone in the dark. Sa madaling salita, tinikman lang niya ako. Kinabukasan, pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko. Ni isang bakas ng presensya niya, wala. Ang tanging natira ay ang amoy niya sa unan, at ang bakas ng init niya sa kumot. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Bakit ba ako umasa? Bumalik sa dati ang lahat. Ang pakiramdam ng pagiging mag-isa, ang bigat ng responsibilidad na hindi ko pa rin lubos maintindihan. Bumalik ako sa pag-aaral ng mga tradisyon, sa pagsasanay sa
Last Updated : 2025-08-01 Read more