Crown Prince Proposal

Crown Prince Proposal

last updateLast Updated : 2025-07-04
By:  NajaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital. Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family. Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod. Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana. Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa. Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat. Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya. Pero nagkamali siya. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa. Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe? Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya? O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?

View More

Chapter 1

Simula

Lian's Point of View

Bilang breadwinner ng isang pamilya na may tatay na lasinggero at kapatid na puro bisyo, isa lang ang gusto ko, ang makalaya.

Okay na sa akin na si nanay lang ang makasama ko sa buhay, huwag lang ang tatay at kapatid kong walang ginawa kundi lustayin ang pera ko na dapat sana pambayad sa gamot at hospital bills ni nanay.

Pero may pagpipilian ba ako kung sa akin sinisingil lahat ng utang nila? Kailangan kong magabayad kundi baka mabalita na lang sa akin na wala na si tatay o 'di kaya ang kapatid ko.

Ganun palagi ang cycle ko sa buhay na gustong-gusto kong takasan. Hirap na hirap na akong pasanin sila pero sa huli pamilya ko pa rin sila.

Mapait akong napangiti at napailing, bitbit ang trash bag na itatapon sa basurahan.

Araw-araw akong nakikipaglaban sa buhay para lang may makain, may maipambayad sa utang at sa hospital bills habang ang tatay at kapatid ko, walang pakialam sa akiin. Puro bisyo ang inaatupag.

"Dati ko pa sinabi sa kanya na magserve siya sa mga VIP pero panay tanggi. Ano lang naman ang gagawin niya doon, i-entertain ang mga bigateng boss at kung gusto pa niya ng malaking sahod, pwede niyang gamitin ang katawan at galingan na lang sa performance sa kama, paldo na siya doon. Baka pa nga may magtip sa kanya ng isang milyon, eh 'di bayad siya lahat sa utang. Easy money," rinig kong sabi ng kasamahan ko sa trabaho at alam kong ako ang tinutukoy niya.

Ako lang naman yung tumatanggi sa offer nila na maging isa sa kanila, na katawan ang ginagawang pampaaliw sa mga bigateng boss.

Oo't nagtatrabaho ako sa bar at club pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ibenta ang katawan ko para lang makakuha ng malaking tip o yumaman. Sapat na sa akin 'yong may sinasahod ako at may kakaunting tip, huwag lang ang ganung bagay.

May natitira pa naman akong respito sa sarili ko at dignidad kaya hinding-hindi ko gagawin yun.

"Paano kaya sila nabubuhay? May lasinggerong tatay at mabisyo na kapatid, may nanay pang comatose. Kawawa talaga."

Mapakla akong napangiti sa narinig. Normal na sa akin na pag-usapan nila dahil araw-araw naman yun nangyayari pero hindi ko pa rin maiwasan masaktan kapag tungkol na sa pamilya ko.

Masakit pero mas pinipili kong manahimik na lamang dahil ayokong may maka-away. Ang dami ko nang problema, idadagdag ko pa ba yun?

Sanay na rin naman ako. Ano pa bang bago? Pagchismis-an lang nila ako, wala akong pakialam.

Humugot ako ng malalim na paghinga at itatapon na sana ang basura nang biglang may nagtulak sa pinto kung saan ako nakatayo.

"Uy, nandyan ka pala. Magtatapon ka ng basura? Maninigarilyo sana kami. Padaan ha? Doon lang kami sa madilim. Tapos na kasi kami. Sama ka ba mamaya sa amin?" anyaya ni Mika na mabait lang kapag kaharap ako.

"Naku wag mo na yang i-invite, Miks, tatanggi rin naman yan," sabat naman ni Charlie. "Tara na sa madilim, kating-kati na ako manigarilyo. Ang sarap kaya kapag katatapos lang may magbembang sa'yo tapos sigarilyo agad. Hindi naman yan makarelate si Lian. Ayaw magpagalaw. Virgin pa."

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nila at itinapon ang trash bag sa tambakan no’n.

Papasok na sana ako nang mahagip ng tingin ko ang malaking billboard sa kabilang building.

“Crown Prince Yul is now looking for a bride to marry as he will be the next king of the country,” nakalagay sa caption, kasama ang gwapong mukha ng prinsipe.

Hindi ko akalaing aabot ako sa panahon na may mga prinsipe at prinsesa pa, pero siguro iilan na lang. Sila lang din ang kilalang royalties sa bansa kaya sikat pa rin. Ina-acknowledge pa rin sila ng gobyerno.

Ganun talaga kapag maimpluwensiya ang pamilya, malakas sa politika at iba pang aspeto kaya nare-recognize pa rin ng karamihan.

Sino bang hindi? Bilyonaryo ang pamilya, may iba't-ibang kumpanya, may malaking palasyo, mga lupain, lahat na yata nasa kanila.

"Funny isn't it?"

Natigilan ako sa narinig. Hinanahap ko agad ang pinanggalingan ng boses hanggang sa dumako ang tingin ko sa pigura ng isang lalaki.

"Bakit?" tanging lumabas sa bibig.

"That royalties exist in modern time," wika ng lalaki. "If you are offered by marriage of the prince, will you accept it?"

Namataan kong humarap siya sa akin. "A-Ako?" turo ko sa sarili, medyo nag-aalangan pa.

"Yes, you. May kausap pa ba ako dito maliban sa'yo? Unless may nakikita kang 'di ko nakikita." Masungit niyang sabi.

"Uh, hindi ko alam. Depende?" hindi siguradong sagot ko.

"Even if you have the privelege on everything? Money, house and lot, travel around the world, just everything," diin niyang sinabi.

Napaisip ako. Kung magpapakasal ako sa prinsipe, wala na akong pproblemahin sa lahat. Pero kapalit naman no'n ang kalayaan ko dahil matatali ako sa royal duties. Pero kung tutuusin, mas maayos naman 'yon kesa magtrabaho sa club at bar.

"Oo, pwede naman. Pero hindi ba dapat kapwa-royalty rin ang pinipili bilang mapapangasawa ng isang prinsipe?" tanong ko, may halong pagtataka.

"The prince has the right to choose whoever he wants," sagot niya, tila walang gana. "Anyway, thanks for answering. See you around."

See you around? Regular customer ba siya sa bar?

"Pero..." kumunot ang noo ko nang wala na siya sa kinatayayuan niya.

Nasaan na 'yon?

"Lian, tawag ka! Magseserve ka na raw," tawag sa akin mula sa loob kaya agad akong pumasok.

"Ikaw ang magserve sa VIP, wala si Miks at Charlie. Huwag kang mag-alala, hindi sa paraang iniisip mo ang tinutukoy kong VIP. Puntahan mo na lang," si manager kaya sumunod ako dahil may tiwala naman ako sa kanya at alam niyang magkaiba kami nila Miks at Charlie.

Pagpasok ko pa lang sa VIP na sinabi niya, mamahaling alak agad ang sumalubong sa akin at pabango. Hindi mausok, kwentuhan at tawanan lang.

"Ito na po yung pulutan niyo," mahinang sabi ko at maingat na inilapag ang mamahalin tray sa lamesa.

"Here's your tip." Napatingin ako sa kamay nang ilapag niya ang limang libo sa tabi ng kamay ko. "You're that girl, right? The one I talked to?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa nagsalita at bahagyang nanlaki ang mga mata.

"I-Ikaw yung nasa labas kanina? At 'yung n-nasa billboard?"

Siya 'yong prinsipe?! Si Prinsipe Yul?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status