Huminga si Maya nang malalim.“John… pwede ba tayong maglakad muna?”Nagulat ito pero agad ngumiti. “Of course. Anywhere you want.”Hindi gaanong matao ang kalsada, pero may mga ilaw sa poste, iilang sasakyang dumaraan, at sa dulo, may maliit na parke na may water fountain na may pailaw.“Doon tayo, mukhang maganda,” alok ni John, itinuturo ang parke.Tumango lang siya.Tahimik sila habang naglalakad. Si John, relaxed ang hakbang, may distansya sa gilid niya, hindi nangungulit. Si Maya naman, tila bawat isang hakbang ay may dalang bigat sa dibdib.Kailangan na niyang sabihin. Ngayon na.Pagdating nila sa parke, kumikislap ang fountain sa harap nila. May mga ilaw na nagbabago ang kulay, blue, purple, at gold. May mahihinang tawanan sa malayo, lovers sa bench, ilang bata na naghahabulan.Umupo sila sa isang bench na nakaharap sa fountain.John glanced at her. “Parang tahimik ka yata. Is something bothering you? Sabihin mo sa akin, handa akong makinig.”Humugot siya ng malalim na hininga.
Last Updated : 2025-11-25 Read more