Habang nagpupunas ng luha si Sophia napansin niya ang isang bulaklak na mukhang kahapon lang nailagay . Nasa isip niya baka sila Alona at Bechay ang naglagay ng mga bulaklak sa puntod ng kanyang mga magulang at dumalaw ang mga ito kahapon .Masaya siya dahil kahit papaano hindi naman napabayaan ang dalawang kumupkop sa kanya noon dahil nabigyan naman ang mga ito ng maayos na libingan . "nay,tay aalis na naman po ako iiwan ko na naman kayo " nang tuluyan na siyang umalis at isang oras na ang nakalipas sakto namang dumating sina Alona at Bechay para magdala nf bulaklak sa dalawang matanda . "mukhang may kagagaling lang dito kanina " tinuro ni Bechay ang isang kumpol ng bulaklak na bagong bago . "pati ito mukhang kahapon lang " binuhat niya ang isang kumpol ng bulaklak na may basket mukhang mamahalin dahil nakabasket pa ito at gawa sa flowershop na sikat sa syudad . "baka si Zimon ang pumunta dito " alam na nilang si Zimon dahil minsan na nilang nakita na dumalaw ito pero hindi nila
Huling Na-update : 2025-09-16 Magbasa pa