Hindi malilimutan ni Sofia Mendes ang ganap sa kanyang kabataan .Napahiya siya ng husto dahil sa pagmamahal lang ng isang tao . Minaliit at kinutya ang kanyang pagkatao bilang isang babae . Halos hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na siyang simula ng kanyang bangungot.Ang buong akala niya mahal siya ni Zimon Morgan ang haciendero na tagapag mana ng Morgan kompany nag iisa lang itong anak ng mag asawang mala demonyo ang pag uugali . Pero bago pumunta sa ibang bansa si Zimon para layuan siya nagiwan muna ito ng mga salitang magiging dahilan para kamuhian niya ang katulad ni Zimon . ''' isa ka lang sa mga babaeng natikman ko Sofia ,ginamit lang kita dahil lalaki ako at madaling matukso sa tulad mong madaling makuha '' para siyang pinagsakluban ng langit at lupa pagkarinig sa mga salitang iniwan sa kanya ni Zimon . Iniwan siyang may tanong sa kanyang isipan . Nangako itong mamahalin siya kahit ang tingin ng mga magulang ng binata ay isa lamang siyang hamak na hampas lupa at mukhang pera. Napaniwala ni Zimon si Sofia sa matatamis na salita hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto at bigla itong naglahong parang bula. Taon ang lumipas ng biglang nagpakita sa kanya si Zimon at alukin siya nitong bilang asawa . Ang kinamumuhian niyang lalaki ang siyang magiging asawa niya sa ngalan lamang ng papel. Tatanggapin kaya ni Sofia ang gusto ni Zimon o tanggihan? Paano kung si Zimon pala ang magiging dahilan para mapalapit siya sa taong pumatay sa buong pamilya na meron siya noon. Warning 18+ only may eksenang bawal sa mga 18 pababa .
ดูเพิ่มเติม'' papa !'' hagulgol ng isang anak ang maririnig sa buong loob ng morgue . Maririnig kung gaano ito nasasaktan at nalulungkot sa pagkawala ng kanyang ama .Gumuho ang mundo ni Sofia ng makita na ang ama nga niya ang nakahiga sa isang square na parang lababo .Tangin kumot na puti lamang ang nakatakip sa bangkay ng kanyang ama dahil tapos na itong na imbalsamo .
''wala na ang papa mo Fia iniwan na niya tayo '' napayakap siya sa kanyang ina na sobrang payat dahil sa problema .Bagong panganak lang ito sa bunso nilang kapatid. Kung gaano siya nasasaktan kitang kita ang sakit sa mata ng kanyang ina . Siguradong mamomoblema na ito sa kanilang gastusin sa pang araw araw lalo't wala na ang papa nila na naghahanap buhay.Hindi pa naman siya pwedeng magtrabaho dahil wala pa siya sa wastong gulang at nasa edad kinse palang siya. ''paano siya namatay mama ?" hikbi nitong tanong habang nanatili parin siyang nakayakap .Unti unting kumalas sa pagyayakapan at lumapit si Janeth sa bangkay ng kanyang asawa. Madaming tahi ang katawan nito na animo bugbog sarado bago nabangga ng malaking truck . '' ayon sa mga pulis nabangga ang papa mo ng isang truck at tumilapon sa may malaking puno .Hindi daw napansin ng driver na may nabunggo siya kaya hindi nadala agad sa hospital ang papa mo at nung makita na matigas na itong bangkay '' para siyang pinagsakluban ng langit dahil sa mga narinig ang saklap ng nangyari sa ama niya .Alam naman niyang mawawala ang mga ito pero hindi sana sa ganung paraan parang hindi katanggap tanggap ang nangyari sa papa niya . Hindi naman sa ganito ang gusto niya sana pag namatay ang kanyang ama dahil pangarap niya kung kunin na ito sa kanila, kahit sa katandaan na sana at sa maayos na paraan pero bakit napakasaklap naman ang paraan ng pagnapanaw ng kanyang ama. ''papa ko ,bakit hindi ka man lang nag ingat .Paano na kami '' bakit nga ba niya kinakausap ang kanyang ama wala na itong buhay . Siguro kung buhay ito baka sabihin na naman niya huwag siyang iyakin dahil lalo lang siyang pumapangit .Sa mata ng kanyang ama pangit siya dahil ang rason nito baka mausog pag sinabing maganda ang kanyang mukha na gaya ng sinasabi ng iba . Sa kanilang paaralan maituturing siyang isa siya sa pinakamaganda dahil sa wavy hair niyang mahaba at makapal ,samahan pa ng matangos niyang ilong at mahahabang pilik mata at kisable lips ,maganda din ang kanyang mga ngipin at dahil pantay pantay at puting puti dahil noong bata pa siya talagang todo alaga sa kanya ang kanyang ina dahil siya palang noon ang anak ng mga ito. '' grabe ka naman Sony sana naman nag ingat ka paano ko itataguyod ang lima nating anak .Bata pa si Fia para maging katuwang ko sa pag aalaga kakapanganak ko palang iniwan muna kami" mula sa isip ni Janeth nag aalala na siya sa kanilang hinaharap na walang katuwang sa buhay . Hindi naman siya pwedeng bumalik sa pamilya dahil matagal na siyang tinakwil ng mga magulang niya dahil sa pakikipag asawa niya ng maaga at hindi nila gusto si Sony para sa kanya. Ilang sandali pa ay lumapit na ang mga tauhan ng morgue para ayusin ang bangkay ni Sony .Muli na naman umiyak si Sofia dahil totoo ngang patay na ang kanyang ama.Hindi pala panaginip na gaya ng iniisip niya kanina. '' pwede na natin ilipat sa kabaong ang asawa mo misis .Ito palang pera galing sa nakabanggang truck '' napatingin si Fia sa isang kumpol ng pera na nasa sobre lalo siyang naguluhan dahil tinanggap ng kanyang ina ang pera at nilagay ito sa bulsa . '' bakit niyo tatanggapin iyan mama ?" suway agad ni Sofia sa ina nito. May pera naman sila pero bakit kailangan pa nito tumanggap ng pera parang binili na nila ang buhay na meron ang kanyang ama. '' kailangan anak kung ikakaso naman natin ang may ari ng truck siguradong matatalo tayo .Wala akong alam kung saan ako kukuha ng pera para sa libing ng papa mo kaya nga napagpasyahan kong isang gabi lang ang lamay para hindi na magastos '' kahit labag sa kanyang loob na kunin ang pera wala na siyang pagpipilian . Kailangan na niyang mag isip ng maayos para sa kanilang naiwan ni Sony. Wala na din silang pera at hindi alam bi Janeth kung saan ba nilagay ni Sony ang naipon nilang pera. '' bakit ba kasi ang hirap ng buhay natin ngayon tignan niyo bukod sa hustisya na gusto natin para kay papa hindi na natin magawang ibigay dahil sa wala man lang tayong kapera pera ,mama bakit ganun parang may halaga lang ang buhay ni papa .Kung buhay si papa ang perang iyan mas higit pa sa kikitain niya sana eh!!" pinagsusuntok niya ang pader kahit babae siya alam niyang sumuntok dahil tinuruan siya ng kanyang ama ng self defense nakaraang taon .Pagkalapat ng likod niya sa pader habang napapadusdos sa upo pa sahig parang kasing lamig ng bangkay ng papa niya ang pader pero wala siyang pakialam . Gusto niyang magwala dahil sa hirap ng buhay na meron sila ngayon ,maayos naman ang buhay nila noon bakit biglang bagsak ,Ano ang dahilan??? ang dami niyang tanong sa kanyang isipan.Kung may kaya lang sana siya hindi niya kukunin ang pera lalaban siya para sa hustisya para sa ama niya pero paano??? Nasa kinse anyos palang siya. '' tama na Fia huwag ng madaming daldal at baka may makarinig sayo .Ang kailangan nating gawin ilagay sa maayos na libingan ang papa mo '' lalo siyang napahagulgol nang marinig ang tungkol sa libing ng kanyang ama .Wala na talaga ang ama niya bukod tanging nakakaintindi sa kanya ang kakampi niya sa lahat .Ang bata pa ng kanyang ama pero bakit ganun nalang ito nawala .Hindi deserve ng papa niya ang ganun pero bakit ito ang nakatadhana. '' tama ang mama mo Sofia kung paiiralin mo ang pride kayo ang mawawalan at baka ni singkong duling walang ibibigay ang kompanya ng truck'' nagtaka siya sa pinagsasabi ng kanyang tiyahin na kararating lang .Mukhang kararating lang din ito sa paaralan dahil nakaunoporme pa ng pang guro. May kaya naman talaga ang pamilya nila ,sa lahat ng magkakapatid ang papa niya ang may kaya sa kanila. ''paano niyo nasabi iyan tita Selda ?" tanong nito .Napatayo na rin siya at saka nagpunas ng luha .Hindi niya kayang ipakita sa ibang tao ang pagiging mahina niya dahil iyon ang gusto ng kanyang ama huwag siyang mahina dahil gagamitin ng mga tao ang pagiging mahina niyang tao. '' ayon sa imbestigasyon ang papa mo mismo ang naglagay ng katawan nito sa gitna ng daan para iharang sa malaking truck '' napatakip ng labi si Sofia sa narinig .Ano ang problema ng kanyang ama bakit nagawa niya ang bagay na iyon.Hindi man lang ba ito nagisip na may maiiwan siyang pamilya . '' papa !! naman bakit ganun '' bulong ng kanyang isip habang nakatingin siya sa loob ng morgue.Pinalabas muna sila dahil aayusan nila ang bangkay .Umalis muna siya at nagtungo sa ibang kwarto kung saan walang tao .Gusto niyang magkulong at magisip ng maayos baka sakali magpakita pa ang kanyang ama sa kanya. ''sana Selda hindi mo nalang sinabi kay Fia ang bagay na iyan '' alam niyang masasaktan si Sofia sa katotohanan kaya inilihim niya ang bagay na ito sa kanya .Ito ang rason kung bakit kinuha ang pera dahil wala naman silang hahabulin na hustisya dahil mismong asawa na niya ang naglagay sa sarili nito kay kamatayan. '' kailangan Janeth dahil sa isip ng bata kasalanan ng truck at baka magtatanim ng galit sa kompanya" naluha na rin siyang tumingin sa kwarto kung saan pumunta si Sofia.May punto naman ang kanyang hipag kaya naiintindihan niya . '' matalinong bata si Sofia kaya huwag mong subukan hindi sabihin ang totoo dahil gagawa iyan ng paraan para makita ang katotohanan '' alam niyang matalino ito dahil nagmana si Sofia sa kuya Sony niya . '' hindi ko na alam Selda .Bakit bakit naisip ni Sony ang magpakamatay paano nalang kami '' niyakap ni Selda ang naulila ng kanyang kapatid kahit sila ay hindi makapaniwala sa nangyari pero wala na silang magagawa . '' Siguro dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho '' magkatrabaho ang asawa niya at ni Sony kaya nalaman niya lahat ng nangyari bago nagpakamatay ang kapatid niya sa daan . '' natanggal ?" gulat na tanong ni Janeth. Ang babaw na dahilan para gawin iyon ng kanyang asawa .May pinag aralan ito kaya kahit matanggal sa trabaho kaya niyang maghanap may alok pa ngang trabaho sa ibang bansa pero tinanggihan niya muna dahil ayaw niyang mapalayo sa kanila .Natanggal lang sa trabaho magpapakamatay na ang babaw na dahilan . '' oo ! ayon sa asawa ko natanggal si Sony sa trabaho at higit sa lahat nagkaroon ng kasalanan ang asawa mo ;'' lalo siyang naguluhan. '' anong kasalanan ?" tanong nito. '' ayon sa asawa ko pinagbibintangang nagnakaw ng pera ang asawa mo sa kompanya .Nawawala ang isang daan milyong peso at ang tinuturo ng mga nasa finance department ay ang asawa mo dahil ito lang ang bukod tanging nakahawak ng budget para sa department na hawak ni Sony" bigla siyang nanghina sa kinakaharap ng kanyang asawa na crisis .Bakit hindi niya muna hinayaan mag imbestiga ang kaukulan ng kompanya bago ito nagpakamatay. '' ano naman sakali gagawin niya sa ninakaw nitong pera ?" alam niyang may laman ang bank account ni Sony pero wala itong million at bank account iyon ni Sofia para pag nasa edad bente na pwede na niya itong buksan para sa pag aaral niya sa kolehiyo lalo't gusto nilang mag asawa na kumuha political science ang kanilang anak sa ibang bansa . Kung sa joint account naman nila ni piso walang laman kaya hindi niya alam kung saan ba siya kukuha ng pera lalo't hindi pa naman nila mapakinabangan ang account ni Sofia. '' iyan ang hindi ko alam Janeth kaya magpakatatag kayo dahil walang makukuhang incentive o death insurance ang asawa mo sa pinagtatrabuhan niyang kompamya dahil sa perang nawawala '' malaking bagay na sana ang maiiwan na pera dahil sa insurance nito pero bakit pati iyon ipinaagkakait nila . '' paano na kami ngayon nag aaral pa naman si Fia '' nasa senior high palang naman ang kanyang anak at wala pang dese otso kaya hindi pa pwedeng magtrabaho at ayaw naman niyang tumigil ito sa pag aaral .Paano nalang ang buhay nila may baby pa siya na nangaingailangan ng gatas . '' hindi ko na din alam ang gagawin ko ang tanging masasabi ko lang tutulong kami sa gastusin at magibigay ng kunting halaga para sa inyo .Iyon lang ang alam ko huwag mong isipin si Fia dahil matalino yan kaya niyang makakuha ng scholar ang isipin mo ang tatlo mo pang anak na mga bata " wala naman naiitulong ang kanyang awa kaya hindi niya alam kung ano ba dapat gawin para mabawasan ang iniisip ng kanyang hipag .Ang kinatatakutan niya baka mabinat ito at lalong maging komplikado .Hindi makapaniwala si Sofia na pinasyal siya ni Zimon sa may dalampasigan .Parang nabawasan ang problema na meron sa kanyang isipan .Kagabi pa niya naiisip si Zimon at ang nakaraan niya . Gusto na niya din ikwento kay Zimon ang tungkol sa kanyang pagkatao pero may nagsasabi sa kanyang isipan na huwag siya masyadong magtiwala . ''mukhang matutunaw ako sa pagkakatitig mo sa akin '' alam niyang nakatitig lang sa kanya si Zimon kahit hindi niya tignan ramdam niya na may matang nakatitig sa kanya .Nasa likod sila ng kanyang sasakyan at may dala silang pagkain na nabili ni Zimon sa isang fast food. Ito ang kauna unahan niyang lumabas ng hacienda.Nakakalabas naman siya noong nag aaral siya ng pagka senior high pero iba parin yung nakakalayo siya tulad nito mukhang nasa tagaygay sila dahil ilang oras silang nagbyahe kanina . Nagpadala na rin siya ng mensahe sa kanyang kaibigan na baka gabihin siya makauwi at pakisabi nalang sa kanyang ina't ama para hindi mag aalala ang mga ito . Hindi n
Medyo masakit parin ang ulo ni Zimon dahil kagabi halos hindi na siya makatulog sa kakaisip kay Sofia . Aaminin niya na talagang may pagtingin siya sa dalaga at ito ang dahilan kung bakit nahirapan siyang pumunta sa ibang bansa para samahan ang kanyang lolo sa pagpapagamot nito . Nakwento niya rin sa lolo niya ang tungkol sa dalaga kaya excited itong umuwi para makilala niya si Sofia . Nakabihis na siya dahil sa hacienda pupunta.Mas gusto niyang mamalagi doon kaysa sa mansion. ''lagi ka nalang sa hacienda Zimon pwede naman na siguro pumasok ka sa kompanya diba ?" Ilang ulit naba nilang napag usapan na wala pa siyang panahon sa kompanya . Hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili na pumasok doon .Well siya lang naman ang lihim na taga ayos ng gusot pero wala siyang gana kumuha ng position .'' not now mom kailangan ko pang ayusin doon dahil yon ang bilin ni lolo '' may nakita siyang problema kahapon sa hacienda at yon ang pagtuunan niya ng pansin tutal wala naman ng problema sa
Makalipas ang dalawang taon at nasa edad disenwebe na si Sofia .Hindi na rin siya nag aral ng kolehiyo dahil ayaw na niyang mahirapan ang kanyang pangalawang magulang lalo't matanda ng ang mga ito .Hindi na rin pumapasok sa mansion ang kanyang nanay Pilar dahil mahina na .Ang ginawa nalang niya ay mag trabaho sa canteen dahil kulang sila doon . Hindi na rin nagpakita sa kanila ang señiorito dahil ayon kay Kokoy nasa ibang bansa ito at nagkasakit ang Don .Sa isang taon na pamamalagi ng señiorito sa hacienda nakaramdam siya ng pagmamahal sa binata .Kahit laging sinasabi ng kanyang isipan na mali pero nahuhulog ang kanyang loob sa anak ng mag asawang Morgan . Dahil lagi sa hacienda ang binata malaki ang nagbago .Naging masaya ang mga tao at walang takot sa kanilang mga mata at galaw . Pero kahit tumagal ang señiorito sa hacienda hindi siya gaano nagpapansin kahit may kunting pagtingin na siya sa binata .Mali ang mahalin niya ito pero yun ang sinasabi ng kanyang puso . Medyo nangungulil
Nagmadaling pumasok si Zimon sa kanilang bahay dahil nalaman niyang nasa sala ang mga magulang niya at abala ang mga ito mag meryenda . '' mom ,dad bakit ganun naman ang ginawa nyo .Bakit tinanggal niyo ang libreng lunch ng mga tao sa hacienda'' umikot ang mga mata ni Mabele .Talagang seryoso na ang kanilang anak mamahala ng hacienda dahil ultimo canteen doon ay napansin na nito . Inilapag niya muna ang juice saka nagdekwatro .Nanatili paring nakatayo si Zimon sa harap nila at taas kilay niya itong tinignan . '' ano naman kung ganon ang ginawa namin .Tumaas ang kanilang sahod so dapat wala ng lunch dahil gastos lang yan '' pinaliwanag niya na kaya nga nila tinaas dahil mas lugi sila kung kakain pa ang mga ito ng libre .Mahal na kasi ang bilihin kaya kailangan nilang magbawas ng budget sa farm . '' gastos pero meron sa budget ang lunch ng mga tao sa hacienda'' nakita niya ito noong isang buwan dahil pinadala sa kanya ang report na galing sa kanyang lolo .Malaki ang expenses na
Pinanood lang ni Zimon ang mga taong nagtulong tulong sa pagbaba ng mga bakal na gagamitin bilang haligi ng gagawin nilang greenhouse may mga net na rin na naunang nadeliver kahapon para s bubong . Ang kailangan niya lang ayusin pag maipatayo na ang greenhouse.Maglalagay siya ng tangke at sa ilalim ng lupa n ilalagay para malamig parin ang tubig na lalabas .Naisip niya kung sa taas maiinitan lang ito kaya mas maganda kung gagawa sila ng ibang lagayan ng tangke at iyon ang ipapahukay niya bukas .Pagkalapit sa kanya ni Kokoy ang pinagkakatiwalaan niya sa hacienda ay binigay ang plano para sa greenhouse na gagawin .'' nandito na lahat ng kailangan Kokoy ituturo ko sayo kung ano ang dapat gawin .Dapat maayos na ito bago itanim ang mga seedlings '' ''opo señiorito huwag kayong mag alala may mga tauhan tayo marunong mag welding '' kompleto sila ng kagamitan sa hacienda kaya hindi malabong matapos ang greenhouse ng isang linggo dahil bawat poste may ilalagay siyang tao para mas mabili
Hindi sanay si Zimon walang marinig na sermon galing sa mga magulang .Laking himala sa kanya dahil tahimik ang mga ito.'' tama ba ang nalaman namin magpapagawa ka ng greenhouse sa farm ?" hindi na siya nagtaka na mabilis kumalap ng impormasyon ang kanyang ama .'' yes at isang hectarya ang kailangan ko tutal may lupa doon na wala naman tanim dad '' hindi natataniman dahil hindi gaano healthy ang lupa kaya gawin niyang greenhouse para malagyan ng organicsoil para maging bago ang lupa nito .'' maganda ah sasama ako sayo bukas para makapag bigay din ako ng ideya '' papayag na sana siya para naman may kasama siya doon magplano pero bigla niyang naalala ang sinabi ng isang dalagita kanina .Napangiti siya habang naalala ang mukha nitong napaka inosente.'' kaya ko na ito at baka hindi makatrabaho ng maayos ang mga tao doon kung meron kayo'' baka mamaya takot ang mga tao habang nagtatrabaho dahil meron ang kanyang ama .Hindi pa naman niya gusto ang makitang may napapagalitan sa kanyang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น