"Isang buwan na pahinga, Vance. You are forbidden to take any of the mission. Hindi pa tuluyang gumagaling ang nga natamo mong sugat. Baka nakakalimutan mo ang kalahati ng buhay mo ay wala na sayo." anito na hinarap ang laptop.Kakagaling lang nila sa Israel kung saan nagkaroon ng cleaning operation doon laban sa mga sindikato. Nabaril siya sa kaliwang dibdib dahil sa pagligtas niya kay Ysha na isinangga ang sarili para hindi ito ang tamaan ng bala. Buti na lang hindi tumama sa puso niya ang bala, pero hindi rin naging madali dahil may wolfsbane iyon na nakapangpahina sa kanya.Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa noong nalaman niyang nasa bingit na siya ng kamatayan. Hinihiling niya na sana kunin na siya dahil wala rin naman siyang rason para mabuhay pa.Doon bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isa sa mga epsilon ng Iron Wolf. "Lord Uno, pinatawag niyo raw ako.""Oh yes. Sayo ko ibibigay ang kliyenteng–""Ako na lang ang hahawak niyan." putol niya sa sinasabi ni Karrim. Sa hindi
Read more