PORTIA POV"Thank you, Sir."Akmang lalabas na sana ako nang bigla na lamang niya akong tinawag ulit."Ahh! Miss Vergoza, bago ka magsimula sa trabaho mo ay pwepwede ba kitang mautusan na i-arranged ang mga file kong ito sa cabinet na naroroon," utos niya sa akin sabay turo sa kaliwang bahagi nitong opisina niya.Napasunod ako nang tingin sa itinuturo niya at nakita ko ang isang maliit na cabinet na naroroon."May meeting pa kasi ako ngayon. Pagkatapos mo ay pwede ka nang pumunta sa trabaho mo," dagdag pa niya habang ang mga mata ay nakatingin sa relong pambisig niya.Aangal na sana ako nang bigla na lamang siyang umalis. Naiwan akong mag-isa dito sa loob nang opisina niya."Huh!" Hindi makapaniwalang anas ko at walang nagawa kundi ang sundin na lamang ang mga iniutos niya sa akin.Inilapag ko ang shoulder bag na dala ko sa sofang naririto at tsaka ko kinuha ang dalawang matataas na tambak na mga folder dito sa mesa niya. Tiningnan ko ang laman nang isa sa mga iyon at nakita kong tapo
Terakhir Diperbarui : 2025-11-11 Baca selengkapnya