SKY"Mama!" masiglang tawag ko nang matanaw ko na sila ni Tito Nick sa arrival area ng NAIA terminal 2. Agad ko silang sinalubong at yumakap ako kay Mama. At pagkatapos kay Tito Nick. Sumunod naman si Zach at bumati din sa kanila."Ma, I missed you.""I missed you too, iha." At bumaling ito kay Zach. "Kumusta kayo rito, iho?""Okay lang naman po, Tita.""How's the company, iho?" tanong naman ni Tito Nick."Maayos naman, Dad. Marami kaming na close na deal dahil sa mga marketing strategy na ginawa ni Sky." Nakangiting saad naman ni Zach."Glad to hear that, iho. Pero, Sky. Hindi ka naman ba pinapahirapan ni Zach sa trabaho? Baka masyado siyang mahigpit sa 'yo, sabihin mo lang.""Naku, hindi naman po, Tito." Masyado nga lang seloso. Bulong ng aking isipan."O sya, sa bahay na natin ipagpatuloy 'tong kwentuhan natin," wika ni Mama. Pagdating namin sa sasakyan, ako ang naupo sa likod kasama si Mama habang sina Zach at Tito Nick ang nasa unahan. Habang nasa biyahe, inuubos ko ang lakas n
Last Updated : 2025-10-28 Read more