Buong akala ni Sky hindi na siya magkakagusto pa sa isang lalaki, matapos lokohin ng boyfriend niya noon at iwan ng Papa niya para sa ibang babae. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Zach Villanueva, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Lihim siyang humanga dito, ngunit malayong magustuhan siya ng boss niyang perfectionist at may mataas na standard. Nang minsang magbiro ang tadhana, sa kasal ng kanyang ina, natuklasan niyang si Zach ay hindi lang basta boss, kundi anak ng lalaking papakasalan ng Mama niya. Stepbrother niya ang lalaking lihim niyang hinahangaan. Mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang mapilitan silang magsama sa iisang bubong. Sa bawat titig, sa bawat paglapit, at sa bawat paghinga sa iisang espasyo, mas lumalalim ang tensyon sa pagitan nila. Isang tensyon na hindi dapat mabuo… pero imposibleng pigilan. Family by law. Forbidden by morals. But temptation doesn’t always play by the rules until it becomes...a sacred betrayal.
View MoreSKY POV
"OHHHHHHH.." Isang mahinang ungol ang kumawala sa aking bibig habang napakagat ako sa aking labi.
Mabilis na nahubad ni Zach ang saplot ko sa katawan, at mayamaya pa'y naramdaman ko na lamang ang matigas na pagkakalalaki niya sa aking kaselanan.
"Harder, please....aaahhh..." muli kong ungol.
Ngunit bigla akong napatikwas nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Hingal na hingal ako habang tumatagaktak ang pawis sa aking noo. Namamasa na ang pagitan ng aking mga hita, epekto ng panaginip na masyadong totoo sa pakiramdam.
"OMG, I had a wet dream....with Zach Villanueva, my boss sa ZV Cybertech," usal ko sa sarili.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang pumalit siya bilang bagong CEO ng kumpanya. Actually, ang pamilya ni Zach ang may-ari ng Cybertech, kaya ZV kasi it stands for Zach Villanueva.
Hindi maitatangging napakagwapo niya, at malakas ang sex appeal, pero napakataas ang standard at masyadong perfectionist sa trabaho. Akala ko hindi na ako magkakagusto pa sa isang lalaki, matapos akong lokohin ng walanghiya kong boyfriend at iwan ng ama ko para sa iba.
At mas lalong hindi ko inaakala na ang simpleng paghanga ko sa kanya ay hahantong sa isang mainit na pagniniig sa aking panaginip. Pero bakit parang totoo? Bakit ramdam ko pa rin ang halik at haplos niya sa katawan ko?
Pinilig ko ang aking ulo, at pilit na iwaksi ang napanaginipan ko.
Mayamaya, nagring ang telepono kaya dali-dali kong sinagot.
"Sky, anak." Boses ni Mama sa kabilang linya. "Don't forget the wedding. Hindi p'wedeng wala ka sa kasal ko."
"Yes, Ma." Mabilis kong sagot.
Oo nga pala, kasal ni Mama ngayon. Kamuntik ko ng makalimutan 'yon dahil sa pag-iisip ko kay sir Zach.
********
Sa Casa Royale gaganapin ang civil wedding. Maraming mga bisita kasi balita ko, businessman ang mapapangasawa ni Mama. Pero hindi ko pa siya nakilala, ang alam ko lang Nick ang pangalan niya.
"Sky, anak. Mabuti naman at nandito ka na," nakangiting wika ni Mama.
"Wow Ma, ang ganda niyo naman. Parang nasa 30's pa lang kayo ah," buong paghangang sambit ko saka yumakap sa kanya.
"Naku, binola mo pa akong bata ka. Halika ipakilala kita kay Nick."
Nagkatawanan kaming dalawa habang magkahawak-kamay na pumunta sa unahan.
"Uhm, hon," wika ni Mama sa lalaking naka-dark suit. Sa tingin ko nasa 50's pa ito, mas matanda lang siguro ng lima o anim na taon sa Mama ko.
"This is my daughter, Sky."
"Anak, ito ang Tito Nick mo."
Tumingin ang lalaki at ngumiti sa akin. "Please to meet you, iha."
"Dad..."
Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsasalita sa likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino 'yon. Bumilis ang tibok ng aking puso lalo na nang magtama ang aming paningin.
"S-sir?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. Marahil hindi rin niya alam na ako ang anak ng babaeng papakasalan ng Daddy niya.
"Magkakilala na ba kayo?" tanong ni Tito Nick. "Anyway, he is my son, Zach Villanueva."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan. Magiging stepbrother ko ang lalaking pinagpapantasyahan ko. Dios Mio! Anong klaseng biro to?
"Anak, this is your Tita Elena, and her daughter, Sky." Pagpapatuloy ni Tito Nick.
"So, my employee is actually the daughter of my stepmom," malamig na wika ni Zach.
"You mean...she is working in our company, iho?"
Tango lang ang isinagot ni sir Zach habang iniiwas ang tingin sa akin.
*********
"Congratulations Ma, Tito Greg," bati ko nang matapos ang seremonya.
"Ma, I'm happy for you," maluha-luha kong sabi at niyakap siya ng mahigpit. Matapos kaming iwan ni Papa para sa ibang babae, I think deserve ni Mama ang sumaya ulit.
"Congratulations Dad, Tita Elena," bati naman ni Zach. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa amin.
"Salamat, iho." Nakangiting wika ni Mama.
Tumingin si sir Zach sa akin at bahagyang ngumiti. "You're now my little sister, Sky. You can call me Zach, but inside the office, I am still your boss."
Nagkatawanan sila Mama at Tito Nick.
"But don't be harsh with your sister, son. Kahit nasa opisina kayo," wika ni Tito Nick.
"Zach, iho." Seryosong saad ni Mama habang hinawakan ang kamay ni Zach. "Walang kapatid si Sky, at nag-iisa ka ring anak ng Daddy mo, kaya sana magturingan kayong parang tunay na magkakapatid."
Tumango lang si Zach ng bahagya habang nakatingin sa akin.
"No problem, Tita. As her older brother, I'm here to protect her."
Tahimik akong nakayuko, sinusubukang itago ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya lalo na’t sariwa pa sa isip ko ang panaginip ko tungkol sa kanya.
"Alright, let's take some family pictures," wika ni Tito Nick. "Zach, tumabi ka kay Sky."
“H-ha? Eh…"
“Sky, sige na. Family na tayo ngayon,” masiglang saad ni Mama at marahan akong itinulak papalapit kay Zach.
Nakatayo siya sa tabi ko, seryoso ang mukha habang ako nama’y hindi mapakali. Nang aksidenteng magdikit ang braso namin, parang biglang kinuryente ang katawan ko.
"Sky, umayos ka. He is your stepbrother," saway ng isang bahagi ng aking utak.
Nang sumigaw ang photographer ng 'smile' hindi ko alam kung paano ako ngumiti nang natural. Lalo pa’t nako-conscious ako.
Pagkatapos ng pictorial, tumuloy na kami sa reception na ginanap din sa malawak na bulwagan ng Casa Royale. Puno ng tawanan, musika, at mga pagbati. Pero ako, tahimik lang sa gilid, sinusubukang pakalmahin ang dibdib kong halos sasabog na sa kaba.
“Why are you standing here alone?”
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ni Zach.
“W-wala. Nagpapahangin lang,” sagot ko habang iniiwas ang tingin sa kanya.
“Hmm. You look nervous.” Bahagya siyang ngumiti habang matamang nakatingin sa akin. “You were avoiding me the whole time.”
“A-ano ka ba, hindi ah!” mabilis kong tanggi, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Lumapit pa siya nang kaunti, masyadong malapit. “You better get used to this, Sky. We’ll be seeing each other a lot from now on.
Parang bigla akong nawalan ng hangin.
"Remember, we are now a family. You are now my little sister."
"Sana ganoon lang kadali 'yon." Bulong ko sa aking isipan.
He is my boss, now becomes my stepbrother.
At siya ring lalaking nakaniig ko sa aking panaginip. What a goddamn truth!
Paano ko ito haharapin araw-araw?
"Nandito lang pala kayong dalawa."
Sabay kaming napalingon sa likuran. Sina Mama at Tito Greg pala, magkaakbay habang nakangiting papalapit sa kinaroroonan namin.
"Ma, Tito Nick."
"Buti naman at nag-uusap kayo. At least makapagpalagayang loob kayong dalawa," nakangiting wika ni Tito Nick. Pagkatapos bumaling ito kay Zach.
"Iho, bukas, lilipat na sa atin ang Tita Elena mo at si Sky. So we will be living under the same roof, as one family."
Napatingin akong bigla kay Mama, para kumpirmahin ang narinig ko.
"Yes, Sky. Lilipat na tayo sa bahay ng Tito Nick mo. Wala naman sigurong magiging problema sa 'yo Zach, di ba?"
"Yes naman, tita. The house is big enough for us," wika naman ng lalaki. Bahagya pa siyang ngumiti, pero may kung anong lamig sa paraan ng pagkakasabi niya.
“Anak, hindi ba exciting?” masayang sambit ni Mama habang nakatingin sa akin. “Parang bagong simula para sa ating lahat.”
“Y-yeah,” pilit kong sagot. “Exciting nga.”
Ngunit ang totoo, kabaligtaran ang nararamdaman ko. Paano ako magiging komportable na kasama ko sa iisang bubong ang boss ko, and at the same time stepbrother ko?
SKY POV“Ayoko nang paulit-ulit, Sky. Bumaba ka na.” Malamig niyang sabi habang nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-cross arms, at nakatingin nang diretso sa akin. Hindi ko naman kayang makipagtitigan sa kanya. “Zach, hindi naman ako gutom—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil marahan siyang lumapit, hanggang sa halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ng vanity mirror, nakabalot pa ng tuwalya ang katawan ko, at pakiramdam ko, hindi ako makakatakas sa kanya.“Sky…” aniya sa mababang boses. “Let's eat."Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ito katulad ng dati. May kung anong kakaiba ngayong kami lang sa bahay. Walang Mama. Walang Tito Nick. “Fine,” bulong ko. “I’ll go.”Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya, ‘yong tipid pero may bahid ng kapilyuhan. “Good girl,” aniya bago siya lumingon at bumaba ng hagdan. Naiwan akon
SKY POVUnang araw ng pag-alis nina Mama at Tito Nick papuntang France. Habang nasa trabaho ako, hindi ko maiwasang isipin na kami lang ni Zach sa bahay. May mga katulong naman pero, ngayon pa lang nararamdaman ko na ang matinding tensyon."Sky, ba't ang lalim naman ng iniisip mo?" untag ng kaibigan kong si Maye, na isa ding Marketing Specialist."Oo nga gurl, anong problema?" sabat naman ni Rica, ang kasamahan kong bakla.Magkakatabi lang mga office cubicles namin kaya nakakapag-usap kami, lalo na kapag breaktime."Uhm...may nakalap akong balita," aniya at ngumiti sa akin. "Oy, ano naman 'yon? Kaw talagang bakla ka, hindi ka talaga nahuhuli sa balita kahit kailan," wika naman ni Maye.Actually, narinig ko lang naman ito kanina sa reception. Bigla naman akong na-curious sa sasabihin niya kaya saglit akong tumigil sa pagtipa ng keyboard ng computer."Sabihin mo na 'yan, bakla. Masyado ka namang pa-thrilling dyan," nakangusong saad ni Maye."Uhm..stepbrother mo raw si sir Zach? I mean
SKY POVKinabukasan, matapos magtanghalian, sinundo kami ng family driver ng mga Villanueva. Sakto namang nakapag-impake na kami kaya matapos maikarga ang iilang maleta at kahon ng mga gamit namin, nilisan na namin ang Gaviola subdivision. Buti nalang din at Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho.Habang nasa loob ng sasakyan, paulit-ulit kong iniisip kung paano ko haharapin si Zach. Hindi ko alam kung paano magpanggap na normal lang, lalo na’t bawat titig niya kagabi ay parang may ibang kahulugan para sa akin. Pero kailangan na talagang matigil 'tong kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Sa ilalim ng batas, 'magkapatid' na kami, kaya pamilya ko na sila ni Tito Nick. Pagdating namin sa malaking gate ng mansion, halos mapanganga ako. Ang lawak ng bahay. Moderno ang disenyo, mataas ang bubong at may malawak na bakuran. Sa gitna, naroon ang swimming pool na parihaba ang hugis. Agad naman kaming sinalubong ng mga kasambahay para kunin ang mga gamit namin sa sasakyan.Samantalang n
SKY POV"OHHHHHHH.." Isang mahinang ungol ang kumawala sa aking bibig habang napakagat ako sa aking labi.Mabilis na nahubad ni Zach ang saplot ko sa katawan, at mayamaya pa'y naramdaman ko na lamang ang matigas na pagkakalalaki niya sa aking kaselanan."Harder, please....aaahhh..." muli kong ungol.Ngunit bigla akong napatikwas nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Hingal na hingal ako habang tumatagaktak ang pawis sa aking noo. Namamasa na ang pagitan ng aking mga hita, epekto ng panaginip na masyadong totoo sa pakiramdam."OMG, I had a wet dream....with Zach Villanueva, my boss sa ZV Cybertech," usal ko sa sarili.Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang pumalit siya bilang bagong CEO ng kumpanya. Actually, ang pamilya ni Zach ang may-ari ng Cybertech, kaya ZV kasi it stands for Zach Villanueva.Hindi maitatangging napakagwapo niya, at malakas ang sex appeal, pero napakataas ang standard at masyadong perfectionist sa trabaho. Akala ko hindi na ako magkakagusto pa sa isang lal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments